07

6 3 0
                                    


Mabilis na lumipas ang araw. Naging abala kami ngayong 31. Hindi ako mapakali habang patingin-tingin sa orasan.  Ang sabi kasi ni Jake ay dito raw sila mag n-new year ng Mama niya. 


Ilang taon ko ring hindi nakita ang Mama niya simula nung bata kami. Hindi rin naman ako nakakapunta sa kanila dahil pinagbabawalan ako. Ang huling pag-kakatanda ko sa Mama niya ay masungit ito. Sana nag bago na si Tita.


Pero paano kapag hindi nga siya masungit pero hindi naman ako 'yung gusto niya para kay Jake? Anong gagawin namin?


"Natatae ka ba?" Napabaling ako kay Papa sa biglaang tanong nito. Napatawa ako pero kahit ang tawa ko ay garalgal sa sobrang kaba.


"Hindi, Pa! Kinakabahan lang ako kay Tita Kae. Ilang taon ko ring hindi nakita si Tita." Sagot ko. Nakaupo si Papa sa sala habang may hawak na cellphone. Tapos na kaming maghanda at nag papahinga na lang ang iba.


Kumunot ang noo nito at ibinaling ang tingin niya sa cellphone. "Oh? 'Di ba kilala mo naman ang Mama ni Mika? Bakit ka kinakabahan? Lagi ka nga nagtatambay doon sa kanila." Aniya.


Sumimangot naman ako kahit hindi siya nakatingin. "Papa, masungit ang Mama ni Jake. Malay ko ba kung mas lalong lumala o nag bago na." 


Inialis niya ang tingin niya sa cellphone niya bago bumaling sa alak niyang nasa lamesa at uminom.


"Kilala mo naman 'yun. Alam ko na ang iniisip mo. Baka hindi ka niya magustuhan, no? Basta, Ate, lagi mong tatandaan na mag-pakatotoo ka lang sa sarili mo. Pero kapag ayaw niya pa rin sa 'yo, wala na tayong magagawa. Hayaan mo siyang kagalitan ka, basta alam mo sa sarili mo na wala kang ginagawang masama. 'Tsaka hindi naman siya ang jojowain at papakasalan mo." Payo ni Papa. 


Ngumiti ako bago lumapit sa kaniya at yumakap.


"Thank you, Papa." Sabi ko.


Bigla akong napahiwalay kay Papa nang may marinig na busina sa labas. Bumukas ang pinto ng kwarto nila Mama. Nang lumipat ang tingin ko kay Mama ay tinanguan niya ako. Ngumiti ako at lumapit sa kaniya para sabay na kaming lumabas. 


Nang luambas kami ay nasa harap na ng gate si Tita Kae. Habang si Jake ay ipinaparada ang sasakyan sa harap. 


Lumapit ako sa gate at binuksan ito. Ngumiti ako kay Tita Kae. 


"Hi, Tita Kae. Happy new year." Bati ko at bumeso. 


"Magandang gabi, hija. Happy new year." Bati niya at may iniabot sa aking regalo nang kumalas ako. 


Bumalik ang tingin ko kay Tita. "Nako Tita, nag abala pa kayo." Sabi ko. Ngumiti lang siya nang tipid. Nag mumukhang masungit si Tita dahil sa natural na nakataas niyang kilay at lagi itong seryoso. 


Si Mama naman ang sunod na bumati kay Tita Kae. Habang ako ay tinignan si Jake na lumapit sa gate. Sa ilang taon ni Jake dito ay ngayon lang ulit naka punta si Tita sa amin. Ang sabi niya sa akin ay last year lang daw siya nagpakita kay Tita kaya ngayon niya lang idinala sa amin ang Mama niya. 

The NunWhere stories live. Discover now