Skies are crying
I am watching
Catching tear drops in my hands.
Minsan ba, napaisip ka na kung sino nga ba ang para sa 'yo? Sa dami ng tao sa mundo, sino sa isa roon ang para sa 'yo?
Ano bang pakiramdam ng mag mahal? Iyon bang sa tuwing magtatama ang inyong mga mata, bumabagal ang ikot ng mundo, sa paningin mo ay siya lang ang tao, walang iba. Ang pakiramdam na para kang lumulutang sa tuwing nasisilayan mo siya? Ang kakaibang kiliti dulot ng pag-uusap niyo?
Only silence
Has an ending
Like we never had a chance
Paano mo nga ba malalaman kung mahal mo ang isang tao? Paano kung akala mo mahal mo siya pero hindi naman pala? Paano kung hindi mo siya mahal at nagustuhan mo lang ang ideyang 'mahal' o 'pagmamahal'
Nakakahanga lang, paanong nagagawang magkita ng dalawang itinadhana? Paano nila nagawang hanapin ang isa't isa sa dami ng tao? Sa gulo ng mundo? Paano kung ang taong hindi mo inaasahan ay siyang para sa iyo?
Do you have to
Make me feel like
There is nothing left of me
Dinama ko gamit ang kamay ang mga luhang nanggaling mula sa kalangitan. Hindi ba, lumuluha ang isang tao dahil sila ay nasasaktan. Ang para sa akin, lumuluha ang isang tao dahil sila ay nagmamahal. Hindi naman nasasaktan ang isang tao kung hindi nila mahal, na kahit gaano kasakit ay tatanggapin nila... mahal nila, eh.
Napalingon ako sa gawing kanan nang may marinig na tumili. Tipid akong ngumiti habang pinagmamasdan ang dalawang tao na masayang dinaramdam ang ulan. Naroon ang kislap ng mata sa isa't isa, mga ngiting animo'y walang dinadalang problema. Ang pakiramdam ng kaginhawaan ng tahanan.
Hindi ko maiwasang humanga sa mga taong kayang ipaglaban ang minamahal nila. Iyong tipong kahit sobrang sakit, nagpapatuloy pa rin. Para sa akin, nakakatakot ang mag mahal. Kasi kapagnagmamahal ka ay nasasaktan ka. Paano kung hindi mo kayanin ang sakit? Paano kung habang buhay kang nakakulong sa nakaraan? Paano kung sa sobrang pagmamahal mo ay makalimutan mo nang mahalin ang iyong sarili?
You can take everything I have
You can break everything I am
Like I'm made of glass
Like I'm made of paper
Bilyon-bilyong tao sa mundo, sino nga ba ang para sa akin? Katulad ng dalawang tao na nagtatagpo sa hindi inaasahang pagkakataon. Paano nga ba nila nahahanap ang para sa kanila? Ang tanong, hinahanap nga ba nila? Dahil ang sabi nila, ang pag-ibig ay kusang dumarating. Hindi ito nahahanap.
"Sorry, Miss." Pagbabasa ko sa bibig niyang bumubuka. Tinanggal ko ang earphones na nakalagay sa tainga at lumapit sa maliit na space kung nasaan ako nagpapatila. Hindi ko namalayang nabangga na pala ako, dahilan kung bakit bahagyang nabasa. Inabutan niya ako ng panyo. "'Eto. Pasensya na, wala kasing ibang masilungan."
Bakit kung kailan hindi ako handa... doon pa siya dumating?
![](https://img.wattpad.com/cover/269257067-288-k205718.jpg)
ESTÁS LEYENDO
The Nun
Romance"...After six years... Hindi ko na alam ang mangyayari sa mundo. Sa mga taong lumipas, lalong numinipis ang ozone layer. Ang sabi nang mga scientist, hindi na ito mapipigilan, ang tanging magagawa na lamang ay mapabagal ang pag-nipis ng ozone layer...