𝗽𝗿𝗼𝗹𝗼𝗴𝘂𝗲

636 17 1
                                    

it all started one summer.





“uuwi ka na agad?” tanong ni sunghoon habang sumisimsim ng kape.

tumayo ako kinuha ang bag sa katabing upuan tinapik siya sa balikat bago lampasan. dire-diretso akong lumabas ng café hanggang sa makarating ako sa main road. sinuot ko ang headphone at binababa sa kalsada ang board at sumakay doon.

taimtim na pinagmamasdan ko ang buong siyudad habang nakikinig sa paborito kong musika. maduduming usok na pumupuno sa paligid, mga basura at mga taong masayang nakikipag-usap sa isa't-isa. kaya ako nagdadala ng headphones dahil minsan nakakairita ang ingay. pwede namang naglakad ng tahimik at maayos, hindi yung nagtutulakan at nagsisigawan na akala mo malayo ang kausap nila.

i wish i could mute people in real life.

hanggang sa makarating ako sa tahimik na daan na pinagigitnaan ng malaking damuhan papunta sa sikretong daan papasok sa village kung saan ako nakatira. medyo madilim na ang araw at nang tignan ko kung nasaan ang direksyon ng araw tsaka ko lang napagtantong palubog na pala ito.

bumaba na ako sa board saka inalis ang malaking kahoy na nakaharang sa sikretong daan dito sa likod ng village. dito ako dumadaan dahil gusto kong parating dumaan sa malawak na daanan dahil sariwa ang hangin at tahimik, wala din akong nakikitang maiingay na tao.

nang makarating ako sa tapat ng bahay ay nagtaka ako kung bakit bukas ang main door, malamang ay may lumabas at nakalimutang isara. nilibot ko ng tingin ang paligid para hanapin ang kapatid kong babae dahil malamang siya ang may kagagawan nito.

“kuyaaaaaa!”

nabaling ang tingin ko sa kabilang bahay at kusang tumaas ang kilay ko nang makita siya doon na tumatalon-talon habang kinakaway ang kamay sa ere.

inirapan ko siya saka dinuro ang pintuan. sumimangot siya nang maintindihan ang ibig kong sabihin at lumapit sakin.

“you forgot to close the door. again.” sabi ko sa kaniya habang nakataas ang isang kilay at tamad siyang tinignan.

matamis siyang ngumiti saka hinawakan ang kamay ko bigla. “kakauwi mo lang sinusungitan mo agad ako. but nevermind, let me introduce you to my new friend.”

nagsalubong ang kilay ko. “new friend? wait, where are you bringing me?”

“to my new friend nga! kakalipat lang nila dito kaninang umaga and she's really kind and loud like me so we're really get along even if she just came here! isn't that good?"

“absolutely not.” sabi ko habang nagpapaubaya lang magpahila sa kaniya.

“hmp! you sure is grumpy talaga pero ayos lang sanay na ako basta wag mo lang sungitan ang new friend ko dahil lang maingay siya din siya kagaya ko. sisipain talaga kita.”

“it's not as if we're gonna talk to each other.”

“kahit na! sure akong vi-visit siya sa bahay from time to time 'cause i'm her only friend so there's no guarantee that you won't both talk to each other no.” binitawan niya ako nang makarating na kami sa harap ng bahay saka hinarap. tumingakayad siya saka dinuro ako sa mukha kaya napaatras ako. “be kind to her, clear?”

napabuntong-hininga nalang ako saka tumango. “clear.”

binitawan niya na ako saka kumatok sa pinto ng bahay sa harapan namin. matagal ng walang tumitira sa bahay na to at ngayon lang ulit meron. hindi ko alam ang tungkol dito, hindi ko din naman ginustong alamin.

i don't know if i should be glad that kelly found a new friend that has a same personality like her here in this village for the first time. hindi siya mahilig lumabas at palagi lang nasa kwarto kaya wala siyang ni-isang kaibigan dito sa buong village kapareha ko. ganon pa man, sobrang ingay niya na minsan ay nakakairita.

maya-maya hindi nagtagal ay lumabas na siya ng bahay kasama ang isang babae. tumagilid ng kusa ang ulo ko nang makitang nakasuot siya ng kulay na dilaw na dress sa ganito kainit na panahon. pero hindi ko makita ang mukha niya dahil natatakpan yun ng buhok niya sa lakas ng hangin.

napairap ako bigla ng kusa. nagtatawanan agad silang dalawa na ewan, hanggang dito sa pwesto ko naririnig ko ang halakhak nila. hindi na agad maganda ang pakiramdam ko dito.

nang makarating silang dalawa sa harap ko ay tamad lang akong nakatingin habang hinihintay si kelly na ipakilala ang babaeng to na sobrang gulo pa din ng buhok.

“so kuya, this is sienna angeles my new friend and sienna this is my older brother, jungwon.” pagpapakilala niya sa amin sa isa't-isa.

“nice to meet you.” nilahad ko ang kamay sa harap niya.

“hala kelly, siraulo ka di mo sinabing kuya mo ipapakilala mo di man lang ako nagsuklay.” sabi nung siena.

nagsalubong ang kilay ko nang makaramdam ng irita dahil parang hindi siya marunong mag-ayos ng sarili. so kapag ibang tao ayos lang na humarap siyang ganto ang itsura?

“eh? di ka naman nagtanong hahaha!”

mabilis niyang inayos ang buhok at unti-unti malinaw kong nakita ang itsura niya. tsaka ko lang napagtantong meron pala siyang bulaklak na nakaipit sa pagitan ng tenga, katulad ng kulay ng dress niya ay dilaw din yon.

ba-dum

napakurap ako ng ilang beses nang iipit niya ang isang parte ng mahabang kulot niyang buhok kung nasaan nandon ang bulaklak saka ako dahan-dahang nginitian ng matamis—wait what? dahan-dahan? it's not like it's slow-mo pero bakit ganon ang pagkakakita ko?

inabot niya ang kamay sa ko at tinignan ako sa mata.

ba-dum

“nice to meet you din, jungwon.”

sa pagkakataong yun, sa unang beses sa buhay ko at nagtaka ako kung bakit parang biglang naririnig ko ang bawat tibok ng puso ko habang nakatingin sa mukha niyang tinatamaan ng papalubog na sinag ng araw.

...

enhypen 5/7
Yang Jungwon
dandelions

𝘿𝙖𝙣𝙙𝙚𝙡𝙞𝙤𝙣𝙨 ll 𝙔𝙖𝙣𝙜 𝙅𝙪𝙣𝙜𝙬𝙤𝙣 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon