Chapter 6

801K 30.6K 23.4K
                                        


Chapter 6

Hindi na ako hinayaan ni Calix na i-tour siya sa bahay. Matapos naming kumain ay nag-ayos na siya ng gamit at iniwan akong nanonood ng movie sa sala. Nang sumapit ang gabi ay sabay rin kaming nag-hapunan. He even cooked our dinner. Kasama rin naming naghapunan si Matcha. After that, we watched several films and stayed up until ten o'clock.

I felt better. Tuluyan kong naisantabi ang mga isipin dahil sa kanya. He didn't ask about my problems. Basta sinamahan niya lang ako.

And as someone who had spent a long-time studying psychology, I had developed a sense of resiliency. Mabilis akong maka-move on. Mabilis kong matanggap na may mga bagay akong hindi kayang kontrolin.

Nakakapagod na rin kasing magpaliwanag sa mga taong isinarado na ang utak sa 'kin. Hindi ko naman siguro kasalanan kung titingnan nila ang pagbibigay ko sa maruming paraan. I wasn't arrogant; they were just insecure.

"Saan ang lakad mo? Ang aga pa, ah?" I asked when I saw Calix wearing a white polo shirt and black pants. Paalis na rin kasi ako para magtungo sa ospital. Sa nangyari kahapon, sa tingin ko ay ilang linggo rin akong hindi makauuwi sa bahay.

"May pasok ka nga pala every Sunday, 'no?" tanong niya rin.

Nasa main door na ako habang siya ay nakatayo pa sa labas ng kusina. He looked really attractive in the morning. Hindi na yata ako masasanay sa itsura niya.

Looking at him always felt like standing before a masterpiece. His eyes were kind yet exuded a powerful presence that demanded attention. His hair was pulled back into a loose bun, revealing his sharp jawline and tempting red lips.

He was like the pinnacle of a man. I didn't even know it was possible to look kind and sexy at the same time.

Bilang pa sa daliri kung ilang beses ko siyang nakasama, pero sa ugaling naipakita niya, may parte sa akin ang nakuha niya na.

He was the epitome of integrity. Hindi siya gwapo lang. He had a torch of goodness burning within him. Ang hirap nang magtiwala sa panahon ngayon, pero pagdating sa kanya, parang wala akong dapat ikabahala.

I had no idea where this feeling would take me. I just knew that whatever I was experiencing with him would be stronger and more intense. It felt new and raw. I didn't know what would happen if I let these emotions grow.

Pero bahala na. Masyado pang maaga para mag-isip. I have to savor this moment.

Ngumiti ako at tinanguan siya. "Ikaw? May date ka? Bihis na bihis ka..."

He tilted his head. "Sino namang i-da-date ko?"

"Hindi ko alam. Baka may nakilala ka sa Tinder o customer sa ramen house." I shrugged. "Pwede ring past flings."

Napangisi siya. "May trabaho ngayon ang gusto kong i-date, Vina."

Nag-init ang mukha ko sa isinagot niya. Pabiro ko siyang inirapan para ipakitang hindi ako naaapektuhan sa kanya. Talandi! Haliparot! Kire! Makati! Sabihin mo lang na umabsent ako at talagang mag-si-sick leave ako!

"Saan nga ang punta mo?" tanong ko nang makabawi.

Tumayo siya nang tuwid at naglakad patungo sa direksyon ko. Agad kong naamoy ang bango niya. Nakakainis naman! Baka ma-late ako sa trabaho niyan!

"Sa church," sagot niya.

"Oh." Natigilan ako. "Wow."

"Hatid na muna kita." He pursed his lips to keep a smile from coming out. Isang metro lang ang layo niya sa akin kaya kitang-kita ko ang ekspresyon niya.

"Huh? Hindi na. Baka ma-late ka pa."

He shook his head. "Mamaya pang 9 p.m. ang start ng service. Inagahan ko talagang gumising para hindi ka mag-commute."

Dosage of SerotoninWhere stories live. Discover now