Chapter 30

47.5K 5.8K 6.6K
                                    

Chapter 30: Wicked Heart

I cried the whole night. I woke up in a discomfort feeling. Kagigising ko pa lang pero parang inaantok na naman ako. Hindi naman ako pwedeng lumiban dahil importante na ang pinag-aaralan namin.

I stood in front of the vanity mirror. Buti na lang hindi namamaga ang mga mata ko. I could traverse the day without a hint that I wept for the whole night.

I refused to check my phone.

Lutang ako nung pumunta sa kusina. Naabutan ko na naghahain si Ate Sarah. Bagong ligo na ito. May nakabalot pang tuwalya sa kanyang ulo.

Biglang kumatok sa isipan ko ang mga binitiwan kong salita kahapon. I felt a pang of guilt that I almost stepped back when my sister turned to me.

The smile on her face surprised me.

"Good morning, baby sis. Kain na tayo..."

I was taken aback. Sa halip na lumuwag ang dibdib ko ay mas lalong lang itong sumikip. Nakapagbitiw ako ng mga masasakit na salita sa kanya kahapon tapos ganito pa rin siya?

We had breakfast together. Wala akong kibo buong oras. Sinubukan ni Ate Sarah na magbukas ng usapin pero tanging tango at iling lang ang naisagot ko. No words escaped my lips.

Nag-ayos na ako ng sarili. Nakaupo ako sa harapan ng salamin at tapos na mag-ayos. That's when I decided to pick up my cell phone.

I checked the time, medyo maaga pa. Tila nagkaroon ng sariling desisyon ang mga daliri ko para balikan ang huling message sa akin ni Ulrich.

No, don't...

Kinatok na ako ni Ate Sarah para pumasok na kami sa school. Sabay kaming dalawa. Hanggang sa makarating kami ay wala akong kibo. Hindi gaya ng madalas ay hindi ako kinulit ni Ate Sarah na magsalita.

Papasok na kami ng gate nung sabay kaming mapatingin ni Ate Sarah sa isang tarpaulin na nakasabit sa itaas.

Congratulations, Ulrich and Amanda! Stay strong!

Hinawakan ni Ate Sarah ang kamay ako at tuluyang na kaming pumasok sa loob. Naghiwalay na rin kami ng daan. Nung maiwan akong mag-isa ay mas lalo kong naramdaman ang bigat ng mga pangyayari kahapon.

Sa halip na pumunta sa office ni Ulrich, napagdesisyonan ko na lang na dumiretso na sa classroom. Maaga pa kaya kaunti pa lang kaming narito.

I was busy reading my notes when I heard the conversation of my classmates behind me. Syempre, tungkol pa rin kina Amanda at Ulrich ang pinag-uusapan nila. It will be the talk of the town for weeks.

"Bakit biglaan? I don't even see them interacting."

"Sus nga. Pero baka pasikreto lang talaga sila?"

"Maybe. I don't know. I don't like Amanda."

"Ssshh. Baka may makarinig sa 'yo."

"Basta. I don't really like her."

I just decided to put my headset on. Hindi ako maka-focus dahil sa pinag-uusapan nila. Though sanay naman akong mag-review kahit may nagbubulungan sa paligid, masyado lang akong apektado sa topic nila na hindi ko mapigilang hindi makinig.

Someone tapped my shoulder. Umangat ang tingin ko kay Camila na todo ngiti sa akin. Agad kong napansin ang kakaiba sa kanyang ayos.

"Bagay ba?" tukoy niya sa bagong gupit na buhok.

Her bangs remained untouched. I mean, of course, magalaw na lahat huwag lang iyon. Lumiit lang nang kaunti sa itaas ng kanyang balikat ang buhok nito. It still made a huge difference.

Wicked HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon