Chapter 23"Mag-iingat ka ro'n. Lagi kang tatawag kapag may bakante kang oras, ha?" saad ko habang pinapanood siyang magsuot ng sapatos. "Eat on time. 'Wag ka rin masyadong magpuyat." "Mag-iingat ka ro'n. Lagi kang tatawag kapag may bakante kang oras, ha?" saad ko habang pinapanood siyang magsuot ng sapatos. "Eat on time. 'Wag ka rin masyadong magpuyat."
He smiled at me. "Yes, Ma'am."
Kinuha niya ang malaking bag at maleta. Nasa labas na si Rod at naghihintay sa kanya. Pinanood ko siyang lumabas para ilagay ang mga gamit sa compartment. Rod nodded at me, acknowledging my presence.
Mabigat sa loob ko ang panoorin siyang umalis. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa ma-mi-miss ko siya o dahil magiging mabagal sa akin ang dalawang buwan. Hindi ako patutulugin ng utak ko.
Nang akmang tatalikod na ako ay naramdaman ko ang kamay ni Calix sa braso ko. Napaharap ako sa kanya pero ang dibdib niya lang ang sumalubong sa akin.
"I love you."
I pressed my left cheek on his chest. "I love you, Calix."
"Mabilis lang 'yon. I will always call you. Sasabihin mo sa akin kapag may problema ka rito, ha?" Malalim ang boses niya. "Vina, I will do everything for you. Always remember that."
I tried hard not to break down and cry. Why is it so hard to trust his words? Why does it feel like a lie waiting to be blown?
"Kapag nakaipon na ako, magpapakilala ulit ako... sa pamilya mo," bulong niya ulit. "This time, I won't disappoint them. I promise."
Umiling ako. "I told you. We don't need their approval."
Naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko.
"I respect your parents. Naiintindihan ko kung saan sila nanggagaling. If I were them, I wouldn't trust myself either. You deserve more... and that's why I'm doing this... because I want to be deserving of you."
Walang salitang namutawi sa bibig ko. Ilang sandali pa kaming nagpaalamanan hanggang sa bumalik na siya sa sasakyan. My heart was pounding. I could feel it in my bones. I was starting to have doubts about him. I was starting to lose my mind.
I slowly shook my head. Maybe, I was overthinking it. Kailangan kong pagkatiwalaan ang pagmamahalan namin ni Calix. Baka masyado ko lang iniisip ang mga ginawa sa akin ng exes ko... at mali na pag-isipan ko nang ganoon ang lalaki dahil lang sa heartbreaks na natamo ko noon.
Nang pumasok ako sa bahay namin, agad na yumakap sa akin ang pag-iisa. Wala si Matcha na maingay na agad ang tahol kapag nakikita ako. Wala si Calix na nagluluto at nakangiting babati sa akin.
Unang araw matapos ang trabaho ay sa bahay agad ako dumiretso. I didn't bother eating. Masyado akong pagod. Nahiga lang ako sa kama at tumitig sa ceiling, taimtim na hinihiling na sana ay bumilis ang mga araw.
Wala pang labinglimang minuto akong nakahiga ay nag-ring agad ang cellphone ko.
"Hi!" bati sa akin ni Calix nang sagutin ko ang tawag. "Kararating lang namin dito. Bukas na agad ang simula ng tripping."
I smiled upon hearing his voice. "Pagod ka?"
"Hindi naman. Ikaw? How's your day? Kumain ka na ba? Don't forget to lock the doors," sunod-sunod niyang saad. "Mabuti at may signal dito sa island. I can call you anytime."
I closed my eyes and envisioned him, smiling. Parang bulang nawala ang mga agam-agam ko sa lambing ng boses niya.
"Ano'ng gusto mong pasalubong?" tanong niya nang mapansin ang pananahimik ko.

BINABASA MO ANG
Dosage of Serotonin
RomanceStarted: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtang...