Chapter 19

659K 28.7K 32.8K
                                        

Chapter 19

The next few days were normal. We never really talked what had happened. Ayaw kong iparamdam kay Calix na hindi siya sapat. Tinanong ako ni Mama kung bakit umalis kami nang walang pasabi, pero hindi na ako sumagot. For the first time in my life, I wanted to cut ties with them. Nakakapagod na rin kasi. Sa tuwing sinusubukan kong ilapit ang sarili sa kanila ay gumagawa sila ng mga bagay para bitiwan ko sila.

"Birthday ni Calix, 'no? Nakita ko sa Facebook," ani Yesha habang kumakain kami sa cafeteria ng ospital. "Ano'ng ganap n'yo mamaya?"

Ngumiti ako. "Sa bahay niya lang daw gustong mag-celebrate, eh. Pinapunta ko na lang sina Lola Harriet. Baka sumunod din sina Troy."

"Si Mark ba, pupunta?" pasimpleng tanong niya. Uminom siya ng tubig bago nag-iwas ng tingin.

Nanliit ang mga mata ko sa kanya. Hmm... what's going on?

"Nag-away kayo?" tanong ko.

She coughed. "No!"

Sumandal ako sa upuan at tinitigan siya. "Bakit hindi mo alam kung pupunta siya o hindi?"

"Bakit? Dapat ba alam ko lahat?" Napairap siya. "Hindi naman kami."

I laughed. "Yes, magkagalit!"

"Demonyita," bulong niya.

"Bakit? Ano'ng nangyari?" nangingiting tanong ko pa. Come on. Hindi naman matitiis ni Mark 'to.

"Limang araw niya na akong hindi kinakausap," she said casually. "He said that he was having a bad day. Gusto ko sanang puntahan, pero, wala... hindi niya na ako pinansin. Nakita ko na lang na nag-story siya na nasa Hipsters siya."

"Huh? Really?" Miski ako ay nagtaka.

She nodded. "I tried texting him again the next day, pero walang reply. Hindi rin nag-text kahit isang beses." Mahina siyang tumawa. "Na-multo ako ng pamangkin mo, Doc."

"Hey." Lumungkot ang boses ko. So... this is serious?

"Ayos lang. Baka naglalaro pa talaga. Alam mo naman na ganiyang age talaga ang pag-e-explore ng mga lalaki, 'di ba? Too bad, akala ko seryoso," aniya.

"Kakausapin ko."

Umiling siya. "Hindi na. I don't need words to confirm everything. Alam ko na 'yon. Hindi naman tayo tanga pagdating sa ganiyan!"

Hindi ko alam pero labis akong nalungkot sa nangyari. I witnessed their affection for each other. Hindi naman posible na bigla na lang mawawala 'yon, hindi ba? Mark loves her. I saw that.

"Hindi pupunta si Mark mamaya. May gagawin daw," saad ko. I intentionally shifted the subject. "Pumunta ka, ha? Dinner lang naman 'yon."

"Hindi ko rin sure, eh. Iniimbita kasi ako ng college friends ko na mag-coffee. I-text na lang kita kapag hindi kami natuloy."

Nang maghiwalay kami ni Yesha para ituloy ang trabaho noong araw na iyon, agad akong pumunta sa opisina para tawagan si Mark. Naka-ilang ring din bago niya iyon sagutin.

"Hi, 'ta! Napatawag ka?"

Napataas ang kilay ko. "Ano'ng ginawa mo kay Yesha?"

Natahimik siya sa kabilang linya.

"Sinabi ni Yesha na huwag na kitang kausapin dahil naiintindihan niya raw ang ginagawa mo. Do you know what she's thinking, huh, Mark?" I exhaled. "You ghosted her. Na hindi ka seryoso. Na past time lang siya... kasi nag-e-explore ka pa."

"Tita," nahihirapang sambit niya.

"Mark, ikaw ang pumasok sa buhay niya. Ikaw ang nanggulo. Tapos, no'ng nasanay na siyang nandiyan ka, bigla kang aalis?" klarong pahayag ko. "Nakita mo naman, 'di ba? Nakita mo kung paano ako umiyak noon dahil sa mga ganiyan... bakit mo naman ginagawa ngayon sa iba?"

Dosage of SerotoninDonde viven las historias. Descúbrelo ahora