02

14 3 0
                                    


"...After six years... Hindi ko na alam ang mangyayari sa mundo. Sa mga taong lumipas, lalong numinipis ang ozone layer. Ang sabi nang mga scientist, hindi na ito mapipigilan, ang tanging magagawa na lamang ay mapabagal ang pag-nipis ng ozone layer."


Bigla naman akong napangiwi sabay lingon kay Papa. 


"Ano, Pa? Patayin na ba natin?" Tanong ko kay Papa na nakakunot ang noo ngayon habang tinutulungan si Mama na nag-aayos sa lamesa. 


"Patayin na 'yan. Ang dami na nga nating problema, sasali pa 'yan." Masungit niyang sagot. Natatawa ko namang pinatay ang tv.


Limang taon ang nakalipas simula nang mabalitaang unti-unti na raw na numinipis ang ozone layer. At sa bawat taon na lumipas, tuwing sasapit ang unang araw nang disyembre ay ibinabalita nila ang pangyayari sa ozone layer. 


Naaasar na rin ang pamilya ko dahil sa buong taon ay 'tsaka lang nila binabalita iyon kapag malapit ng matapos ang taon. Kaya taon-taon ding sinasabi ni Mama na 'Matatapos na nga lang ang taon ay babalitaan pa tayo na malapit na ang katapusan ng mundo.'


Mabilis na natapos kaming kumain. Pag-katapos kumain ay pumunta na rin ako sa kwarto ko. 



Biglang napatabingi ang ulo niya at parang may pilit na inaalala.


"Do--Do we know each other?" Takang tanong nito. Dahan-dahan naman akong umiling. Hindi pa rin natatanggal ang tingin niya sa akin. 


"Are you sure? Mukha ka kasing familiar sa akin." Aniya. May itsura siya at maputi. Maamo ang mukha niya. 


Sakto namang nawala ang ulan at ang ibang tao ay nagsisimula ng umalis. Muli akong bumaling sa kaniya at kinuha ang panyo sa kamay niya. 


"Sorry, hindi talaga kita kilala. Salamat sa panyo. Ibabalik ko na lang kapag nag kita ulit tayo." Sabi ko bago tumalikod at nag-simula nang mag-lakad. 


Ngunit saktong pang-sampung hakbang ko ay napatigil din ako. 


"Kulot?" 


"Kulot! Halika rito!" Rinig kong sigaw ni Kalbo. Lumingon ako sa taas dahil doon nanggagaling ang boses niya. Nasa may mataas siyang puno.


Tinignan ko saglit sina Mama na nakatingin lang sa harapan bago ko muling ibinalik ang tingin kay kalbo. 


Sinesenyasan niya akong lumapit sa kaniya pero nag-iwas ako ng tingin dahil galit pa rin ako sa ginawa niyang pag-kuha sa dairy ko. 


"Kulot!" Muling tawag niya kaya napalingon ako. Kumunot ang noo ko nang unti-unti siyang ngumiti at may inilabas sa likuran niya.


Nanlaki ang mata ko dahil hawak-hawak niya ang diary ko. Napabukas ang bibig ko ng tignan niya ito na para bang ng aasar. 

The NunWhere stories live. Discover now