10

13 3 0
                                    


Tahimik kong tinatahak ang pasilyo papunta sa dadasalan namin nang mga kasamahan kong madre. 


Jake, hindi ako mag sasawang paulit-ulit sabihin na mahal kita. Kumusta ka na? Anong ginagawa mo ngayon? Nag college ka ba? Saan ka na nakatira? Masaya ka ba? Sana... sana bago matapos ang lahat ay makausap man lang kita. Kung ano man ang rason ng pag-alis mo ay mahal pa rin kita. Tanggap pa rin kita. 


Dalawang buwan ang nakalipas ng maging isang ganap ako na madre. Patuloy pa rin ang ginagawa ko katulad nung estudyante pa lang ako.


Binuksan ko na ang pintuan ng dadasalan namin ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang matagpuan sina Sister na nakagapos sa kaniya-kaniyang upuan. 


"Sister Janine!" Gulat kong ani sabay lapit kay Sister Janine. Bigla itong nag mulat ng mata, kita ang takot doon. 


"Sister Iry! Anong ginagawa mo rito? Tumakas ka na!" Aniya. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko pa rin maintindihan ang nangyayari. 


Napalingon ako sa paligid. Ang ibang Sisters ay nakapikit, mukhang nagdarasal. "B-bakit ganiyan ang ayos niyo, Sister Janine? 'Tsaka tumakas? Ano po bang mayro'n--" 


Naputol ang sasabihin ko nang muling bumukas ang pinto. 


"Mrs. Miller." Ani ng naka armadong lalaki na mukhang amerikano. Napalingon ako sa paligid. Lahat ay may bahid ng takot habang nakatingin sa nasa harapan namin. Sino ba sila?


Hindi ako sumagot dahil hindi ko malaman kung sinong Mrs. Miller ang tinutukoy niya dahil wala namang kasal sa aming mga babae. Hindi ko rin malalaman kung saan nakatingin ang lalaki dahil naka shades ito. 


"'Wala kayong sasaktan." Biglang sabi ni Sister Janine. Tumingin ako sa kaniya ngunit muli kong ibinalik ang tingin sa lalaki dahil muli itong nag salita.


"Hindi namin kayo sasaktan dahil hindi naman kayo ang pakay namin." Aniya. Normal lang ang pag-salita niya ng Tagalog, mukhang sanay ito.


Hindi na ako nakatiis na mag-salita. "Ma walang galang na, pero ano ang ginagawa niyo rito gayong wala naman pala kayo pakay sa amin?" Tanong ko. 


Tipid itong ngumiti. "Hindi sila ang pakay namin, Mrs. Miller. Dahil ikaw ang pakay namin." Sabi niya. 


Napabuka ang bibig ko. "B-bakit ako ang pakay niyo? Anong nagawa ko? At wala akong asawa. Hindi ako si Mrs. Miller kaya baka nagkakamali kayo." Sagot ko sa kanila.


Imposibleng si Jake iyon dahil wala namang naganap na kasalan dahil... bigla na lang siyang nawala.


Biglang may dumating sa gilid niya at may iniabot na papel. Bahagyang lumapit sa akin ang kausap ko. 


Nangilid ang mga luha ko nang makita ang picture namin ni Kuya sa Mt. Pulag. Posible kayang si Jake nga ang nag utos sa kanila? Pero paano? Nasaan si Jake?  Bakit hindi siya ang nasa harapan ko ngayon? Ganoon ba ako kahirap harapin para sa kaniya? Ganoon niya ba ako kaayaw?

The NunDonde viven las historias. Descúbrelo ahora