04

6 3 0
                                    


Mabilis akong tumayo mula sa pag-kakahiga dahil wala sa plano kong makisabay ngayon kay Jake Kalbo. 


K fine. Kinikilig pa rin ako dahil sa nangyari kahapon pero, duh, ang awkward kaya. Anong sasabihin ko sa kaniya? Hi? Tayo na ba? O paano ko siya tatawagin? Love? Mahal? Sweetie pie? Sweetheart? Baby? Bebs? O baka Kalbo pa rin? Argh! Basta, wala akong balak na kausapin siya ngayon. 


Sakto namang pag-bukas ko ng pinto ay may lumagapak sa sahig ko. Gulat naman akong napatingin doon. 


Napakagat labi ako nang makita si Ria na namamalipit sa sahig. 


"Anong trip 'yan?" Rinig kong tanong ni Kuya sa likod ko. Nilingon ko siya at nakita ko pang ngumunguya siya ng tinapay. 


"Nahulo--"


"Sumasayaw!" Inis na putol sa akin ni Ria. Masama ang tingin niya kay Kuya at mukhang naka-recover na siya dahil naka upo na lang siya at hinihimas ang beywang.


"O talaga? Galingan mo mag-practice, ha? Baka ikaw ang makakapagpayaman sa pamilya natin." Sabi pa ni Kuya at kinindatan si Ria. Irap ang isinukli sa kaniya ni Ria bago ito tumayo. 


Nang bumaling ako kay Kuya ay naka taas ang kilay nito sa akin. 


"Aga mo nagising, ah? Excited ba?" Ngising tanong nito. Sinamaan ko siya nang tingin at akmang lalapitan nang bigla itong tumakbo.


"Lakas mong mang-asar! Wala ka kasing girlfriend!" Sigaw ko sa kaniya. Lumingon siya sa akin at bumelat na lalo kong ikinaasar. 


"Kaya ba hindi mo ako inaasar kasi may boyfriend ka na?" Tanong naman ni Ria na nasa gilid ko kaya bigla akong napatingin sa kaniya. Naka ngisi siya habang nakatingin sa akin. 


Bigla akong napanganga lalo na ng sumigaw sumigaw siya. "Mama! Papa! Si Ate may boyfriend na!" Malakas nitong sigaw at tumakbo. 


Sinamaan ko siya nang tingin. "Traydor!" 



Nakasimangot akong bumaba sa tricycle dahil sobrang gulo ng buhok ko. Isa kasi iyon sa pinaka ayaw ko kapag sumasakay ng tricycle. 


Nang makababa ako ay saktong nakita ko si Jhon. Ewan ko kung anong trip nu'n, buti hindi pinapagalitan 'yon kasi ang suot ba naman niya lagi ay pang lalaki na uniform. Tuwing kailangan lang mag-class pic at ng I.D picture lang siya nag papambabae na uniform. 


Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Ngumisi ako nang may maisip na kalokohan. Binuksan ko saglit ang bag ko at kinuha ang ruler.  Mabilis akong lumapit sa kaniya at tinutukan ang beywang niya. 


Masyado siyang matangkad kaya tumingkayad pa ako. 


"Holdap 'to." Bulong ko sa tainga niya. Natigilan ito ng ilang minuto bago itinaas ang dalawang kamay. 


The NunWhere stories live. Discover now