Chapter XXXIV

17.6K 659 144
                                    

"The toughest battle you will ever face
is between what you feel and what you know."

BUONG GABI akong umiyak. At panibagong araw na pero maghapon pa rin akong umiyak. And I know it's not because I am weak but because I am strong to accept the reality.

Walang Aries at Cassidy. Walang kami. Walang label o walang relasyon. We maybe love each other but that doesn't mean that we are meant for each other.

He told me he loves me but he will not marry me but his other woman--Katarina. Mas matimbang siguro ang nararamdaman niya sa babaeng 'yon. Mas kailangan niya siguro si Katarina. Not because he loves me doesn't mean he wants to stay with me for the rest of his life.

May mali ako. Nagmatigas ako kahit palagi niya akong kinukulit. Pero ayoko lang din naman kasing mag-assume sa mga bagay bagay lalo na't napakagulo ni Aries. Although I could see the sincerity in his eyes when he told me loves me, iba iyong ikinikilos niya. Ewan ko ba. Tama na rin sigurong hindi kami nagkaroon ng official na relasyon. Baka mas masakit pa 'yong nararamdaman ko ngayon.

Now that he's getting married, I should move on, right? Life goes on... pero masakit kasi talaga. Punyetang luha ayan na naman!

Ito 'yong nakakainis. Iyong nasasaktan ako ng ganito kahit wala namang kami. Kaya wala akong karapatang magalit e, wala akong karapatang mag eskandalo, wala akong karapatang pigilan ang kasal niya, wala! Punyetang puso naman 'to, o!

Sino ba ako? Iyong babaeng sinabihan niyang mahal niya. Iyon lang at wala nang iba.

Nag-drive ako papunta sa bar. May part sa akin na gusto kong magpakalasing pero may part din sa akin na umaasa na baka makita ko si Aries do'n. Wait, self akala ko ba move on na?

Nang makarating ako sa bar ay para pa akong nagdadalawang-isip kung papasok ba ako o hindi. Paano kung naroon si Aries? Baka isipin niya na nagpapapansin pa ako sa kanya kahit nag usap na kami. He already told me that we are strangers to each orher.

Pero gusto ko rin talaga siyang makita. Para bang gusto kong makita kung gaano siya kasaya na ikakasal na siya. Ang tanga ko para gustuhing makita siyang masaya kahit alam kong masasaktan ako. Sino bang hindi masasaktan na makita ang taong mahal mo na masaya sa iba?

I took a deep breath and headed inside the bar.

Dumiretso ako sa isang bakanteng mesa. Sumenyas ako sa waiter saka humingi ng matatapang na alak. I am ready to get wasted tonight kasi sigurado akong iiyak lang ako mamaya hanggng makatulog ako. Mas maigi na iyong lasing ka para tulog agad.

Wala pang ilang saglit ay dala na ng waiter ang alak na in-order ko. Uminom agad ako. Dumaloy ang pait sa lalamunan ko. Kasing pait... ng nangyayari sa akin ngayon.

Nag-angat ako ng tingin nang may umupo sa harap ko. Devan.

"Hey, are you okay?"

I smiled at him. "Yeah. I think so."

"Your eyes can't lie. They are swollen." Tumungga siya sa bote ng beer na dala niya rito sa table ko.

"Nakagat lang 'yan ng ipis." Sabi ko.

"That's what my bestfriend's line whenever she broke up with her boyfriends."

Tinaasan ko siya ng kilay. "So may bestfriend ka?"

I tried to change the topic kasi ayokong pag-usapan ang nararamdaman ko ngayon dahil sigurado akong iiyak lang ako.

"Yes."

"And a girl?"

He nodded at me. "Yeah, she was my classmate since preschool."

Mas gugustuhin ko pang pag-usapan iyong buhay ni Devan kasi sa nangyayari sa amin ni Aries.

Casanova's Club #3: Beast in HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon