Infinite

6K 185 1
                                    

CHAPTER TWENTY SEVEN


Rika


*****


Nakaupo na kami lahat  lahat pinagtitinginan pa rin kami, bakit naman kasi hindi di ba? Yung tinatawag nilang mga Legendary ay nandito sa canteen sinong mag aakala nun. Well, base lang naman yan sa mga naririnig ko sa tabi tabi pero wala akong paki alam. Inilibot ko ang paningin ko at lahat naman sila nakangiting nakatingin samin tapos nagsisibalikan sa kwentuhan peo syempre kami pa rin ang pinagkukwentuhan.







"Kumain na lang siguro muna tayo bago namin iexplain sa inyo ang dapat naming iexplain okay lang ba? Nakakagutom kasi ang training eh" sabi ni Shana at nag nod naman kami bilang pag sang-ayon.







"Okay na rin yun samin, gutom na rin naman kami eh" sabi ni Jusper







"Kelan ka ba hindi nagutom sige nga sabihin mo?" pang iinis naman ni Jaja







"Manahimik ka jan wag mo kong igaya sayo na laging nakain kaya ka nataba eh" sagot naman ni Jusper habang papaalis sila ni Jaja papunta sa harap ng mga pagkain, napailing na lang kami habang nakatingin sa dalawa.








"Yung totoo lovers ba talaga ang dalawang yan?" nagtatakang sabi ni Makoto.








"Hahaha Oo, walanghiya nga yang dalawang yan eh. Parang hindi noh? Ganyan lang talaga magpakita ng pagmamahalan ang dalawang yan hahaha, di nga namin alam kung paano nila natitiis ang isat isa kahit na puro lang sila sigawan, asaran at  barahan" sabi ni Miyu habang natawa.








"Ibang klase" sabi naman ni Shana

Twelve Academy: The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon