Chapter 34

644K 23.9K 21.8K
                                    


Chapter 34

"Ni hindi mo sinabi sa akin na siya pala ang ex mo! Kaya pala titig na titig ka!" sigaw ni Yna nang maiwan kaming dalawa sa Sunday school. Pinalabas niya muna sina Jonah at Laurice para gisahin ako. "Eh, paano 'yan? May girlfriend daw sa ibang bansa? Bakit ka kinakausap?"

"Hindi ko alam." Tulala pa rin ako sa nangyari.

"Naku, sinasabi ko sa 'yo! Masama ang makiapid, Rovina! Kahit gaano pa kagwapo ang lalaki, mali 'yan sa batas ng Diyos at batas ng tao!"

Napairap ako. "Narinig mo bang pumayag ako?"

"Oh... you'll ditch him?"

"Bakit parang ayaw mo? Ang sabi mo ay may girlfriend, 'di ba?"

Ngumuso siya. "It's just a rumor... siguro dapat tanungin mo muna?"

"Kahit naman may girlfriend o wala, sinabi ko na sa sarili ko na hindi na ako papasok sa buhay niya. What's the point, right?"

She sighed. "Medyo gets ko na kung bakit hindi ka maka-move on sa ex mong 'yon."

Pabiro kong hinampas ang braso niya. "Halika na sa labas. Last presentation na lang at closing remarks na."

Sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Look, hindi ko rin alam na makikita ko siya rito, okay? Hindi ko na nasabi sa 'yo kasi nagulat din ako. You don't expect me to just scream that my ex is here," I explained.

"Sino bang may sabi sa 'yong sumigaw ka?" pang-iinis niya. "Kung hindi pa kami pumasok dito, baka nakagawa na kayo ng makasalanang bagay."

"Yna!" Pinandilatan ko siya.

"What?!" she teased. "The way he looked at you was so intense! Parang gusto kang sunggaban!"

I exhaled loudly. "Rinig ka ni Lord!"

She laughed. "Or maybe he's just really... hmm... how would you put it? Sexy?"

"Yna!" I grunted.

Lalong lumawak ang ngisi niya. "Nakakamiss tuloy past namin ni Vonn."

Inirapan ko siya bago lumabas ng Sunday school. Rinig ko ang pagtawa niya na parang nanunuya kaya napasimangot ako. Hindi ko na naabutan ang last performance dahil nagbibigay na ng closing remarks ang isa sa leaders ng church nang makaupo ako. I didn't bother looking at Calix's direction because I could still feel the fast beating of my heart. I acted as if it didn't concern me at all.

It wasn't long before Pastor took over the platform. He thanked all the visitors and organizers.

"Special mention to our Engr. Calix Dylan Fujimoto who provided the financial needs of all the guests. May God bless you more, Sir," saad pa ni Pastor. "I hope you enjoy our Christmas party. All glory to Him!"

Matapos ang closing prayer ay nagtungo ako sa mga bisita para i-guide na sila sa room sa taas. Our church had five floors, with the first-floor housing the Sunday service, the second floor staffing the training facilities and conference halls, the third floor holding the worship team's dance floor and music studio, and the fourth and fifth floors housing the guest accommodations.

Dahil Pinoy ang majority ng mga bisita ay naiintindihan ko ang usapan nila.

"Ang laki ng church, 'no? Sana ay maging ganito rin sa atin para marami lalong maka-attend," sabi ng isang ginang. "Ni hindi na natin kailangang mag-hotel kasi may guest rooms sila."

Ngumiti ang kausap niya. "Ang gandang experience pati nito! Kung hindi pa sinagot ni Calix ang ticket natin, hindi tayo makakasama."

Nasa likuran lang nila ako, hindi makasingit dahil mukhang abala sila sa pinag-uusapan.

Dosage of SerotoninDonde viven las historias. Descúbrelo ahora