𝘀𝗶𝘅

111 5 0
                                    

it's been one week.



nilingon ko ang katapat na bintana habang ang kamay ay nasa keyboard pa din ng computer. mala-giraffe na nakadungaw ang leeg ko habang inaabangan ang babaeng kada-gabi kong nakakausap. i groaned when i saw her window closed.

pinigilan ko ang sariling sumimangot bago bumalik sa ginagawa sa computer. she's the one who told me earlier to talk at night but she's the one who forgot. or maybe she's already asleep? wait, did i just got ditched?

napahinto ako sa pagta-type at sumandal sa upuan. malakas akong bumuntong-hininga saka tumitig sa kisame. why am i even waiting for that woman, wala naman siyang kwentang kausap. tch.

magda-dalawang linggo na silang lumipat sa village na to at isang linggo na kaming dire-diretsong nag-uusap tuwing gabi. of course lahat yon siya ang nag-take ng initiave. kung hindi niya ako pinipilit hindi naman ako makikipagusap sa kaniya. i'm just bored kaya pumapayag ako, wala din akong magawa.

napaupo ako ng tuwid nang may matanggap na message sa pc. galing yun kay jay. yung nag-iisang lover boy sa tropa.

from: jay

hoy, nasan na yung pina-edit ko sayo? bwisit ka, nakaraang linggo pa yon.

“tsk!” nasinghal ko. nawala na sa isip ko yung bagay na yon. nag-reply ako sa kaniya na tatapusin ko this week at ise-send ko sa kaniya next week.

nasuklay ko ang buhok. wala sa sariling muling nilingon ko ang labas ng bintana at kanina ay bukas ang ilaw sa kwarto niya pero ngayon ay patay na.

great.

hindi ko na naiwasang mairita dahil siya ang nagsabing mag-usap kami ngayon tapos siya pa tong may lakas ng loob na indianin ako. i won't talk to her again. from now on, alas-sais palang ng gabi nakasarado na ang bintana ko.

tumayo ako at sinrado ang bintana pati na ang kurtina. umupo ako sa tapat ng pc at sinuot ang headphones ay at pinagpatuloy nalang ang page-edit.

kinabukasan, nakasanayan ko ng buksan ang bintana pagkagising na pagkagising ko. at tumaas ng otomatiko ang kilay ko nang wala man lang akong nakitang 'sorry' sa bintana niya.

“hah, i can't believe her.”

naiiling na tumalikod ako. nevermind that, jungwon, it's not like it's a big deal.

nang bumaba ako hindi ko inaasahang makita siya doon. masaya silang nag-uusap ni kelly. hindi ba sila nauubusan ng pag-uusapan? araw-araw nalang palagi silang natawa.

hindi ko sila pinansin at dumiretso nalang sa kusina. uminom ako ng tubig at saktong pagkasarado ko ng ref napatalon ako sa gulat nang bumungad sakin ang mukha ng babaeng kinaiinisan ko.

“what the heck? para kang kabute.” inirapan ko siya saka lumabas.

“sorry if i startled you. but anyways, good morning.”

“what's good in the morning kung mukha mo ang bubungad sakin.” irap ko. hindi ko nakita si kelly sa sala, kaya naman pala sakin naman lumapit ang babaeng to.

“ang sama mo, pero palagi naman kaya sanay nako.”

hindi ko siya pinansin at umupo sa sofa saka nilipat ang channel ng tv. naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko at ang tingin niya.

“uh, sorry pala kagabi kung hindi ako sumipot sa usapan natin. ako ang nagyaya pero ako yung wala.”

“it's nothing. pabor naman sakin, hindi naman din kita gustong kausap.”

sa gilid ng mga mata ko nakita kong ngumuso siya. “kasi naubusan ako ng papel. wala din naman akong cellphone para sabihing hindi tayo makakapag-usap at hindi din kita masisigawan sa bintana dahil umuwi ang mama ko, magigising yun.” dahilan niya.

𝘿𝙖𝙣𝙙𝙚𝙡𝙞𝙤𝙣𝙨 ll 𝙔𝙖𝙣𝙜 𝙅𝙪𝙣𝙜𝙬𝙤𝙣 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon