Chapter XVI: Changes

7 1 0
                                    




**************************


Aika Villavicencio


Kasalukuyan na kaming nasa loob ng sasakyan ni Lola, we're on our way to Las Espadas National High School. Hindi namin kasama si Paco dahil mamaya pa ang klase niya, mas maaga lang ng dalawang oras ang pasok ko sa kaniya. Well, he can make commute naman mamaya kapag pumasok siya and hindi rin naman traffic ngayon so he won't be late.





Mukhang malapit na rin kami sa school dahil nakikita ko na ang mga kapwa ko estudyante, ang iba sa kanila ay nag-lalakad lang habang ang iba naman sa kanila ay naka-sakay sa motorbike, bike or kotse katulad ko. Hindi nag-sasalita si Lola Andreanna ngayon, naka-tuon ang atensyon niya sa IPad.





Perhaps, she's still busy with her work. Ngayon na rin ang alis niya papunta sa Italy, she'll be gone for quite some time. Wala akong idea kung kailan siya babalik dahil wala naman siyang binigay na exact date, basta ang alam ko lang ay babalik siya kapag tapos na ang trabaho niya.





I want to come with her but she's leaving because it's work related, hindi ako pwedeng sumama sa kaniya dahil mayroon akong pasok sa school. I mean, pwede akong sumama pero given iyon na ililipat niya ako sa bagong school which is wala na kaming time para gawin 'yon dahil start na ng klase.





Another thing is that gusto kong maranasan na mabuhay mag-isa o alagaan ang sarili ko habang wala siya sa tabi ko but unfortunately, Lola hired a handsome babysitter to take care of me , guide me and look after me in every possible way.




Makalipas ang ilang minuto, nakarating na kami sa main gate ng Las Espadas National High School. How did I know? Nakita ko na ang malaking sign sa harapan, all of the students are rushing inside dahil dadaan ang sasakyan namin. I wonder kung bakit naka-nganga sila, is this the first time that they saw an expensive vehicle?





I'm not belittling nor insulting anyone, I'm just wondering kung bakit ganon ang facial expressions nila matapos nilang makita ang sasakyan namin na dumaan sa harapan nila because it seems like I am right about that part. Normal lang naman na ma-amazed sa isang bagay na ngayon mo lang nakita.






"Aika, si Paco na ang susundo sa'yo mamaya. Huwag kang basta na lang aalis kapag wala pa siya". Sambit ni Lola.





"Hindi mo kilala ang mga tao sa paligid mo kaya mag-iingat ka saka huwag kang mag-titiwala sa mga taong ngayon mo lang nakilala". Malumanay na paalala sa'kin ni Lola Andreanna. She should just calm down, kabisado ko na ang mga bilin niya sa'kin.






"Paco will still pick me up after classes? Malapit lang naman ang mansyon natin mula dito". Tugon ko sa kaniya. Nauuna akong pumasok sa school pero si Paco ang mauunang umuwi.





"That's not the point here, Aika. Please, I'm begging you. Huwag kang pasaway at makinig ka sa'kin, sundin mo ang mga sinasabi ko dahil gusto kong maging ligtas ka palagi". She spoke in a worried tone. Why does her voice sound like she's worried about me? Is something going on? Am I in danger? Or what?





"Yes, Lola. Naiintindihan ko po". Magalang kong sagot.




Nang tumigil ang sinasakyan namin, agad na bumaba ang driver saka 'yung isang bodyguard sa shotgun seat para pag-buksan kami ni Lola Andreanna ng pintuan. Changes are inevitable, I've never been into a real school but now? I'm here. Nakatayo na ako sa eskwelahan na papasukan ko, naninibago ako pero ang saya-saya ko ngayon!





Babysitting The Frog PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon