Chapter 3: Sent you a friend request

420 17 0
                                    

"Good morning, Hailey

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Good morning, Hailey." bati ko kay Hailey.

"Good morning din," sabi niya.

"Ang aga mo naman magising," sabi ko.

"Kanina lang ako nagising, tsaka ginamit ko yung shampoo and soap mo wala kasi akong dala, eh.." sabi niya.

"Okay lang... Wait mo'ko ha sabay tayo bababa para kumain ng breakfast." Sabi ko.

"H-hindi na kailangan nagluto ako andon oh sa may lamesa mo," sabi niya.

"Hala.. nag abala ka pa pwede naman si nanay na lang ang magluto.. Kumain ka na ba?" Tanong ko.

"Okay lang wala naman kasi akong magawa... Hindi pa ako kumain sabay na lang tayo pagkatapos mo maligo." Saad pa niya.

"Ahh okay.. Sige wait mo'ko ha," sabi ko habang kumukuha ng towel.

"Oo," nakangiti niyang sabi.

Pagkasabi niya 'non ay pumasok na ako ng C.R para makaligo na. Pagkatapos ko maligo kumain muna kami. Tapos bumaba na, tulog pa si kuya kaya hindi ko na ginising baka kasi napagod siya kakagawa ng plates niya.

Nga pala, 2nd year college na si kuya BS Architecture yung kinuha ng kuya ko, para daw pag gumraduate na daw siya gagawa daw siya ng bagong bahay namin.

Kinuha ko yung susi ng motor ko ayoko muna gamitin yung kotse ko kasi mata-traffic lang kami.

Sumakay na si Hailey sa motor ko kaya pinaandar ko na ito. Hindi naman kami na traffic kaya nakarating agad kami sa school.

"Ahh Allesia, pwede mauna ka na muna mag c-cr lang ako," Sabi niya.

"Sige lang, hinatayin nalang kita sa room," sabi ko.

Habang naglalakad ako papuntang room namin nakita ko si Oliver, mag-isa lang siya hindi niya kasama yung kaibigan niya.

"Bakit siya mag isa.. tsaka ano ginagawa niya don?" Tanong ko sa sarili ko.

Wait bakit parang concern ako. Hayst.. Nevermind.. Nagsalubong ang tingin namin kaya umiwas agad ako ng tingin. Bakit parang nag bablush ako? Ano namang meron don at parang concern na concern ako sa kanya. Hanggang makarating ako sa room namin yon pa din iniisip ko.

"Hey Allesia, okay ka lang ba't parang lutang ka?" Tanong ni Hailey.

"A-ahh o-oo o-okay lang a-ako," pautal-utal kong sagot.

"Sure ka?" Tanong niya ulit. Tumango naman ako.

Nakita kong nandito na din sa room namin si Oliver nakikipag-kuwentuhan siya sa mga kaibigan niya. I think he's handsome kase lagi silang pinagkakaguluhan dito sa school and he is taller than Alex, he is always reading books kaya hindi mo na aakalain na sobrang taas ng grades niya. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatitig sa kanya at napansin yon nina Hailey.

Loving You Is My Decision [COMPLETED]Where stories live. Discover now