Chapter XXIV

23.3K 867 362
                                    

"We are strangers, again."

ININOM ko ang coffee na tinimpla ni RJ para sa akin. Sabi niya maigi daw 'to para mahimasmasan ako at kahit papaano ay mawala ang hang-over ko dahil sa kalasingan ko kagabi.

He cooked mushroom soup. Ipinatong niya iyon sa harap ko. Umuusok pa iyon at mukhang bagong luto.

"I slept at the other room." Aniya.

May spare room naman dito sa unit ko. Doo  ko itinatambak ang mga gamit ko at kung ano ano pa. Hindi ko na nga alam na dito siya natulog.

"I asked permission to you but you are too drunk so yeah, hindi naman kita maiwan mag-isa rito sa unit mo."

Tumukhim ako. Sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na magsalita.

"What happened?" I asked him.

"You are too drunk last night, Cass. When I called you, I swear, I was worried. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. You don't even want to see me pero matigas ang ulo ko. Hindi ko kayang mag-stay dito sa unit mo habang nagpapakalasing ka sa bar. So I went there."

"Then?" I asked.

I'm trying to remember something. I want to confirm it.

"And there, wala naman akong balak lapitan ka but you were crying so hard that's why. Lumapit ako sa 'yo. You looked at me. Damn your eyes filled with tears. You even told me I'm a fucker but you hugged me so... I hugged you back. Walang malisya, Cass. I just wanted to comfort you."

Nakahinga ako nang maluwag. It's not Aries. Bakit nga naman siya pupunta ro'n e wala naman siyang pakialam sa akin saka isa pa, imposible dahil nasa Batangas sila. There's also no way for him to know na nasa bar ako kagabi.

"Thank you." Iyon na lamang ang nasabi ko.

"Eat your soup, Cass. After hugging me so tight, you punched me."

I tikted my head. "Seriously?"

He nodded at chuckles. "Yeah. You even told me na gago ako. Napakagago ko. And I know that."

Ayaw ko na talaga malasing dahil hindi ko naaalala ang mga pinaggagagawa ko.

"You should eat, too." Iyon na lamang ang sinabi ko.

Tinuon ko ang pansin ko sa soup na ginawa niya. Punyeta talag napakasakit ng ulo ko ngayon.

"Mr. Figueroa called. Sorry but I answered it because it seemed urgent. Naka-tatlong missed calls siya. Sinabi niya na akala niya ay papasok ma na ngayon sa FF Jewelry so I just told him that you're not feeling well. Sinabi ko nalang na bukas ka nalang papasok. Sorry, ayokong abalahin ma sa tulog because I know may hang over ka pa."

Gusto kong mainis but I felt something... alam niyo iyong feeling na ganito, na may nag-aasikaso sa 'yo. I admit, RJ had been a great boyfriend. Nang-iwan nga lang talaga sa ere. But I am not saying na bumalik 'yong nararamdaman ko sa kanya. It's just the care.

"That's okay. Mabuti na rin iyon dahil tingin ko, hindi talaga ako makakapasok ngayon sa work."

Tumango tango lamang siya habang umiinom ng kape niya. He's standing in front of the table.

"Sandali nga, don't tell me titira ka talaga dito?" I asked.

"Yup. Sa ayaw at sa gusto mo sana, Cass. I am not here for my sake. It's for your own sake. Just let me protect you. I promise I won't cross the line."

Dapat ba akong pumayag? Hindi naman sa gusto ko siyang i-judge but living with him will be different. Babae ako at lalaki siya. We were exes.

Pero kasi sabi niya, nasa panganib ang buhay ko which is aalamin ko pa kung paano naging mapanganib.

Casanova's Club #3: Beast in HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon