09

6 3 0
                                    


Kung ganoon kabilis dumating ang pag-ibig ay ganoon din pala ito kabilis na mawala. Ang sabi nila, kapag minadali mo raw ang isang bagay ay pangit ang kalalabasan nito. Masyado ko bang minadali ang pag-ibig kaya naging gan'to ang nangyari sa amin ni Jake?


Tatlong taon na simula nang mangyari ang trahedyang pag-kamatay ng pamilya ko. Ang trahedyang hiniling ko na sana bangungot na lang. Wala pa ring alam sa nangyari sa kanila. Hindi ko mapapatawad ang may gawa sa kanila no'n. Ano ba ang kasalanan ng pamilya ko? Bakit... bakit sa akin pa nangyari ito?


Si Jake, kumusta na kaya siya? Simula nang mag-aral ako maging madre ay nawala ang galit ko sa kaniya. Lahat ng bagay ay may dahilan. Ang biglang pag-alis niya ay may dahilan. Hindi ako galit, sapagkat ay nag tatampo ako. Bakit hindi niya man lang nagawang mag paalam? Dahil masasaktan niya ako? Pero hindi niya ba naisip na mas lalong akong masasaktan kapag kusa na lang siyang umalis?


Bakit pa siya bumalik kung... aalis din pala siya? Ginawa ba niya iyon para saktan ako? Minahal ba niya talaga ako? Ano ba ang dahilan niya para iwan ako? Bakit... bakit kinaya niyang gawin 'yon? 


Jake, bumalik ka na, please? Hindi ko na kaya bitbitin ang mga tanong sa utak ko. Feeling ko, mababaliw na ako. Kaya kong kalimutan ang lahat, bumalik ka lang. Ang hirap mag-isa. Wala na ang pamilya ko, pati ba naman ikaw?


"Sister Iry," 


Bigla akong napalingon sa likuran ko. Naabutan ko si Ate Janine na nakangiti. "Biro lang. Pero malapit ka na rin grumaduate." 


Kaya pala hindi naging sila ni Kuya dahil nag madre si Ate Janine. Isa rin si ate Janine kung bakit ako nag-madre. Hindi ko siya ganoon ka-close pero nakakapag-usap pa rin kami kahit papaano. 


"Halika na? Mag darasal na raw tayo." Aniya. Tipid akong ngumiti pabalik. 


"Hmm. Ang lungkot mo. Kung ayaw mo mang sabihin sa akin, lagi mong tatandaan na nag panginoon ay laging nariyan na handang makinig sa iyo, Iry. Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Kung wala ka nang dahilan upang mabuhay ay humanap ka." Sabi niya sa akin habang nag lalakad kami. 


Napabuntong hininga ako at bahagyang lumingon kay Sister Janine. "Wala na akong rason para mabuhay, Sister Janine. Mag-isa na lang ako sa buhay."


Sumulyap sa akin si Sister at hinawakan ako sa likod. "May rason, Iry. May rason kung bakit ka magiging madre. Kung wala ka nang rason na mabuhay. Si God na lang ang i-focus mo sa buhay. Yes, hindi niya masasagot ang tanong mo. Hindi ka niya mapapayuhan. Hindi ka niya makakausap. Pero kapag nag-open ka sa kaniya mula dito." Sabi niya sabay turo sa dibdib ko. "Mababawasan ang bigat niyan." 


Binuksan niya ang pinto at pumasok doon. Hinintay pa niya ako makapasok bago iyon isinara. 


Siguro tama si Sister Janine. Gusto ko na talagang mabawasan ang bigat sa dibdib ko. Mag dadalawang taon na ako rito sa kumbento. May iilan ding estudyante katulad ko. 



Saktong pag-kalabas ko ng classroom ay may humalik sa pisngi ko. 


"Hi, Miss." Nakangiting bati ni Jake Kalbo. Hindi ko na napigilang kiligin pero idinaan ko sa tawa. 


"Ang corny mo!" Sabi ko. Ngumisi naman siya 'saka ako inakbayan. Naglakad na kami papunta sa gate. 


Lumapit ang ulo niya sa tainga ko. "Mahal mo naman." Mayabang niyang sabi. Sa tingin ko ay kasing pula na ng kamatis ang mukha ko sa sobrang kilig. Si Jake Kalbo kasi, e!


Malakas siyang humalakhak 'saka kinurot ang pisngi ko. "Hmp! Ang cute naman ng Baby ko." Tinignan ko siya para irapan para takpan ang kilig ko. 


"Hindi na ako Baby!" Sagot ko naman. Napanguso ako. Sa totoo lang, hirap na hirap na akong pigilan 'yung ngiti ko. Nakakahiya kasing ipakita na kinikilig ako!


"Uhm... e 'di Baby Damulag." Aniya. Hindi ko na napigilan ang sarili at humarap sa kaniya sabay kurot sa mag-kabila niyang pisngi. 


"Tumigil ka na sa pag-papakilig! Baka kapag ikaw pinakilig ko, mahimatay ka." Nanggigigil kong sabi sa kaniya. Wala siyang ginawa kun 'di ay humalakhak. 


"Kinikilig pala, ah?" Pang-aasar niya. Akmang sasabunutan ko sana siya pero hinawakan niya ang dalawang kamay ko at yinakap. 


"BAWAL 'YAN!" Sigaw ni Jhon mula sa malayo habang nakaturo sa amin. Maraming lumingon kaya nanlaki ang mga mata ko. Pilit kong iniaalis ang yakap ni Jake pero hindi siya bumibitaw. "PDA! PDA!" Aniya na parang nag p-protesta.


"PDA! PDA! PDA!" Nakisabay na rin sa kaniya ang ibang estudyante.


"Jake Kalbo!" Sigaw ko na ikinahalakhak niya. 



Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Hanggang sa panaginip, ikaw pa rin Jake. Kailan mo ba ako titigilan?


Sandali akong nag dasal bago tumayo para pumunta sa baba. Kasalukuyan kaming nasa bahay ampunan dahil may mission kaming ginagawa na malit na ring matapos. 


Bahagyang kumunot ang nuo ko dahil may tatlong lalaking naka armado ang naglalakad sa harap ng bahay. Kita mo ang mga ito sa pamamagitan ng bintana. 


"Sister Iry," Tawag sa akin ni Sister Janine. Lumingon ako sa gilid ko. Mukhang bagong gising si Sister Janine. "Magandang umaga. Ang aga mong nagising. Hindi ka ba kumportable sa higaan?" Tanong nito. 


"Magandang umaga, Sister Janine. Ayos lang, ho. May napanaginipan lang po." Sagot ko. Bahagya itong ngumiti bago kumuha rin ng tubig. 


"Hindi ka ba ang dadasal bago matulog?" Tanong niya. 


"Nag dadasal." Maikli kong sagot at alam na niya ang ibig sa bihin no'n. Ngumiti siya sa akin at lumapit.  Ibinaling niya ang tingin sa bintana at bahagyang kumunot ang noo nito. 


"Sino nga po pala iyang mga--"


"Iry, pumasok ka na muna siguro sa kwarto mo." Seryosong sabi ni Sister Janine bago muling bumaling sa akin at tinanguan ako. Minsan lang maging seryoso si Sister kaya sinunod ko na. 


Pahiga na sana ako sa kama nang mag salita si Ella. 


"Iry, nakasagap ako ng balita." Aniya. Nabitin ang katawan ko sa ere. Umayos ako ng upo at bumaling sa kaniya. 


"Ano?" Tanong ko. Nanatili siyang nakahiga habang nakatingin sa kisame. 


"Hindi na... hindi na napigilan ang pag-bagal ng ozone layer. Dalawang taon na lang. Ang ibang tao ay lumilikas na sa hindi malamang planeta. Isang taon at kalahati rin ang byahe kaya marami ng umaalis."

The NunWhere stories live. Discover now