Mission 3: Green Eternal Stone

4.9K 160 0
                                    

CHAPTER THIRTY NINE



Miyu



***



Nung makalabas kami para kaming ewan na natulala na lang bigla, di naman kasi namin akalaing ganung klaseng bangungot ang mangyayari samin sa Demon's world. Mas malala pa ata yun sa inaasahan ko, makalipas ang limang minuto ay sabay sabay kami nagpakawala ng buntong hininga.



"Walang oras dun di ba?" Tanong ni Maya at nag nod kami "Bakit sa gubat nagamit ko?" At nagsimula nanaman kami mapaisip.



"Naku hayaan na lang natin yun napagod na nga tayo dun physically mag iisip pa kayo para pagurin yang utak nyo, hoy! Magpahinga naman tayo ayoko na mag isip" sabi ni Jusper at saka napahiga sa lupa.



"May utak kasi kami kaya gusto naming mag isip palibhasa kasi wala kang uta—- HOY! WALANG HIYA KA WAG MO KONG TUTULUGAN! HOY BUNANGON KA JAN! DI KA BABANGON? HA? MAKAKATANGGAP KA SAKIN NG COMBO" useless ang pagsigaw ni Jaja dahil tulog na din pati sila Renji at Vinle.



"Guys wala na tayong oras one week tayong nasa Demon's world at two week na natin to. Ano ba! Baka nakakalimutan nyo one month lang satin binigay to saka isa pa may dalawang tatlong mundo pa tayong pupuntahan" sabi ni Chiaka at napabangon naman silang tatlo



"In two weeks?" Di makapaniwalang tanong ni Renji at nag nod naman si Chiaka



"Kailangan pa nating puntahan ang Fairy Land, Heaven and Spirit World" sabi naman ni Rika



Tumayo silang tatlo at nag ready na rin naman kami pati si Maya, nabalaan na nga namin sya na wag nya ulit ilaglag kami sa pinaka mataas na lugar ee. Nagcast na ulit si Maya ng spell at nagkaroon ulit ng black hole pero pagpasok namin nakakapagtaka di to gaya ng dati, tumingin ako kaya Maya at nakita kong nalilito din ang ekspresyon nya.



Pagdilat ko ng mata ko ay napapoker face naman ako dahil nasa gubat nanaman kamo great! Ay oo nga pala gubat pala talaga ang Fairy Land, jusmeyo naman Miyu anong pinag iisip mo. Tumayo ako at nakita ko silang nakahiga at nakatulala sa langit kaya naman napataas ang kilay ko.



"Walang balak tumayo?"



"Maya maya na Miyu ang ganda ng langit eh, ang sariwa pa ng hangin" sabi naman ni Vinle at dinadama ang pagkakahiga.



"Para kayong mga ewan alam nyo yun? Natural nasa Fairy Land tayo kaya may magandang tanawin, sariwang hangin, magandang panahon kaya kayo tumayo na bago pa maubos ang oras natin" sabi ko at naglakad na

Twelve Academy: The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon