Chapter 6

61.9K 5.8K 6.7K
                                    

Chapter 6: Balloons

Tinext ko na lang si Ate Sarah. Nagpaalam ako sa kanya na baka, o talagang, masyado gabi na ako makauuwi. Hindi ko sinabing sumama ako sa isang party ng mga basketbolistang hindi ko kilala.

Why did I even agree?

"Ikaw kaya mag-drive, Jess?" suhestyon ni Cams.

"Eh? Pabalik. Promise," sabi naman ni Jess. Nakatutok sa labas ng bintana ng sasakyan ang camera ng kanyang phone. "I'm planning to vlog the party!"

Dumiretso ang tingin ko sa daan. Nakasunod kami sa sasakyan ni Chester papunta sa Villa ng mga Delgado. Doon gaganapin ang party na ilang araw na ring nakahanda.

"Buti sumama ka, Rizzie?" tanong ni Jess.

Bumuga ako ng hangin. Hindi nakasagot.

"Wala e. Nakuha sa charming smile ni Chester—"


"Shut up, Cams! Ikaw ang unang pumayag!" putol ko sa kanya. "Kung hindi ka pumayag ay hindi rin ako papayag. You know that I don't like parties!"

Isa pa 'tong si Jessie. Pumayag agad!

"Sus. Isang ngiti lang ni Megardon, puso mo agad tumalon," pang-aasar pa nito.

"Whatever!" I rolled my eyes.

"Enjoy na lang tayo." Finally, Jessie kept his phone. "This will be a long and fun night!"

I let out another sigh. I have no idea what's this party. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa sa party. Probably, it involves alcoholic drinks, lots of those. Hindi naman ako pwedeng uminom ng alak. Ayoko rin.

I need to stay sane and get home as early as possible. For fuck's sake, ang dami ko pang ire-review. Sa Monday na ang exam na magdidikta kung makaka-graduate ba ako or delayed!

My phone vibrated. My sister replied, "Gotyah. Take care, baby sis. Enjoy."

I smiled. Just as I thought.

Si Ate Sarah man ang pumuna sa pwesto ng aming mga magulang, hindi pa siya kailanman naging mahigpit sa akin. She lets me do things on my own as much as possible. Ako lang naman ang pumipigil sa sariling sumubok ng ibang bagay.

It didn't take long, we have finally reached the villa of Delgados. Malawak na nakabukas ang mga gate. Sa parking lot pa lang ay kitang-kita na na marami ang imbitado sa party na ito. Sobrang gaganda rin ng mga sasakyan nila. Hindi naman nagpatalo ang sasakyan ni Camila.

Naunang lumabas si Jessie para kunan ng video ang lugar. Nag-retouch muna kami bago sumunod. Napasinghap ako nang salubungin ng malamig na hangin.

Ah. Fresh air!

"I can't believe Delgados are this wealthy!" I blurted out.

Like... I kind of know but at the same time, I still get amazed.

Cams chuckled. Inayos niya ang bumababang strap ng kanyang mini black dress. Mabuti na lang naka-sandals lang din siya kagaya ko. Unlike me, Cams likes to wear high heels.

"Hey, girls!" Chester approached us. Todo ngiti pa siya sa amin. May kasama siyang isang lalaki na namumukhaan ko pero hindi alam ang pangalan. "How's the trip?"

"Hindi naman malayo. Saka si Cams ang nagmaneho," nakangiti kong tugon.

He was still wearing their purple jersey shirt. Oh, how I wish I could always see him in this tee. Bagay na bagay talaga sa kanya. Maybe Cams was right after all.

Crush ko na nga si Chester.

"So... this is the villa Mr. Delgado gifted to Ulrich on his eighteenth birthday?" Cams smirked.

Wicked HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon