Chapter 1: University's Famous Group?

638 19 0
                                    

We're here inside the room, isa isa na kaming nagpakilala

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.

We're here inside the room, isa isa na kaming nagpakilala. Pagkatapos ni Hailey ay ako na ang kasunod.

"Good morning ma'am and good morning classmates. I'm Allesia Luna Grace De Vega, 16 year old, from Cavite. It's my pleasure to meet you all I hope we get along together," nakangiting pagpapakilala ko. I don't know if awkward na ba yong ngiti ko hehe

Kinabahan talaga ako kase first time ko lang magpakilala sa harap ng mga classmate ko which is nakakapanibago. Dati kasi sa amin ay kahit hindi na pumunta sa harap para magpakilala okay lang.

Magkatabi kami ni Hailey ng upuan hindi naman alphabetical order yong sits kaya pwede kahit saan umupo. Sobrang daldal nya pala pero okay lang dahil nagshe-share sya ng mga nangyari sa kanya.

Walang discussion ngayon puro pagpapakilala lang, kaya yon tuloy-tuloy lang si Hailey sa pagkukuwento nya.

"You know Allesia dito sa University na 'to ang daming mga grupo dito at may isang grupong mas sikat as in SUPER sikat nila. Tsaka yung isa don sobrang gwapo.. lima sila si Oliver yung leader masungit 'yon, seryoso tsaka cold. Minsan din mabait kapag sinapian nga lang siya ng anghel." Pagkukuwento niya. "Alex naman pangalan nung pangalawa matalino yon tsaka mabait," syempre may pinagmanahan.

"Josh naman pangalan nung pangatlo playboy 'yon tsaka matalino din. Yung pang apat naman crush ko 'yon si Railey pogi 'yon matalino, masipag at mabait. Yung pang lima naman ay si Rafael kambal ni Railey pero baliktad yung ugali nya matalino sya pero playboy, I think.. funny sya, madaldal tsaka higit sa lahat ayoko don sa taong 'yon!" pasigaw na sabi niya. I even saw her rolling her eyes.

"Ahh, ano namang ambag nila sa school?" Tanong ko.

Alex humanda ka kila tita kung kabulastugan lang ginagawa mo!

"Sila yung pinanglalaban sa mga paligsahan sa school, tsaka ayon.. nananalo sila lalo na sa swimming contest," Sabi nya na tila ba sobra siyang nahanga sa kanila.

"Ahh ok, 'yon din sabi ni couz," buti nalang Alex kun'di malalagot ka talaga kila tita.

"Katulad din natin sila 4th year high school palang, classmate nga nati-" 'di na natapos ni Hailey ang sinasabi nya dahil nagsisitilian na ang mga babaeng kaklase namin nang may pumasok na limang lalaki.

"Mr. Sanchez, Mr. Miranda, Mr. De Luna and two Mr. Lopez! Bakit late kayo?!" Sigaw ni Miss Marie.

"Traffic po, Miss," sagot ni Railey.

"Ok, but next time 'wag na kayong male-late dahil magkakaroon na kayo ng detention! Now take your sits," sabi ni Miss.

"Thanks and we're sorry, Ma'am," Rafael said.

Umupo sila malapit sa amin nakita ko naman si Oliver na napakaseryoso ang mukha at hindi naimik. Ilang oras bago natapos ang pagpapakilala nila so break time na. Pumunta kami ni Hailey sa Cafeteria para bumili ng makakain.

"Ano sayo? Treat ko na," sabi ko.

"Ahmm... Kahit ano basta hindi chocolate kasi allergic ako sa chocolate, eh," sabi nya.

"Ahh sige, wait ka lang dito sa upuan natin ah," sabi ko sa kanya.

"Oo, di ako magpapaupo ng ibang tao dito," sabi nya at tinakpan niya pa ang mesa gamit ang mga kamay niya.

Nandito na ako sa cashier para bayaran ang mga inorder ko. Hindi din ako masyado nakain ng chocolate kase masyadong sweet, bitter ako eh.

Umorder ako ng dalawang Carbonara, tatlong orange juice, isang strawberry cake at isang caramel cake. Pumunta agad ako sa upuan namin pagkatapos ko magbayad.

"Here, Hailey, pili ka na lang ng sayo kase diba sabi mo ako bahala.. and I didn't know if gusto mo ba 'yan, kung 'di mo naman gusto bibili nalang ako ng ibang food," sabi ko.

"No need na.. favorite ko naman 'yong carbonara and strawberry cake, eh, thank you very much sa pag treat ng pagkain!" pagpapasalamat nyang sabi.

"Waahh!! Same pala tayo ng favorite food. Favorite ko din yung carbonara, eh," masayang sabi ko.

"Oo nga, we're meant to be friends and we have the same favorite food.. that's so amazing!" saad nya na ikinangiti ko.

"Sino yung sinabi mo na cousin mo?" Tanong ni Hailey.

"Ahh.. Si Alex Clyde Miranda pamangkin sya ni mom.. We're close pero minsan lang sya napunta sa bahay," Sagot ko.

"Ahh.. ok," Ani ni Hailey habang nginunguya ang kaniyang pagkain.

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano habang nakain. Nang matapos na, the bell rings and that means tapos na yung break time.

Bumalik na kami ni Hailey sa classroom namin at kita ko rin yung limang magkakaibigan na nagkukwentuhan. Umupo nalang kami ni Hailey at hinintay ang teacher namin.

"Good morning class, I'm Mr. Lorenzana your teacher in Math," Mr. Lorenzana said.

Ayon tulad nga ng sinabi ko puro pag papakilala lang ang ginawa namin hanggang sa uwian na. By the way, half day lang ang pasok namin dito sa University na ito kasi sobrang dami daw ng mga nag-aaral dito.

"Alessia!"sigaw sa akin ni Hailey nang nakita nya ako na aalis na.

"Bakit, Hailey?" Tanong ko.

"Sabay na tayo umuwi tapos diretso tayo sa bahay papakilala kita kina mom and dad sasabihin ko na I have a friend na," sabi nya.

"Cge, pero di ako magtatagal doon, ah. May curfew kase ako.. hanggang 8 lang ako pwede sa labas," medyo malungkot kong sabi.

"Don't worry ipapahatid kita kay Manong ng maaga," saad pa nya.

"Okay," nakangiti kong sabi. Nagtext ako kila nanay na hindi agad ako makakauwi at sinabi niyang sasabihin niya nalang daw kapag nakauwi na sila mom.

Andito na kami ni Hailey sa bahay nila, medyo malaki ng konti yung bahay namin kesa sa bahay nila. Her parents also have business here in Philippines and in other countries too.

Kumain na din kami dito sa bahay nila ang saya nilang kausap like pinaguusapan nila yung mga ginawa nila ngayong araw and nagkakatuwaan sila. And it feels like dati ganto din kame nina mom, dad and kuya.. I miss the way mom and dad talks about their work and how happy they are with each other..

Already 7 p.m na nung hinatid ako ni Manong sa amin tinanong nila ulit ako kung saan ako pumunta dahil baka nagsisinungaling lang ako sabi ko sa bahay ng classmate na new friend ko na. They are so happy because finally I have a friend na. Kasi simula bata palang kami, kami lang ni kuya yung magkasama.

Ngayon andito ako sa kwarto nagbihis na ako ng pantulog at humiga sa kama ko while listening to my favorite songs, I feel so sleepy so I turned off the music and then as I slowly fell asleep, everything went black.

________________________________________________________________________________

Loving You Is My Decision [COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu