Chapter XXXIX

30.9K 567 77
                                    

"Everything will fall into place so
stop worrying about things you can't control."

I FROWNED when Aries stopped the car. Tumingin ako sa labas at ang tanging natanaw ko ay mataas na gate. Para kaming nasa subdivision. Kanina ko pa iniisip kung saan ba nya ako dadalhin. I have no freaking idea. Bakit kasi hindi nalang sabihin?

"We are here."

"Is that your house?"

He chuckles. "Nah."

Nagtanggal siya ng seatbelt. Ganoon rin sa akin. Una siyang bumaba saka niya ako pinagbuksan ng pinto ng sasakyan.

Bumaba ako at nakakunot ang noong tumingin sa paligid. Resort ba 'to? Or what? Masyado kasing mataas ang gate to the point na hindi mo man lang masilip kung ano ang nasa loob. Siguro ay mansyon nila?

"Hey, baby. Let's go inside."

Tumango lamang ako. Hinawakan niya ang kamay ko. Hinayaan ko na lamang siya. We walked towards the tall gate. Tumigil kami saglit sa may entrance.

He talked to the guard habang ako ay malikot ang mga matang naghahanap ng clue kung ano ba ang lugar na 'to.

"Baby, I reserved a lunch date here."

Tumango tango ako. "Oh, okay."

Lunch date lang pala. Akala ko kung ano na. Pero kakaiba namang restaurant 'to. Parang super private? Hindi kaya dito nagla-lunch date ang mga artista?

Pumasok kami sa loob. Tumambad ang isang malaking hall na parang restaurant nga. Resort nga pala 'to dahil sa gilid sa labas ng hall ay natanaw ko ang swimming pool.

Ang ganda naman dito.

"Bakit ang dilim?" Tanong ko.

"Candle light lunch."

Akala ko for dinner lang 'yon ah. Saka paanong naging madilim sa loob kahit maliwanag pa dito sa labas. Hay, ang daming tanong sa isip ko.

"Pauso mo 'yan, fucker?"

He smiled. "Whatever, baby."

Pumasok kami sa loob. Natanaw ko agad ang isang table sa gitna ng malawak at malaking hall. Madilim ang paligid pero may nakasinding candle nga sa gitna ng mesa na nagsisilbing liwanag sa table na 'yon. Sweet naman ng lunch date na 'to.

Inalalayan ako ni Aries patungo sa table kung saan may candle light pero nagulantang ako nang may sumabog. Napatili ako at napatakip sa tainga.

Ang dibdib ko... ang lakas lakas ng kabog. Saka ko na-realize na puno ng confetti ang lumalagpak mula sa itaas. What the hell is this?

Napatingin ako kay Aries⎯na wala na sa tabi ko. Nasaan ang fucker na 'yon?

"Aries?" Sigaw ko. "Fucker?"

Nagmasid ako hanggang sa pumailanlang ang musika. Kumunot ang noo ko. I looked around pero wala akong makitang kahit ano. Napakadilim talaga. Damn Aries! Iniwan yata ako sa ere.

Sweet song ang tumutugtog habang inaalis ko sa katawan ko ang ilang piraso ng confetti na naglaglagan kanina. Iyon pala 'yong biglang sumabog. Nagulat pa ako. Anong pakulo ba 'to?

"I know... I've been hard on you."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. That's Aries' voice. Pero nasaan siya? Madilim pa rin ang paligid.

"But believe me, I love you since your debut."

Napalunok ako. Hindi ko alam kung saang banda ako titingin dahil hindi ko maaninag kung nasaan siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Casanova's Club #3: Beast in HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon