𝗲𝗶𝗴𝗵𝘁𝗲𝗲𝗻

84 6 0
                                    

hindi natuloy ang sinabi niyang mag-stay over ako sa bahay niya.




hindi na ako nagpumilit nang sinabi niyang gusto niyang mapagisa kagabi. alam kong mabigat ang pinagdadaanan niya at iiiyak niya yun buong magdamag.

kahit na alam kong yun ang gagawin niya, naghintay pa din akong bubuksan niya ang bintana niya pero hindi yun nangyari.

i couldn't sleep a wink because i'm so worried. natatakot akong baka anong mangyari sa kaniya. i even considered barging in her house para ma-check siya.

at ngayon, palubog na ang araw at natuloy naman kahit papaano ang plano naming pumunta sa damuhan at mag-picnic. ako ang naghanda ng pagkain. malamang dahil wala naman siyang alam sa pagluluto. parang merong bumulong sakin na dalhin ko ang gitara at camera ko na sinunod ko din naman.

hinihintay ko nalang siyang kumatok sa pinto. nagse-selpon nalang ako ngayon.

“kuya, can i have some?” litaw ni kelly bigla sa tabi ko. tinutukoy niya ang sandwich na nasa basket.

“shut up. mag-padala ka sa boyfriend mo.”

tumaas ang isang kilay ko nang umirap siya. “hindi siya pupunta ngayon, mag-kaaway kami.”

“ano na namang pinag-awayan niyo? that's the third for this week. are you sure you love each other?”

“hindi ko na siya mahal! gosh! sinabi ko sa kaniyang violet ang bag na gusto ko binigay niya sakin black! just what the hell. grabe kaya expectation ko.”

nandidiring tinignan ko siya. “he's not your sugar daddy, for fuck's sake.”

marahas siyang bumuntong-hininga bat basta nalang dumakot ng sandwich sa basket. nanlaki ang mga mata ko at akmang sasawayin siya pero nabitin ang bibig ko nang kagatin niya agad yun.

“he's the one who promised! siya ang nagsabing bibilhan niya ako, hindi naman ako nag-request, duh!”

naiiling na binalik ko nalang tingin sa phone. “ang arte mo. ikaw na nga tong binigyan ikaw pa maarte.”

“magbibigay nalang kasi siya yung hindi pa maayos. tapos nagalit na nga ako kahapon hindi niya man lang ako sinuyo! hindi man lang nag-goodnight—”

“alam mo, kung ako ang boyfriend mo malamang wala pang twenty-four hours hiniwalayan na kita.” putol ko sa sinasabi niya. “dun ka na nga, naaalibadbaran ako sayo.”

tch! girls.

mabuti nalang at nakarinig na ako ng katok sa pinto. hindi ko na pinansin si kelly at tumayo na at nagtungo doon. nakangiti ngunit namamaga ang mga matang si sienna ang sumalubong sakin.

“hi!”

ito ang unang beses na nakita ko siya ngayong araw. malalim akong bumuntong-hininga at binaba ang dalang basket saka niyakap siya. naramdaman ko ang pagkabigla niya pero niyakap din ako pabalik.

“i've been wanting to do this to since last night.” i kissed her temple.

“miss mo naman agad ako.”

“geez! utang na loob, umalis na kayo. ang sakit niyo sa mata.” otomatikong sumimangot ako sa sinabi ni kelly.

.

.

.

nandito na kami sa dandelion field kagaya ng pinlano. hindi katulad noong unang punta niya ay nilibot niya agad ang paligid ngayon ay nanatili lang siyang nakaupo sa tabi ko habang nakahawak sa kamay ko, pinaglalaruan ang mga daliri ko.

naka-set up na din ang picnic sa damuhan. pareho kaming wala pang ganang kumain kaya pinapanood nalang namin ang paglubog ng araw.

“jungwon, hindi ba't ganitong oras din noong una tayo nagkakilala?”

“yeah, i remember that. you're such a mess back then, you didn't even brushed your hair.”

that's also the first time i heard my hearts' loud beating.

mahina siyang tumawa. “kasi siyempre, bagong lipat kami kaya tumulong ako sa paglilinis at pag-aayos. wala na akong time noon para asikasuhin ang sarili ko, no.”

“okay, sabi mo eh.” tamad na sabi ko. umawang ang labi ko sa sakit ng kurot niya. “what was that for?!”

“you're being mean again! you're ruining the mood.” at ngumuso.

“anong mean sa sinabi ko? napaka-sadista mo ah.”

umirap lang siya. “but anyways, back then napaka-sungit mo talaga. kung hindi kita kakausapin hindi ka talaga mag-sasalita.”

“mukha ka kasing tanga kapag hindi kita kinausap pabalik at bilang isang maawain—ow! alright! alright!” hinipan ko ang balat sa kamay ko na kinurot niya. buset.

i was about to apologize when i saw her face. mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. hindi ako nagsalita at hinintay siyang mauna.

“yesterday, i told you that i regret leaving alek and my past behind.” tinignan niya ako diretso sa mga mata. “pero naisip ko kagabi, siguro mas pagsisisihan kong hindi ako umalis sa lugar na yon at hindi ka makilala.”

ba-dum

i wasn't expecting that.

“beside kelly, you are the person i trusted the most since i moved here. even if you're a little mean to me at first, it doesn't matter because you're now the one who's making me feel worthy, happy and loved.” tumakas ang butil ng luha pababa sa pisngi niya. “so i'm telling you all of this. it takes a lot of courage because i'm scared. scared that after this you'll start regretting meeting me. but i want you to know me better in order for you not regretting anything before you make me enter your life.”

tumango ako at pinunasan ang luha niya. puno ng takot ang mga mata niya at ang labi niya ay nanginginig.

“i told you already, even if you've done the baddest thing in the world, you're still sienna, i will still accept you.”

mapait siyang ngumiti at yumuko.










“really? even if i'm the cause of death of someone?”

𝘿𝙖𝙣𝙙𝙚𝙡𝙞𝙤𝙣𝙨 ll 𝙔𝙖𝙣𝙜 𝙅𝙪𝙣𝙜𝙬𝙤𝙣 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon