Training

6.3K 183 0
                                    

CHAPTER TWENTY SIX


Jaja


*****


Isinantabi na lang muna namin ang pag iisip tungkol dun sa natanggap namin dahil sabi nga nila lolo kailangan daw naming magtraining ngayon, at kung minamalas ka nga naman oo namamaga ang mata namin at nakikita kami ng karamihan.





"Kawawa naman sila nawala ang magulang nila ng sabay sabay"

 

 

 

 

 

"Grabe ganun ba talaga kalakas ang mga Chase Phantom at pati ang mga former Legendary napatay nila?"

 

 

 

 

 

 

"Kaya pa kaya nila?"  






Samu't saring boses ang naririnig ko at lahat ng sinasabi nila ay tungkol samin kaya naman napailing na lang ako at dumeretso lang sa paglalakad, katabi ko ngayon si Vinle at panigurado ay naririnig nya rin ang mga sinasabi ng iba tungkol samin.





Awa? Di naman namin kailangan yun eh at di rin namin hinihingi ang awa nila at ano ngayon kung wala na ang mga papa namin? At least namatay sila ng may dignidad di gaya ng ibang tao na mamamatay ng walang pangalan, at para samin sila ang magiging long time hero namin.  





Pagdating namin sa harap ng classroom ay parang wala pa ring tigil ang iba sa pagtitig samin, ano bang meron? May dumi ba kami sa wala? Tiningnan ko silang lahat at nakita ko namang wala. Yun naman pala eh wala naman pala eh bakit ganyan sila makatingin samin ngayon? Bakit parang may something silang gustong sabihin na hindi lang nila masabi? Ay bahala na nga sila. Binuksan ni Miyu ang pinto at ayun maingay pa rin ang loob tumahimik naman nung nakita kami at bumalik sa ingay hanggang sa sinabi ni Makoto na may training dami kami.






Agad agad kaming naglakad papunta sa training hall, nasa unahan si Makoto at Shana samantalang nasa likod naman nila kami at ang nasa likod namin ay ang iba pa naming classmate. Pinagtitinginan kaming lahat at syempre may kasamang hiyawan, oo nga pala ngayon lang nila kaming nakitang magkakasama kaya siguro naninibago sila. Nung makarating kami sa training hall nagulat ang mga kakatapos lang nito dahil lahat kami magkakasama walang kulang samin. Pagpasok namin bigla na lang nakaroon ng tense sa pagitan naming lahat.

Twelve Academy: The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon