Chapter XXXVI

22.6K 623 91
                                    

"Not everyone in your life, stays."

(Two days ago)

NAKATULALA ako matapos kong basahin ang letter ni Papa at ni Aries mula sa envelope na ibinigay ni Ludwig na galing daw kay Aries.

Yes, penmanship iyon ni Papa at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit o matuwa o ano ba ang dapat?

Imagine that your whole life is a lie.

Una, tatay ko pala si Mr. Figueroa when all I thought, patay na ang mga magulang ko.

Second, the meeting with Aries, iyong pagkawala ng ruby stone kung saan nagsimula ang lahat, ang pagta-trabaho ko kay Aries... lahat kung paano pumasok sa buhay ko ang isang Aries Chastin Palermo, planado lang.

And last, iyong supposed to be wedding of Aries. Na akala ko ikakasal talaga siya kay Katarina. All the things he told me, it gave me pain. It disappoints me. Winasak niyon ang puso ko tapos malalaman ko na lahat ay staged? Lahat ay naka-plano. The bottom part is, nagpanggap lang siya kay Katarina na gusto niya itong pakasalan.

I checked the USB flashdrive at hindi ko inakalang solid evidence nga iyon. Sa pagpa-plano nang pagpatay kay Papa, sa paghahanap nila ng big vault ni Papa, kung paano nila makukuha lahat ng kayamanan ni Papa. Fuck them, nakakagalit na mapanood ang lahat. Pati ang pag-uutos sa lalaking pumatay kay Papa ay recorded ng CCTV. Evidences that are enough to put them in jail. Each everyone of them.

But the worst part is... nakakasalamuha ko lang pala ang mga hayop na pumatay kay Papa.

Si Aries, I think he knows everything. Tulad ng sabi ni Papa sa letter, he knows him even before. At imposible namang malaman agad agad ni Aries ang suspect? Alam ba niya ang nangyayari sa pamilya ko?

I need to fucking talk to him. Right now.

Nagmaneho ako ng sasakyan ko. I called Ludwig and asked him to tell Aries to meet me at the Hashtag Bar. That will be the safest place when it comes to talking kesa sa mga bahay namin or where ever.

Ang daming tumatakbo sa isip ko. Hindi ako makapaniwala e. Para bang ayaw mag-sink-in nang lahat. I was ready to move on. I let him go. I accepted the fact that he doesn't love me the way I love him that's why he is marrying another woman but everything is... staged. Fucker!

Maraming tanong ang sunod sunod na pumapasok sa isip ko. Hindi ko na alam paano kong itatanong ang lahat ng iyon kay Aries. Pero gusto kong malaman lahat lahat. Mas mahalaga sa akin ang katotohanan at justice for Papa. Saka na iyong sarili kong feelings. That can wait.

Dumating ako sa Hashtag Bar. I parked my car. Bumaba ako saka kumunot ang noo ko nang salubungin ako ni Ludwig.

"Magkakabalikan na ba kayo ni bro?"

"Shut up. Puro ka tsismis, Ludwig."

"Pota, naging tsismoso pa nga. VIP room 3. Ando'n na si bro."

Nilampasan ko na siya. I walked towards the VIP room's door and opened it. I saw him... I missed him, fucker! Galit ako sa gago na 'to.

I locked the door and sat on the couch. He is looking at me. He looks tired.

"You read the letter, did you?" Tanong niya.

Ano pa bang magiging dahilan kung bakit gusto kong makausap siya.

Huminga ako nang malalim. Alam kong mahaba habang pag-uusap 'to. I want to clarify things, I want to know every single thing.

"Hmm, you have a lot of questions. Am I right? As much as I wanted to fucking hug and kiss you right now, I want to answer everything first." He said seriously.

Casanova's Club #3: Beast in HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon