Aerokinesis

7.7K 234 2
                                    

CHAPTER NINE

Renji

****
Pagkaalis ni Megumi at Maya bigla namang may pinagamit saking kung ano tong si Angie, nung nasa kamay ko na parang bigla na lang may pwersa na humahatak sa kamay ko pakaliwa, kanan, taas at baba. Di ko alam kung saan papunta ang kamay ko parang may kumokontrol, nagulat naman ako nung bigla na lang magsalita si Angie

"I knew it" sabi nya pa at saka lumapit sakin.

Habang papalapit sya ay unti unti naman syang nasusugatan, teka anong nangyayari? Wala naman akong ginagawa ah bakit nasusugatan sya? Pero nagulat na lang ako nung bigla na lang nawala ang mga sugat na nakuha nya sa hangin, nung makalapit sya sakin eh agad naman nyang kinuha yun.

"Lack of balance, lack of stamina, lack of strength" dagdag nya pa

"Aba naman talagang sinabi mo pa sakin yan eh noh? Alam mo naman kung anong klaseng bagay yan di ba? Pero anong ginawa mo? Pinagamit mo pa rin sakin" inis kong sabi

"I already knew your ability, you're just like me but not literary" huh? Ano daw?

"This bracelet, gumagana lang to sa mga Wind manipulator but when you wear it makes me feel chill" dagdag nya pa "What I mean is you're not a ordinary wind manipulator" hindi ko alam kung ano ang irereak ko sa mga sinabi nya, ako? Wind manipulator? How come? "Wind manipulator or as known as Aerokinesis is one of the most legendary yet common types of ability"

"Pinagloloko mo ba ako? Sabi mo Legendary pero common type---"

"Makinig ka kasi muna salita ka ng salita eh" tss pano ba naman di nya naman tinatapos agad =___= "By Aerokinesis we can create a shape through wind and also we can make weapons through it. And it called Aerokenetic Constructs. We all know that there's a lot of use in Air but sometimes we can give others a harm by using it without even thinking what will happen" pag papaliwanag nya pa sakin, pero di ko pa rin maisip kung ano ang nangyari sakin at pano ako makakakontrol ng hangin "i-straigh mo ang hintuturo mo then iikot ikot mo to sa lupa at tingnan mo ang mangyayari" sabi nya pa sakin at ginawa ko naman.

Di ako makapaniwala sa nangyayari nakakagawa ako ng isang tornado na maliit? Teka kelan ko pa to natutunan gawin? Shet! What's happening to me? Ghad! Di ko alam kung anong nangyayari pero bakit feeling ko masaya ako dahil may ability na ako? Bakit ganito ang nafefeel ko?

"That's what they called Cyclone Spinning spin in a tornado-like manner." Sabi nya pa at napanganga na lang ako sa sinabi nya

Ako? Wind manipulator? So ganun pwede ko nang maprotektahan di lang si Maya kundi pati na rin ang buong tropa namin, tumingin ako sa lugar kung saan tumakbo kanina si Maya. Maya, may ability na ako di ka na nila masasaktan dahil di na ako makakapayag na masaktan ka pa nila o kahit na sino sa barkada natin.

"TIngin ko naman wala ka namang magiging problema sa kapangyarihan mo eh dahil unang una sa lahat halatang halata sayo na may gusto kang protektahan" nakangiti nyang sabi at ngumiti din naman ako sa kanya "Wag mo lang i-over use yan dahil kahit na may ability tayo eh tao pa rin tayo at napapagod ang katawan natin, kapag di ganun ka praktisado ang katawan mo di mo sya magagamit ng matagal" sabi nya sakin saka sya tumayo

"Then would you mind to teach me?" tanong ko sa kanya at napatingin naman sya sa gulat

"Im so sorry Renji but I'm not in the position to teach you about wind we're not the same although we have a same ability, just wait for him here" sabi nya pa at nawala na lang sya bigla

Him? Sino naman ang tinutukoy ng babaeng yun? Isa akong wind nanipulator? Ano kayang nangyayari samin? Bakit kaya kami nagkakaganito? Masyadong madaming tanong ang nabubuo sa isip ko at di ko alam kung ano ang masasagot dun at mas lalong di ko alam sa sarili ko kung masasagot ba lahat ng tanong ko sa sarili ko.

Twelve Academy: The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon