Chapter 25

604K 25.2K 52.7K
                                        

Chapter 25

Trigger Warning: Strong language, Suicide. This chapter contains disturbing scenes. Read at your own risk.

"Rebecca!" I screamed as I saw her entering our house. She didn't look shocked at all. Bumaba ang tingin niya sa hawak kong bank book. "Bakit mo ako ninakawan?!"

Nilampasan niya ako. Nakatingin lang sa amin si Kuya, nagtataka sa inaasal ko.

"Kinakausap kita!" Hinaklit ko ang braso niya at iniharap sa akin. Napadaing siya sa pagtama ng kuko ko sa balat niya.

"Ano ba?!" singhal niya.

Umawang ang bibig ko, hindi makapaniwala na siya pa ang may ganang magalit matapos ang ginawa.

"Bakit ka nag-withdraw ng pera sa account ko?!" sigaw ko, hindi nagpapatinag sa nanlilisik niyang mata. She stole my ID and forged my signature! I'm sure of that!

Hindi ko pinansin ang paglabas ni Papa ng silid. Mabagal siyang naglakad patungo sa sofa kung saan nakaupo si Kuya Rexter. Parang wala itong pakialam sa pagtatalo namin.

"Nag-aagaw buhay si Ace!" she shouted frustratedly. "Anong gusto mong gawin ko? Tumunganga? Buhay ng kasintahan ko ang pinag-uusapan dito, Ate!"

Malakas kong itinulak ang braso niya. Nananalaytay sa dugo ko ang labis na galit at pagtitimpi sa kapatid. Kinailangan ko pang huminga nang malalim para pigilan ang sarili na saktan siya.

"I'll file a lawsuit against you if you don't pay me back next week," I warned.

Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata niya. Miski si Kuya ay napatayo sa narinig sa akin.

"Ano ba 'yan?!" sigaw ni Kuya.

Tinitigan ko si Rebecca. "Narinig mo ako, hindi ba? Hindi ko na pinabayaran sa 'yo ang nagastos ko sa pagpapa-ospital ni Thalia... pero itong nanakawan mo ako..." Umiling ako. "I won't tolerate your bullshit."

Her lips parted. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi iyon lumabas sa bibig niya.

"Rovina! Tigilan mo ang pananakot kay Becca!" Si Kuya.

Napangiti ako. Wala talaga akong magiging kakampi sa bahay na ito. Kahit ano ang gawin kong kabutihan sa kanila, laging ako ang masama, laging ako ang mali.

"Mukha ba akong nananakot lang?" Nanginig ang boses ko. "Alam mo ba kung magkano ang ninakaw sa akin ng babaeng 'to, Kuya?!"

Hindi makapaniwalang tumingin siya sa akin

"Pera lang 'yan! Kayang-kaya mong ipunin ulit!" Lumapit siya sa pwesto namin at hinigit si Rebecca papunta sa likuran niya, parang pinoprotektahan ang babae mula sa akin.

"Bakit hindi kayo ang mag-ipon?" mariing tanong ko. I crossed my arms, trembling. "Maybe you could start repaying me."

Umiling si Kuya. Narinig ko ang pagtangis ni Rebecca na lalong nagpainit sa ulo ko. Siya pa ang iiyak ngayon?! Ako ang nanakawan! Ako ang nawalan!

"Bayaran mo ang bills ni Thalia, ang pinagbentahan ng sasakyan ko, at ang ninakaw ni Rebecca."

Tumawa si Kuya, pasimpleng nilalait ako.

Ngumisi rin ako kahit pa gustong-gusto ko nang umiyak.

"Ano? Kaya n'yo ba?" I asked. "That's more than a million, Kuya. Pera lang naman, 'di ba? Kaya namang kitain ulit, 'di ba?" I laughed sarcastically. "Then, fucking pay me!"

Lalong umiyak si Rebecca. Inakbayan siya ni Kuya para kalmahin.

"You'll hear from my lawyer," dagdag ko dahil hindi sila nagsalita.

Dosage of SerotoninWhere stories live. Discover now