05

6 3 0
                                    


Walang pasok ngayon dahil sabado. Ang balak ko ay mag bawi ng tulog pero nagising ako dahil sa lakas ng hagik-hikan sa labas kaya tumayo ako para sana ay sawayin sila. 


"Mama! Sino 'yung maingay?!" Sigaw ko nang buksan ko ang pintuan ko. Hindi na ako nag-abala pang dumungaw. 


"Gising ka na pala? Halika! Kumain ka rito. Sabayan mo kami nila Kalbo--este Pogi." Rinig kong sabi ni Mama. 


"Nice one, Ma--"


"Anong sabi mo, Kalbo?" 


"--Tita." 


Bigla akong nabuhayan ng diwa at nag mamadaling pumunta sa kusina. Nakita ko sina Kuya at Jake na mag-katabi. Habang si Papa ay nasa dulo ng upuan. Naabutan ko si Mama na paupo na. Mukhang tulog pa si Ria dahil wala pa siya roon. 


Napabaling silang lahat sa akin. 


"Good morning, Kulot." Bati sa akin ni Jake. Bumaling lang ako sa kaniya pero hindi ako nag-salita. 


"Dugyot." Rinig kong bulong ni Kuya pero hindi ko pinatulan dahil wala pa akong mumog. Inirapan ko lang siya bago bumaling kay Mama dahil nag salita ito.


"Mag hilamos ka na para maka-kain ka na rin." Aniya. Tumango lang ako bago pumunta sa lababo at nag-hilamos pati na rin nag toothbrush. 


"Good morning sa inyo. Pwera lang kay Nathan Panget." Bati ko sa kanila bago umupo sa tabi ni Mama. 


Habang kumakain ako at sila ay nag tatawanan ay napatingin ako kay Jake na nakatingin din sa akin. 


Biglang bumalik sa isip ko ang tanong ko.


"Bakit ka nandito?" Tanong ko. Ngumiti naman siya ng malawak. 


"Aalis tayo." Sagot niya sa akin. Bigla akong napalingon kay Papa kasi akala ko hindi siya papayag pero nang lingunin ko siya ay busy siya sa pag-kain. 


"Papa?" Tawag ko kaya napa angat siya ng tingin sa akin. "Narinig mo 'yun?" Tanong ko sa kaniya. Linunok niya muna ang pag-kain na nasa bibig niya bago nag salita.


"Ang alin? 'Yung sinabi ni Mika na aalis kayo?" Tanong nito. Bigla akong napanganga dahil Mika pa rin ang tawag niya kay Jake. 


Tatawa sana ako pero napalingon ako sa harapan ko kung nasaan sina Kuya at Jake ay nakatingin lang sila sa akin kaya ngumuso na lang ako. 


"Payag ka, Pa?" Tanong ko. Pinanood ko ang pag-inom niya ng kape.


Nag kibitbalikat siya. "Okay lang sa akin pero ang tanong ay okay ba sa 'yo?" Tanong niya pabalik.


The NunWhere stories live. Discover now