Chapter 7: Suitor

286 13 0
                                    

Nakapunta kana dito dati

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Nakapunta kana dito dati..

Nakapunta kana dito dati..

Nakapunta kana dito dati..

Nakapunta kana dito dati..

Nakapunta kana dito dati..

Nakapunta kana dito dati..

Madaming beses pumaulit ulit sa utak ko yung sinabi niya. Ako nakapunta na dito dati? Bakit hindi ko maalala? Kilala ko siya dati? Ang daming tanong ang sumunod sunod sa utak ko.

"Ako yung kalaro mo dati.. ako si Bryle.. ako yung nag tatanggol sayo kapag inaasar ka ng iba pa nating nakakalaro na sipunin." Pagkukuwento niya. Alam kong hindi pa siya tapos kaya tumahimik lang ako at nakikinig.

"Araw-araw magkasama tayo kahit sa pagpasok sa school sabay tayo.. Simula noong sinabi mong gusto mo ako ay hindi na ako lumayo sayo dahil gusto din kita. Sinabi pa natin sa mga magulang natin na kapag tapos na tayo mag aral ay magpapakasal tayo.. Pero lahat ng iyon hindi mo na maalala. Umalis kayo dito dahil may pupuntahan kayo. Nabalitaan ko nalang nagkaroon daw ng aksidente. Nahulog daw sa tulay yung kotse niyo. Nakaligtas naman daw kayong lahat. Kaya pinuntahan kita sa hospital.. pero nung binisita kita hindi mo na ako makilala o maalala... Sabi ng doctor nagka amnesia ka daw at nagka trauma dahil sa insidente.. bawal daw muna ipaalala sayo lahat dahil makakasama sayo." Pagkukuwento niya.

May kinuha siya sa bulsa niya. Bracelet yon na may bilog.. sa loob non ay may space na lalagyan ng maliit at design ng labas ng paru-paro. Bigla ko naalala, may necklace nga pala akong may maliit na butterfly na design.

Tinaggal ko yong necklace ko sa leeg ko at kinuha ko naman sa kamay ni Oliver yung bracelet nya. Pinagdikit ko silang dalawa. Nagulat at nanlaki ang dalawa kong mata dahil bigla syang dumikit. Parang magnet silang dalawa.. parang isang magkaibigan o magka-ibigan na nahiwalay sa isa't isa nang sobrang tagal..

"Bryle may ibibigay ako sayo," sabi ng maliit na batang babae.

"Ano yon?" tanong naman nung batang lalaki.

"Ito 'o bracelet kapartner yan ng necklace ko." nakangiting sabi nung batang babae sabay lahad ng bracelet sa kamay ng batang lalaki.

"Ang ganda naman nito." anya ng batang lalaki.

"Wag mo wawalain yan ha..para kapag umalis kami dito at hindi na tayo magkita.. Pag malaki na tayo tapos nakita kita o nakita mo ako makikilala kita dahil dyan sa bracelet na yan." sabi ng batang babae.

Hindi ko napansin na kanina pa sabay sabay pumapatak ang mga luha ko.. Ngayon ko lang ulit siya nakita.. Ngayon ko lang ulit siya nakasama dito sa lugar na ito.. Ngayon ko lang naalala lahat ng pinagsamahan namin dati nung mga bata pa kami.. At higit sa lahat nakalimutan ko siya.. Kaya pala may napapanaginipan akong batang babae at batang lalaki na magkasama dito din sa lugar na ito...

"B-bryle..." Naiiyak kong tawag sa kanya sabay yakap ko ng mahigpit sa kaniya.

"S-sorry ngayon lang kita naalala..." Naiiyak kong sabi.

"Shh... Okay lang.. at least ngayon naaalala mo na ako kahit papano.." Nakangiti niyang sabi.

Nang tumahan na ako sa kakaiyak ay hindi muna kami nagsalita. Kinain muna namin yung ibang binili ni Oliver I-i mean Bryle. Sa ilang oras na katahimikan ay nagsalita siya.

"Ngayon nagkita na ulit tayo tutuparin ko na yung pinangako natin sa isa't isa.." kita ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa akin.

"Luna.. Can I court you?" Nagulat ako dahil sa sinabi niyang yon. Tumingin ako sa mga mata niya..

"Kung ayaw mo.. kung hindi pa pwede.. kaya kong maghintay. Kahit matagal pa.. nakaya ko nga dati eh ngayon pa kaya.." Diterminadong saad niya.

Bigla nalang ulit tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit pero ang galing niya. Hinintay niya pala talaga ako.. Ang sakit lang kase.. kase nakalimutan ko sya.. Hindi ko na kayang magsalita sa harap niya..

"T-this time.. p-promise me kapag binigyan kita ng chance to court me.. h-huwag niyo na itago sa akin yung totoo.. please lang.." Pagma-makaawa ko.

Hindi ko na kase kaya na may tinago pala sila sa akin akala ko nagkaroon lang ng aksidente akala ko okay na ako akala ko kumpleto na ako pero hindi pala.. all this time yung taong pinangakuan ko nung bata palang ako nakalimutan ko..

"Y-yes.. I-i promise.. Ngayon hindi na kita papakawalan pa.." Naiiyak niyang saad.

"I-i will give y-you my permission to court me.. You're now my suitor Bryle.." Pilit akong ngumiti habang sinasabi ko yung mga katagang iyon sa kanya.

"Thank you.." Halos pa bulong na sabi niya sabay yakap sa akin.
________________________________________________________________________________

Loving You Is My Decision [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora