𝗻𝗶𝗻𝗲𝘁𝗲𝗲𝗻

87 5 0
                                    

𝘀𝗶𝗲𝗻𝗻𝗮

“sienny!”


boses ni alek ang narinig ko sa likod, hinahabol ako. soon enough naabutan niya din ako at hinawakan sa pulsuhan para pigilan ako sa paglalakad.

hindi ko siya hinarap kahit pa hawak-hawak niya ako. nanlalabo ang paningin ko sa luha na namumuo sa mga mata ko. wala akong ibang gusto ngayon kundi magkulong sa kwarto ar umiyak ng umiyak pero hindi ko yun magawa-gawa dahil pilit pa din nila akong hinahabol.

he's alek. aleksander agravente. isa sa mga kaibigan namin ni arc—argh, i don't even want to say his name. it disgusts me.

“why are you so persistent? hindi ko na bababawiin ang desisyon ko.”

“sienny, listen—”

“ayoko!” padabog na inalis ko ang kamay niya sakin. “sasabihin mo lang naman na pakinggan ko na naman siya! na hayaan siyang mag-explain! i told you, i don't need any explanation! there's nothing to explain! nakita ko na nga lahat, ng dalawang mga mata ko! malinaw na malinaw, alek... malinaw na malinaw. he cheated on me.” nanghihinang sabi ko.

napaupo ako sa sahig at doon binuhos ang mga luha. tinakpan ko ang mukha at humagulgol.

ang sakit-sakit. parang hinihiwa ang puso ko sa ilang piraso. paulit-ulit na pumapasok sa utak ko ang eksenang nakita ko kagabi na parang sirang plaka. kung wala lang exam ngayon ay hindi talaga ako papasok dahil ayaw kong makita kahit isa sa kanila.

“just hear him out, please. he didn't cheat on you. set-up lang ang lahat, sien.” naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko.

“put yourself in my place. set up? that's bullshit! palagi ko silang nakikitang mag-kasama. kapag sinasabi sa akin ni arc na hindi niya ako mahahatid pauwi o sasabay sa pagkain nakikita ko silang dalawa na mag-kasama so it's not impossible na may mangyari sa kanila! and now that happened!”

hinawakan ko siya sa parehong balikat. “you will never understand me because you're not the one who's feeling this pain.” hinawakan ko ang dibdib. “you're not the one who's hurting. you're not the one who got cheated on. you're not a girlfriend that has a cheater boyfriend. you don't know what i'm feeling! so stop! expecting me! to! listen to him!”

hiningal ako sa sunod-sunod na sigaw na ginawa ko. i feel bad yelling at him. he would be the last person i would yell to because he's my bestfriend. but i'm just frustrated dahil parang imbis na damayan niya ako kinakampihan niya pa ang manlolokong yun.

“i'm sorry...” tanging nasabi niya. “pero kung pakikinggan—”

“you know what, i'm done. i'm getting out of here.” hindi ko na siya pinagsalita at tumayo na saka umalis.

i feel so broken inside. parang wala akong kakampi. parang ako pa ang naging masama. ang sakit-sakit. walang nakakaintindi sakin.

nang makarating ako sa parking lot, bigla ay gusto ko nalang unatras nang makita ang taong nag-aabang sa harap ng sasakyan ko. ang durog kong puso ay mas lalong naging pino.

“sienna,” aniya at tumuwid ng tayo nang makita ako.

nagngitngitan ang ngipin ko at mabilis na nilapitan siya. agad na pinadapo ko ang palad sa pisngi niya.

“ang kapal ng mukha mong ipakita pa ang mukha mo sakin! nakakainis ka! galit ako sayo! ayaw kitang makita! umalis ka na!” pinaghahampas ko siya sa dibdib, nagbabakasakaling mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.

tumigil lang ako ng yakapin niya ako ng mahigpit. malakas akong umiyak sa balikat niya na parang batang inagawan ng kendi. mabuti nalang at wala ng estudyante sa ganitong oras.

he's arcane montirile. my first crush. first love. first boyfriend. cause of my first heartbreak.

we've been together for five years already, since junior high school. everything's perfect. we're happy, we spend a lot of time together, we trust and love each other and we respect each other.

not until last night, i saw him making out with a woman on his bed in his condo.

he cheated on me with her friend that he just met last month.

he tried to explain that he's just drunk but i didn't listen to him. dahil kahit lang ka, alam mo kung anong ginagawa mo. that's not a proper excuse. you have a girlfriend, kung matino kang lalaki hindi ka na hahalik pa ng ibang babae.

siguro nga kung na-late ako ng dating ay nakagawa na silang dalawa ng milagro.

i love him. really. so much that i could give him my everything.

but for the first time in my life, hindi ko naisip na makakaramdam ako ng ganitong sakit. para akong kakapusin ng hangin ano mang ang oras. ang ulo ko ay parang minamartilyo sa magdamagang iyak sumabay pa ang puso ko na parang pinupunit sa sakit.

“i loved you, arc. how could you do that to me...” sumusukong sambit ko. hindi matigil ang mga mata ko sa paggawa ng luha. “am i not enough? hindi ka pa ba kuntento sakin kaya naghanap ka pa ng iba? nagkulang ba ako? may nagawa ba akong mali sayo na hindi ko alam?”

nanatili siyang nakayakap sakin. naramdaman ko ang pag-iling niya. “no, you've done nothing wrong. ako ang may mali.”

marahas ko siyang tinulak palayo. “then why! explain to me, why! bakit mo pa rin yun nagawa?” madiin kong pinunasan ang mga luha sa pisngi. tumingala ako sa langit at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili.

“sienna—”

“as long as i could i spent every last bit of my free time with you. i made effort every single time when our anniversary comes. i give you kiss everytime you want to. i gave you a lot of hugs whenever you feel down. even if i don't know how to cook i still cook for you. i take care of you when you're sick. i give you comforts when you got low scores with your exams. i always help you reviewing. i cheer on you when you have basketball games.”

napayuko siya at napasabunot sa sariling buhok. “sienna, w-what you saw last night was all set up! sinet-up lang ni mia lahat. i swear, hindi ko gugustuhin lokohin ka.”

umiling ako at nag-iwas ng tingin. “but you just did. even if it was all set up, that doesn't change the fact that you kissed her and strip her clothes. you're even naked! doesn't matter if you're drunk. that still count as cheating.”

hindi ko na siya pinagsalita pa at naglakad palampas sa kaniya. pero hindi pa ako nakakalimang hakbang nang hawakan niya ako sa braso.

“sienna—”

“arc,” pagod na tinitigan ko siya sa mga mata. “right at this moment—”

“no.... no no no no. don't continue, don't say that...” pinatigil niya ako sa pagsasalita sa pamamagitan ng yakap. “don't, please, don't.”

muli na namang nagbuhusan ang mga luha ko. i hate seeing him like this. but he's not only the one who's miserable. i'm hurting too. doble ang sakit na nararamdaman ko kaysa sa kaniya.

“arc, binigay ko sayo kahat to the point na hindi na ako nagtira para sa sarili ko. but in the end naubos lang ako.” humigpit lalo ang yakap niya sa akin. “i'm ending our relationship. i'm breaking up with you.”

“no, please, don't say that. i can't live without you. you are my life. please, take it back.”

“arc, let me go. kailangan ko ng umalis.”

parang batang sunod-sunod siyang umiling. “ayoko. bawiin mo muna ang sinabi mo.”

kinagat ko ang labi para pigilan ang paghikbi.

“please? i'm begging you. lilinawin ko ang sarili sayo. hintayin kang natin ang result ng investigation tapos—tapos papatunayan ko sayong inosente ako na—na hindi ko ginusto yung nangyari. please, please, don't give up on me, i need you.” kasunod non ay ang hagulgol niya na ang narinig ko.

mariin kong pinikit ang mga mata. “i'm sorry...”

gamit ang buong lakas ay tinulak ko siya at mabilis na tumakbo palayo. nagpapasalamat ako na hindi niya na ako hinabol pa. walang lingon-lingon na sumakay ako sa unang taxi na nakita at pinara ko.









umiyak lang ako ng umiyak nang makauwi ako, walang ideya na ang susunod na pangyayari ay ang siyang sisira pa lalo sa buhay ko.

𝘿𝙖𝙣𝙙𝙚𝙡𝙞𝙤𝙣𝙨 ll 𝙔𝙖𝙣𝙜 𝙅𝙪𝙣𝙜𝙬𝙤𝙣 ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon