Holiday Special

188 9 0
                                    

8 years later..

"Bhe, yung spaghetti kasi dito mo ilagay. Ano ba?!" Kanina pa turo at sabi 'tong si Hailey kay Rafael kung saan ba dapat ilagay yung mga pagkain.

"Ako na nga," padabog na kinuha ni Hailey kay Rafael yung spaghetti at siya na mismo ang naglagay sa tamang pwesto.

"D'yan ko na nilagay 'yan kanina, e.." Pabulong na ani niya na hindi naman nakatakas sa pandinig ni Hailey.

"Dali ka nga rito." Mahinahon na utos ni Hailey na siyang sinunod naman ni Rafael.

"A-aray!" Inda nito nang pingutin ni Hailey ang tenga niya.

"May angal ka, bhe?" Tanong sa kaniya ni Hailey. Pinandilatan siya nito kaya't pekeng ngumiti si Rafael.

"Wala," sagot nito.

Nakaramdam ako ng dalawang kamay na pumapalibot sa aking tyan. Nang tuluyang nayakap niya na ako sa aking likod saka siya nagsalita.

"Merry Christmas." Bulong na bati niya.

"Merry Christmas, love." Lumingon ako sa kaniya at hinalikan ang kaniyang pisngi.

"Why sa pisngi lang?" Parang bata na reklamo niya.

"Saan ba dapat?" Tanong ko.

"Here," turo niya sa ilong, "here, and here." sa noo at labi niya. Tumango naman ako.

"Okay, here, here, and ayan!" Hinalikan ko ang ilong, noo at labi niya."I love you!" Nakangiting sabi ko.

"I love you too, my love." Para siyang batang nahihiya. Mapula rin ang cheeks niya.

He's blushing again!

"Kinikilig na naman ang baby ko.." Pang-aasar ko. Tinakpan niya lang ang kaniyang mukha. Nahihiya na.

"Hala, si Idol nagba-blush!" Hindi makapaniwalang ani ni Josh. Tumawa pa ito ng napakalakas kaya naman nakuha ang atensyon ng iba.

"'Wag mo nang pansinin. Kala mo hindi ka rin gan'yan, e." Ani ni Railey.

"Shh ka lang, bro. Dapat secret lang 'yon, e!"  Pagpapatahimik niya.

"Hey, Allesia!" Tawag ni Hailey, nilingon ko naman siya.

"Help me here." She mouthed.

"Wait lang, ha." I even gave her a hand gesture. Tumango lang siya.

"Love, tulungan mo na lang sila, ha. May gagawin lang ako." Imporma ko kay Bryle.

This is the cutest thing or corny sa iba kapag aalis ako sa tabi niya.

He pouted his lips. Means, magmamaktol 'to mamaya. Tumango na lang siya at tinulungan akong tumayo.

I kissed his lips para naman mabuhayan ang loko. After that, pumunta na ako kay Hailey.

"Anong gagawin?" Tanong ko.

"Help me cook all of this. Can you? Please.." I smiled at her. She knows that I can cook. Kaya wala akong chance na tumanggi.

"Okay." Sagot ko.

She clapped her hands. "Yey, thank you!"

Is she pregnant?

Umiling ako. Kung ano-ano na lang 'yang iniisip mo, Allesia.

Habang inaayos ang mga ingredients, saglit akong napapatingin kay Hailey. If she isn't eating something, hinihimas niya naman ang tiyan niya. It made me think that she is really pregnant.

Napatingin ito sa akin at ngumiti na ginantihan ko rin ng  isang ngiti. Napililitan.

Hindi ko na ulit ito pinansin pa at pinagtuonan na lang ng pansin ang pagluluto. Sinasabi ko kay Hailey ang ibang mga bagay na gagawin niya. Sinusunod niya naman ito.

Loving You Is My Decision [COMPLETED]Where stories live. Discover now