Chapter IX

27.7K 870 175
                                    

"I see something in you,
and I can't explain."

NAKAPAMEYWANG ako habang nakatitig sa nagkukusot ng punyetang mga mata niya si Aries.
May pag-iinat pa ang mokong.

"So that was my job? Being stressed!" Bulyaw ko.

Mukha naman siyang nagulat sa biglaang pagsigaw ko. Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin.

Para bang iniisip pa niya kung ano ang nangyayari.

"Hey, you're here..." he said in his husky voice. "What's for breakfast?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Tingin mo sa 'kin, asawa mo?! Breakfast your ass!"

He chuckles. "Pwede rin."

Mas sumama ang tingin ko sa kanya. "Wala kang idea kung gaano ako ka-stress ha! Tumataas talaga ang dugo ko! Halos hindi ako nakatulog kagabi sa inis!"

"Paano 'yung inis?" Ngumisi siya.

Nanggigigil ako. Sasabunutan ko talaga ang lalaking 'to!

"Parang habang tumatagal, lumalala ang role ko sa buhay mo. Seriously, secretary lang ang usapan natin! Hindi girlfriend, at lalong hindi chaperone!"

"It's too early to nag, Cassidy."

"I told you to stop calling me by my full name."

He chuckles. "Tell me, what did i do?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Wala ka talagang maalala ni isa sa ginawa mo? Amnesia boy yern?"

"Did I fuck you?"

Gusto ko na rin siyang sakalin. "Bastos ka talaga!"

"What... enlighten me."

"Muntik ka lang naman mapikot kagabi. Bakit ka ba nagpapakalasing nang hindi mo kaya, ha? Tapos ang landi landi mo pa. Hindi mo alam naturukan ka pa ng drugs. My gosh, Aries you're a human stress!"

"Really..."

"And lastly, kinaladkad kita mula sa hotel room ng babae mo. Sa susunod, mamili ka naman ng ika-kama mo. Ang hilig mo sa pokpok. Hindi ka ba natatakot magka-AIDS?"

Natawa siya sa sinabi ko. "Oh fuck, nabudol yata ako."

"Hindi ka nabudol. Malandi ka lang talaga. Bwisit ka."

Mas tumawa pa siya. "Are you jealous?"

"Asa ka." Sabi ko. "Uuwi na ako. I took the day, off! I want to take a rest."

Palabas na ako ng kwarto niya nang mapatda ako. He's hugging me from behind. I could feel his topless body.

"Don't go."

Kumunot ang noo ko. Bwisit na lalaking 'to. Uwing uwi na ako.

"Fucker—"

"Yeah, I know I'm a fucker. But please, stay here."

Ano bang ginagawa niya? Ang drama niya.

"Aries—"

"Please."

Tinanggal ko ang mga kamay niyang nakayakap sa akin saka ko siya hinarap. "What's your deal, seriously?"

"Sorry for what I did last night. I won't do that again, I promise."

Luh siya, feeling jowa??

"Buhay mo 'yan, Aries. You can do what you want. Ang sa akin lang naman, if you'll do something, make sure you won't disturb anyone. I don't mind you flirting with girls all day as long as you can handle it. Hindi 'yong hindi mo alam, mapipikot ka na. It's my job to watch you, to take care of things for you, pero hindi ko na siguro trabaho ang ma-stress sa pambababae mo. Daig ko pa ang asawa mo, e."

Casanova's Club #3: Beast in HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon