Chapter 23

57.6K 6K 7.3K
                                    

Chapter 23: Officially

Ulrich called me but I refused to turn back.

I'm starting to hate it. I hate how he does things like it's nothing to him— how his words come out of his lips like he doesn't mean them— like everything he does is just for fun.

Sana ay gano'n na lang din sa akin. Gustuhin ko mang ipagsawalang bahala ang kiliting dulot ng kanyang kaunting galaw at tipid na mga salita ay hindi ko magawa.

It's moving me and I don't like it.

He was quick to block my way. Huminga siya nang malalim. Hindi hamak na mas seryoso na siya ngayon.

"Are you mad?" tanong niya.

Does it matter?

"I took a shot, Mr. President," I confessed that I gulped a cup of alcohol.

He slid his hands inside the pocket of his pants. Marahan siyang tumango.

"What about it?" he asked.

"You know it..." bumaba ang boses ko.

"Hmm. No?" he said, unsure.

Dumiin ang tingin ko sa kanya. Really?

"Ano ba ang parusa sa mga nahulihang uminom ng alak?" tanong ko sa panunuyang tono. "Guidance? Community Service? Suspension?"

"Who's going to punish you if ever?"

My lips trembled. Shit!

"I will do it, then." I forced a smile.

"Really?" Tumaas ang mga kilay niya. "Ngayon pa bang malapit na ang finals? Gusto mo pang magkaroon ng problema ngayong malapit ka nang grumaduate?"

Natikom ang bibig ko. Ganito ba talaga siya makipag kaibigan?

"Vice Hailey is roaming around the campus," he said, casually. "If you don't want to get caught, you will follow me. I am going somewhere."

Saka na siya tumaliko at naglakad sa ibang direksyon. Hindi 'yon pabalik sa open field.

"I don't care anymore!" I screamed at him.

"What the—" Nakakunot ang noo niyang humarap sa akin. "Ano ba talaga, Riza? You told me that you can take care of yourself. Now, you don't care anymore?"

Hindi na naman ako nakasagot.

"Ano ba talaga ang problema mo, Riza?"

"Wala. Babalik na ako."

"Okay..." Nagkibit-balikat siya. "I will only buy three coffee drinks. One for Roland, one for Arthur and, one for Jessie. Wait. Uminom din ba sina Camila at PJ?"

Dumilim ang tingin ko sa kanya.

"Hindi—"

"Then, three. Fine. Bahala kang mahuli mag-isa."

My lips slightly parted. Nakakawala ba ng amoy alak ang kape? Kaya ba niya sila bibilhan para kapag nahuli sila ay hindi amoy alak ang bibig?

I gritted my teeth.

Umirap ako at sumunod sa kanya.

Pumantay ako sa paglalakad niya.

Tumagilid ang ulo ni Ulrich sa ibang direksyon. Napansin kong natatawa na naman ito.

"Tinatawanan mo ba ako?" tanong ko.

He turned to me. "I'm sorry?"

"Wala."

Wicked HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon