Chapter XXXIV: I See The Light

11 1 0
                                    



**************************

Aika Villavicencio


Kinabukasan, maaga akong naalimpungatan dahil naalala ko na aalis kaming dalawa ni Paco ngayong araw. Wala naman na akong pasok sa school dahil tapos na ang klase ko, habang siya naman ay patapos na rin para sa taon na ito pero wala raw siyang schedule sa araw na 'to kaya nag-pasya siyang ayain akong umalis para mapuntahan namin ang sinasabi niya.




I have no idea kung saan kami pupunta, hindi niya naman sinabi o binanggit sa'kin. Well, I think sa magandang lugar kami pupunta dahil gusto kong mag-punta sa ibang lugar kasama siya. Kung isasama namin 'yung iba, maganda rin iyon dahil kapag mas marami ay mas masaya at iyon ang gusto ko!!





Kanina pa ako tapos maligo, tapos na rin akong mag-bihis at isinuot ko ang pinaka-paborito kong damit na ngayon ko pa lang gagamitin. Nangako ako sa sarili ko na gagamitin ko lang 'to kapag mayroon akong pupuntahan na ibang lugar, hindi ko naman binanggit kung sino ang dapat kong makasama kaya gagamitin ko na ito ngayon!





Nag-aayos na lang ako ng buhok ngayon, tapos na rin kase akong mag-lagay ng light makeup sa mukha ko. Paco doesn't like to see my face filled with too much makeup, binubura niya rin gamit ang sarili kong makeup wipes dahil alam niyang palagi akong may dala-dalang mga ganon para kung sakaling kailangan kong ayusin ang makeup ko ay mabubura ko ng maayos ang nauna kong inilagay.





He's pretty smart, kabisado na niya kaagad ako habang pag-dating sa kaniya ay nahihirapan akong kabisaduhin siya dahil hindi naman siya ganon ka-open katulad ko. Mahilig siyang mag-isa, iyon din ang sinabi ni Prynce at Gideon sa'kin. When they first met him, he was so quiet. He doesn't really like to communicate until one day, Paco got into a fist fight.





Naalala pa ni Prynce ang nang yari noon dahil nabuo ang Lucky 7 pag-tapos nilang makipag-basag ulo sa mga mas matatanda kaysa sa kanila. Paco is a quiet guy, he doesn't really like to play with other kids and the weird thing is that he doesn't play using normal toys either.





He prefers to play chess, or some random complicated puzzles that a normal kid would never like to play. Well, my cousin may be a dofus and a little slow sometimes but he likes those things as well. His brain is working properly when he's playing, but not when he's studying which is why Tita Amelia gets frustrated with him. But perhaps, that's the reason why they all get along well during their childhood.







And since Paco is quiet type of kid, he seemed obnoxious and rude which is why a group of 5th grade students bullied him a lot. Hindi niya lang pinapansin o pinapatulan kase wala siyang pakealam, he's pretty rich kaya kung sakali mang may masisira sa gamit niya ay agad niya iyong mapapalitan ng panibago.






If I was a spoiled brat, si Paco rin naman pala ay ganon but he's much more responsible than I am. Inaalagaan niya ang mga gamit niya, 'yung mga kaaway niya lang ang sumisira 'non kapag napag-iinitan siya. Habang ako naman, pasaway kase ako kaya kapag may nakikita akong bagong gamit, gusto kong nakukuha iyon at kapag gusto ko ay dapat nakukuha ko.






When Ariana Grande said "I want it, I got it", napag-tanto ko na iyan pala ang motto ko noon sa buhay, but nothing changed at all. Kapag nagustuhan ko ang isang bagay, hindi pwedeng hindi ko makukuha iyon dahil hindi ako makakatulog ng mahimbing sa gabi. I'll go crazy for sure! So I'd rather buy it right away than to stay awake.






Sinusubukan ko namang maging matipid, binabawasan ko na rin ang pagiging magastos dahil sigurado akong magagalit si Lola Andreanna kung nasaan man siya ngayon kung sakali mang nakikita niya akong bumibili ng kung ano-ano'ng mga bagay na hindi ko naman talaga kailangan. I promised also myself to buy only those useful things, not those I wouldn't use for good.






Babysitting The Frog PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon