Chapter 6: Oliver's Secret Place

302 12 0
                                    

Nandito na kami ni Oliver sa Cafeteria grabe 'pag kayo ang nasa sitwasiyon ko mahuhumaling kayo sa kanya, parang may kamukha siyang artista yung sa Kissing Booth

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nandito na kami ni Oliver sa Cafeteria grabe 'pag kayo ang nasa sitwasiyon ko mahuhumaling kayo sa kanya, parang may kamukha siyang artista yung sa Kissing Booth.. si Noah parang siya yon. Pero mas guwapo parin si Oliver.

"Anong pagkain yung bibilhin mo? Ako nalang pupunta para bumili." Sabi niya. Hay nako wala namang sinabi si Hailey sa akin na may pagka gentleman tong si Oliver.

"Carbonara, orange juice tsaka salad." Sabi ko sa kanya.

"Sige, wait lang bibili lang ako." sabi niya.

Bakit kaya hindi niya kasama yung kagrupo niya? Sayang gusto ko pa naman yung pagiging mahangin ni Josh. Ano kayang nangyari ngayon kay Alex nagkaroon na ba sya ng black eye? Hehehe sarap manapak.. Bukas wala namang pasok tsaka meron namang gym sa bahay mag gygym nalang ako tapos aayain ko si Hailey na mag gym.

"Here's your food Miss?"

"Allesia, Luna, Grace. Ikaw bahala kung ano tatawagin mo sa akin." Sabi ko.

"Okay here's your food, Luna."  sabi ni Oliver.

Nginitian ko naman ito at kinuha ang pagkain ko.

"Thanks, by the way magkano yong akin?"  Tanong ko.

"89 pesos.. pero wag mo na ako bayaran, that's my treat." sabi niya.

"Thanks," pagpapasalamat ko.

"Your welcome," sabi niya.

Kumain lang kami pero hindi kami nagkikibuan, wala eh gusto niya akong kausapin pero hindi ko siya pinapansin yung pagkain ko lang inaatupag ko.

Tumunog na ang bell kaya pumunta na kami sa room at nagsimula na mag discuss si Mr. Lorenzana. Pagkatapos non yung sunod naman na subject teacher namin ang nagdiscuss grabe ang daming subject 8 subject kada araw pero keri ko yan. Nakikinig lang ako sa discussion hanggang sa mag class dismiss si Mr. Fortes.

"Okay class lahat naman siguro ng subject teachers nyo ay may sinabing quiz on Monday I'm I right?" Saad ni Mr. Fortes.

"Yes, Sir." sagot naming lahat.

"So dahil mabait ako wala tayong quiz sa Monday. Pero sa Friday tayo mag ku-quiz. Is it okay?" Sabi ni Sir.

"Yes Sir, thank you!" sabi naming lahat.

Niligpit ko na ang gamit ko at eto nanaman... nagsalita nanaman siya. Hindi ko alam kung bakit nalapit tong lalaking to sa akin ngayong araw, may lahi ba tong aso buntot ng buntot eh.

"Ano tara na?" Tanong niya at tinanguan ko na nalang bilang sagot.

Habang papunta kaming parking lot nagtext muna ako kay Hailey.

To Hailey:

Hailey pakisabi nalang kina kuya na hindi muna ako makakauwi agad kase may pupuntahan ako thanks <33

Hindi naman katagalan ay nag reply siya.

From Hailey:

Sige. San ka ppunta?

To Hailey:

Sa langit sama ka? Charot
Hndi ko pa alam tatanong ko pa sa kasama ko.

From Hailey:

Sino naman kasama mo?
Hala may manliligaw kana? O.O OMG! Sige good luck sa date niyo enjoy (●♡∀♡).

To Hailey:

Manliligaw agad diba muna
makikipagkaibigan muna?

"Sino katext mo?" Tanong niya na parang curious.

Bigla naman ako nagulat.

"Ahh si ano.. si boyfriend ko," sabi ko sa kanya.

"M-may boyfriend kana?" Tanong niya.

"Charot lang bawal pa kaya ako magka boyfriend..si Hailey yon," natatawang sabi ko.

"A-ah.." awkward siyang tumawa at tumango-tango siya. "Ano tara na?" Tanong niya at tinanguan ko ulit.

Tinignan ko yung kotse ko kase parang hindi pantay.
At yun na nga ba sinasabi ko eh, flat yung gulong!

Tinext ko naman si Kuya na kung pwede ay paayusin niya tong gulong ng kotse ko at iuwi nalang kase may pupuntahan ako. Sabi niya sige daw at wag daw ako papagabi.

"A-ano Oliver.." sabi ko kay Oliver. Kinakabahan ako pano ko ba to sasabihin?

"Ano yon?" Tanong niya.

"K-kase yong gulong ng kotse ko.. na-flat tinext ko si kuya if pwede siya nalang mag paayos tsaka iuwi niya tong kotse ko." Anya ko.

"Hmmm.." tumingin siya sa akin.

"So.." mahinang sabi ko.

"So?.." tanong niya.

"Ahmm.. pwede makisabay nalang ako tutal aalis naman tayo eh," sabi ko.

"Sabihin mo muna please poging Oliver.." nakangiti niyang sabi.

"Hay, ang hangin ah naramdaman mo?" Tanong ko.

"Sige na nga.." bumuntong hininga siya, tila natalo sa paligsahan.

"Dun ka sa shotgun seat. Wag doon sa passenger seat kasi magmumukha akong taxi driver.." Sabi niya habang pumaikot papuntang driver seat.

Tumawa ako ng mahina bago pumuntang shotgun seat. Habang nasa byahe kame tinitignan ko lang yung mga nadadaanan namin ang ganda... ko.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa lugar na lagi kong tinatambayan," sabi niya.

Dumaan muna kami sa maliit na tindahan dahil may binili tong lalaking to.
Madami na kaming nadadaanan na puno kaya alam ko na kung saan ako dadalhin nito.

Huminto kami sa tapat ng isang kubo. Bumaba siya kaya bumaba narin ako. Pagkapasok namin ay may pinto pa, pumasok siya don kaya pumasok din ako. Akala ko kubo talaga design lang pala kase parang labas pa 'din naman 'to. May nakalatag na sapin doon at umupo kami. Dahil gutom na ako kinuha ko na sa kanya yung binili niya kanina at kumain na ako.

"Ang ganda dito 'no?" tanong niya.

"Oo," sang-ayon ko sa tanong niya. "Lalo na mahangin.. malinis, maaliwalas ang paligid.. at ang gaganda pa ng mga bulaklak.." Dagdag ko pa.

Feeling ko nakapunta na ako dito. Hindi ko lang alam kung kailan.

"Ang saya ko.. hindi ko alam kung bakit. Parang nakapunta na ako dito dati eh diko lang alam kung kailan." Sabi ko. "Alam mo yung feeling na maiisip mo parang nakita ko na 'to. Nakapunta na ako dito dati.. yong ganon." Dugtong ko pa.

Napahawak tuloy ako sa leeg ko may suot akong kwintas na butterfly na maliit. Suot ko na 'to dati pa hindi ko alam kung
sino nagbigay nito sa akin. Pag hawak ko to ang saya ko, kapag malungkot ako hahawakan ko lang 'to, okay na ulit ako.

"Nakapunta ka naman na talaga dito.." mahinang sabi ni Oliver. Pero narinig ko!!

"Kailan?" Tanong ko.

"Hindi mo na ba talaga ako nakikilala?" Tanong niya. Naguluhan naman ako.. ako nakapunta na dito?! Kilala ko ba siya dati?! Kailan?

"Ikaw si Oliver Bryle Sanchez diba, leader ka ng T5, pinapanglaban kayo sa iba't ibang school.." Anya ko. "Tsaka classmate kita.. tama? Am I right? Or left?" Dagdag ko pa.

"Nakapunta kana dito dati," sabi niya ulit.
________________________________________________________________________________

Loving You Is My Decision [COMPLETED]Where stories live. Discover now