Dream

13.6K 384 5
                                    

CHAPTER THREE

"Bakit kaya ganun noh? Hindi ko talaga maintindihan" pagmamaktol ni Jusper habang gumulong gulong sa sahig.

Nandito kami ngayon sa kwarto ni Vinle at yung kwarto nya? Swear buong bahay na namin! Walangjo ang laki laki ng kwarto nya o sadyang maliit lang talaga ang bahay namin? Di naman kasi talaga kami ganun kayaman pero di din naman kami maikukumpara sa mga average people. Ang gulo gulo gulo, yung kwato nya may chandelier pa tapos may fire place then ang laki ng kama pag sinabi kong malaki as in sobrang laki talaga.

"Manahimik ka nga muna jan Jusper baka masapak kita sa kaingayan mo" sabat naman ni Jaja, ayan nanaman mag uumpisa nanaman ang dalawang to in

3

2

1

"Wag ka ring makialam, buhay mo buhay mo?" asar naman na sagot ni Jusper.

"Nakikialam ako kasi nasa isang lugar lang tayo at ang boses mo nakakasakit ng tenga" sabi naman ni Jaja.

Sabi na nga ba at magbabangayan nanaman ang dalawang to, ano ba naman yang mga yan nakakapagod na sumawa kaya tiningnan na lang naming sila. Inabutan naman sila ni Renji ng kutsilyo tig isa sila, hindi lang sila ang nagulat kundi pati na rin kami. Bakit naman hindi? Kung kaibigan mong nagbibiruan lang mag away eh binigyan ng kaibigan mo din ng kutsilyo? Abah naman, nagpanic na kami ng bigla naman syang magsalita.

"Kung di kayo kakatigil magpatayan na lang kayong dalawa" seryoso nyang sabi at napalunok naman kami ng laway.

"Hehehe Joke lang yun Renji di ba Jaja?" sabi ni Jusper at inakbayan si Jaja siniko naman sya ni Jaja at saka awkward na ngumiti.

"Hehehe oo nga Renji"

Yan lang pala ang makakapagpatahimik sa kanila ee sa susunod gagawin ko rin yun, pero bago pa ako makisali sa kanila eh agad naman akong napaupo sa tabi at nag isip. Tiningnan ko silang lahat si Jaja at Jusper nag aaway muli napabuntong hininga naman sa kanila si Renji si Rika naman busy maghalungkat ng mga librong ewan dun sa shelf ni Vinle si Chiaka naman nagbabasa ng magazine, si Maya nandun nakahiga sa kama ni Vinle na pagkalaki laki samantalang si Vinle naman eh nakaupo malapit sa study table nya. Wala namang weird na nangyayari ganun pa rin naman sila.

Inisip ko ang panaginip ko, hindi ko alam kung bakit pero parang saglit lang naman yun tapos paggising ko boom one week after na? magic lang ang peg? Naku naman nakakalito, ano pa kayang pwedeng mangyari bukod sa panaginip na yun? Napabuntong hininga na lang ako dahil wala akong maisip na matinong sagot sa mga tanong ko ang dami dami kong tanong na gustong masagot pero walang ni isa dun ang masagot sakin ngayon kahit katiting wala.

Pagtayo na pagtayo ko may nakita agad akong puting liwanag ang akala ko ako lang ang nakakita nun pero akala ko lang pala yun dahil pati ang mga kaibigan ko nakita rin nila di man nila sabihin alam kong nakita din nila dahil sa kanilang expression, yung puting liwanag na nakita naming eh bumalot sa buong park at bigla na lang nawala ang mga taong yun.

"Te-teka anong nangyayari?" natataranta at halatang natatakot na sabi ni Maya kaya naman agad syang nilapitan ni Renji.

Kahit na basagulero yang si Renji mahal na mahal naman nya yang si Maya na kapatid nya, hindi ko alam kung nasan kami napalingon ako sa paligid lahat naman puti wala akong ibang nakikita para syang isang room na walang kalaman laman at puro puting pader lang ang nakikita.

"Takte nasan ang mga taong nagtitinginan sa ingay natin?" sabi ni Jusper at natataranta na rin sya "Bakit biglang tumahimik?" dagdag pa nya.

Twelve Academy: The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon