Mints Academy

7.6K 190 0
                                    

CHAPTER TWENTY THREE


Renji


***


Hindi namin inaasahan na ganito ang mangyayari samin dito, simula pa lang pala alam na ng nasa taas ang tungkol samin. Alam din nila kung kelan kami pupunta sa Academy at alam din nila kung bakit kami mapupunta doon, walang kaide-idea ang mga taong nakapaligid samin kung gano kahirap ang magkaroon ng ganitong klaseng posisyon sa school na to. Silang lahat natutuwa samantalang kami nadedepress at di namin alam ang gagawin namin.





Nandito kaming lahat ngayon sa Dorm namin at nagkukumpulan sa sala, walang nagsasalita ni isa samin. Lahat kami nakatulala sa kawalan at di namin alam kung anong irereak namin sa mga nangyayari sa paligid namin ngayon.







"Am I dreaming?" nawala ang pagkatulala ko dahil sa boses ni Maya kaya naman napatingin ako sa kanya "I hope we're dreaming" dagdag nya pa at bigla na lang tumulo ang luha nya kaya niyakap ko na lang sya "Why? Why us? Akala ko handa na talaga ako sa mga nangyayari pero ang malaman sa kanila mismo na apo talaga nila tayo parang parang napakabigat na responsibilidad ang pinasan natin"







"Ito na nakatadhana sa atin siguro tanggapin na lang natin kahit na mahirap" nakayukong sabi naman ni Rika pero alam kong naiyak din sya







"May balak pa silang sumali sa laban, pano pag may nangyari sa kanila? Tayo aako ng responsibilidad sa school na to? The heck! Yung school nga namin di ko kayang patakbuhin ito pa kayang school na to?" nanginginig naman ang boses ni Jaja







"Mas mabuti pa wag na lang muna nating isipin to at mas pagtuunan natin ng pansin ay ang mga tanong na tatanungin natin sa mga magulang natin bukas, remember lalabas tayo" nangiting sabi ni Vinle






Pinagpahinga na namin ang mga girls samantalang kami naiwan sa kusina may konti lang naman kaming pag uusapan, usapang lalaki lang naman to may konting alak lang. Di ko alam kung bakit may alak dito pero tumawag naman kami kila lolo sabi nila pwede naman daw galawin ang isang bote gusto pa nga nilang makipag inuman samin kaso sabi namin may importante lang kaming pag uusapan kaya pumayag din naman agad.

Twelve Academy: The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon