06

6 3 0
                                    


Ganito ba talaga kapag in love? Kusa kang mapapangiti sa tuwing pumapasok siya sa isip mo. Sa lahat ng romantic places na gusto mong puntahan ay siya ang nasa isip mo at... kasama na rin siya sa plano mo sa future. 


Pero... paano kapag hindi pala siya ang tamang tao? Paano kapag hindi talaga kami ang para sa isa't isa? Paano na ako? Paano na ang mga pangarap na binuo ko? Sa mundong walang kasiguraduhan. Pero ang sabi nila ay 'Sometimes God will destroy our plans when he sees that our plans are going to destroy us'. Ang plano ko para sa amin ni Jake...


Kung sa kaling hindi kami hanggang dulo, pero bakit hindi kami hanggang dulo? Bakit hindi na lang kami? Because we deserve someone better? Hindi ba better kami sa isa't isa? Bakit ba may mga taong dumarating sa buhay mo pero aalis din? Siguro tama sila... na sa dulo ay ikaw na lang ang matitira para sa sarili mo.


"Iry? Gising na, Anak. Baka ma-late tayo sa simba." Rinig kong sabi ni Mama mula sa labas ng pinto ko. 


"Opo. Babangon na. 5 minutes!" Paos kong sabi. Pumikit ako pero agad ding napamulat dahil malakas na bumukas ang pinto ko. 


"Panget! Lagot ka kay Papa! Hindi ka pa bumabangon. Malapit na mag one hour ang 5 minutes mo!" Nakakarinding sabi ni Kuya. 


Malaki ang mata kong bumangon dahil baka kapag pumikit ako ay makatulog nanaman ako. Nang lingunin ko si Kuya ay naka crossed arms ito. 


Wala ako sa mood mag sungit kaay kinuha ko na ang tuwalya ko at dumiretso sa banyo. Kumuha lang ako ng pantalon, black, white, and yellow na stripes na blouse, may pagka puff ang manggas nito. 


Mabilis lang ako naligo bago dumiretso sa kusina. Nakita ko si Jake sa sala kasama si Papa at nag-uusap sila.


Nang mapatingin siya sa akin ay nginitian niya ako. "Good morning." Bati niya. Ngumiti ako pabalik at tumango lang. 


"Napapadalas ang punta mo rito." Sabi ko. Ngumunguya na ako ng tinapay. Mula sa kusina ay matatanaw mo pa rin ang sala. 


"S'yempre. Manliligaw, e." Ngising sagot niya. Napalunok ako at napanguso para pigilan ang pag-ngiti. 


Bwisit ka, Jake Kalbo! Ang aga-aga pinapakilig ako! Sa harapan pa ni Papa!


Isa-isa nang pumunta sina Mama at Ria sa sala. Mukhang ako na lang talaga ang hinihintay. Nag-toothbrush na rin ako kaagad dahil nag sisimula nanamang mainip ang senyorito pangit. 


"Tara na?" Aya ko sa kanila. Wala na si Papa at si Kuya, mukhang nasa sasakyan na sila. 


Tumayo na sila. Hindi ako nakisabay kay Mama at Ria maglakad dahil hinintay ko pa si Jake. 


"Love mo talaga ako, no?" Nakangiting sabi niya. Gulat naman akong bumaling sa kaniya. 


"Kapal mo naman, Babe." Natatawang sabi ko. Kita ko kung paano namula ang mukha niya kaya lalo akong natawa. 

The NunWhere stories live. Discover now