No one can change us

7.4K 214 9
                                    

CHAPTER TEN

Renji
***

"Hey kuya are you okay? Do you really want to go?"  tanong sakin ni Maya at nag nod naman ako sa kanya "Okay if you say so" then she walk beside me

"Sino ba kasi yun Pre?" tanong naman sakin ni Vinle

"New friend" sabi ko at nagpatuloy lang sa paglalakad

"And his crush" dagdag naman ni Maya sa sinabi ko kaya naman napatingin ako sa kanya "Oh bakit? Im just telling the truth, remember secrets are not allowed?" nakangiti nyang sabi sakin at napapoker face na lang ako.

"Hahahaha Maya you really know how to shut him up" pang aasar ni Jusper at inakbayan naman ako "Pre you make kwento to us later" sabi nya pa at nauna na samin.

Hindi na ako nagsalita dahil mas madadagdagan pa ang mga sasabihin ng mga to mamaya pag nagsalita pa ako, nagpatuloy lang kami sa pag lalakad at nakakapagtaka naman kasi pinagtitinginan kami ng lahat anong meron? Napatingin ako sa kanila pero ganun din naman ang expression ng mga kaibigan ko, gaya din naman ng akin. Anong meron? Tinanong ko sila gamit ang pagtingin sa mga mata nila pero pare parehas silang napakibit balikat. Bakit kaya? Tumingin ako sa mga nakatingin samin pero agad naman silang napaiwas ng tingin.

Kahit kelan talaga ng weird ng mga tao dito di ko talaga sila maintindihan, buti na lang kahit papaano nandito ang barkada at meron pa naman akong naiintindihan bukod sa sarili ko. Pagdating naming sa chapel hall ay ang dami namang tao pero nagulat ako kasi di ito ang pangkaraniwang chapel sa labas ng school na to.

Ang inaapakan naming ay lupa pero sa unahan nito may isang lawa at sa siguro ¾ ang layo ng kabuuan mula dito samin ay may parang isang malaking crystal na kulay light blue tapos sa gitna nya may isang bilog na hugis at may ilaw sa loob parang egg na ewan. Napatingin ako sa barkada at halata naman sa mukha nila ang sobrang mangha, yung totoo? Pumunta ba talaga sila dito para makiramay o baka naman para lang humanap ng mas exciting pa.

"All the Aerokinesis kindly go in in front of our moon river to give some respect and good bye ceremony to our second rank legendary Aerokinesis" sabi nung lalaking nakausap ko dati, yung tinawag ni Angie para ipakilala ako. Nagsipuntahan na lahat ng Aerokinesis, halata sa kanila na malungkot sila. "Again ALL" saka ko narealized na nakatingin sya sakin at naglakad naman ako paunahan.

"Renji is a Aerokinesis?" dinig kong sabi ni Miyu

"How come? Why he didn't tell this to us?" dismayadong sabi naman ni Maya na may halong excitement.

Hindi ko na lang muna sila pinansin at pumunta na dun sa mga nakatayong kagaya ko, di ko alam pero kusa na lang gumalaw ang katawan ko at saka ko napansing naglalakad na ako sa tubig. Di ko alam kung bakit pero parang ako ang naglelead sa lahat ng gagawin nila, parang may kung anong nag uutos sa katawan ko kung anong gagawin. Itinaas ko ang dalawang kamay ko at may naform doon na maliit na tornado pero may mga dalang petals ng red rose at saka ko ibinaba ang kamay ko at lahat ng petals napunta sa bangkay ni Angie. Pagkatapos kong gawin lahat ng sinasabi ng katawan ko ay agad naman akong nanghina kaya sinalo ako ni Jeff, naubos ata lahat ng lakas ko.

"You did it well, she's now in God's hand" nakangiti nyang sabi at itinayo ako

"Would you mind to explain what her cause of death?" tanong ko at ngumiti lang sya.

"I don't mind it but I cant tell it to you, gaya ng sabi ko sayo noon di pa ito ang tamang time. Malalaman mo rin" sabi nya at saka umalis na

Naglakad din sya sa tubig at saka naman nya binalutan ng hangin si Angie at itinaas para maging kalebel ng bilog na crystal at bigla na lang nagliwanag ang lahat at saka nawala ang katawan ni Angie, anong nangyayari? Bat parang may kakaiba sakin? Hinawakan ko ang kamay ko at may naramdaman akong likido, what happened? Tumingin ako sa paligid at nakita kong lahat ng kauri ko ay lumuluha din ng di nila alam ang dahil, siguro yung iba dahil sa nalulungkot nga.

Twelve Academy: The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon