Chapter 1

315 8 0
                                    

"MARRRKKKKKKKKK!" Napatunghay ako sa narinig kong sumigaw.

"Mia?" Hindi ko alam bakit nagtitili ito. E busy ako rito sa sakahan namin ni itay.

"Mark hindi may goodnews ako." Nakangiti nitong sabi sakin.

"Dapat ay hinintay mo nalang ako sa bahay. Masyadong mainit rito." Sabi ko.

"Umuwi na mona tayo at kumain. " Sabi na naman nito.

"Ano ba 'yan good news mo?" Natatawang sabi ko.

"Pagdating na bahay. Pinapangarap ko to talaga. Imagine hahahaha." Napapailing ako. Iba ang ngiti niya ngayon.

" 'Pa ito na si kuya mark." Sabi nito sa tatay namin.

"Kumain na kayo. Lumusong na naman kayo sa mainit. Kayong bata na kayo. Kung nandito lang ang mama niyo ay mapapagalitan niyan kayo." Tuloy tuloy sabi ni papa.

Nang kumakain kami ni mia ay tinignan ko ito. "Ano 'yon goodnews mo?" Sabi ko.

"Ay excited malaman." Loka loka talaga ang babaeng to.

"Nakapasa tayo sa St. Holy trinity university." Hindi ako nakakibo dahil sa sinabi nito.

"Maiiwan si papa dito?" Sabi ko.

"Mark.."

"Walang makakasama si papa rito mia." Seryosong sabi ko.

" Huwag mona akong alalahanin mark. Kaya kong magisa rito." Umiling ako.

" Hindi na ako tutuloy. Ikaw mia, tuparin mo ang pangarap mo do'n." Sabi ko tapos sumubo nang kanin.

" Kuya! Pinangako natin kay mama na magkasama tayong tutupad nang pangarap natin." Umiiyak nitong sabi.

" Huwag nga kayong magaway. Tuwing isang buwan ay umuwi kayo rito. Magiingat kayo do'n." Hindi kona alam iisipin ko.

Tumayo ako at lumabas ng bahay. Sa manila ang school na iyon. Pero si papa nandito sa pampanga. Matagal tagal ang isang buwan bago umuwi rito. Pero paano kami mabubuhay ni mia do'n?

" Kuya? Ayaw moba talagang pumunta do'n? Ito na 'yon pagkakataon natin."

" I'm still thinking mia. Pero I don't have choice. Kailan ba ang punta natin do'n?" Tanung ko.

" Bukas po."

" Ang bilis." Sabi ko.

" Oo nga. Pero bukas na tayo pinapapunta nang dean ng university na 'yon. Kaya nga agad agad kitang pinuntahan sa sakahan kanina." Si papa ang inaalala ko.

" MAGKANO ANG apartment na to?" Tanung ko sa kapatid ko.

" 3k sakto na satin dalawa. Dalawa ang kwarto, tapos may sala at kusina na." Kahaliwalas naman nga. Pwede na. Kaso wala pang masyadong gamit.

" Kailangan kong makahanap nang trabaho para makabayad sa apartment na to." Sabi ko.

" Maghahanap din ako kuya." Tinignan ko ito nang matalim.

" No. Ako ang matanda rito kaya ako ang magtatrabaho. Magaral ka ng mabuti." Sabi ko rito.

" Kaya mo ba?" Tumango ako.

Nakita ko ang university kanina. Sobrang laki. Halos hindi kopa nalibutan. Nasa manila na kami magkapatid. Next month ang pasukan. Bukas bibili ako nang gamit namin. Nagluto nang hapunan si mia ako naman inaayos ang bahay.  Bukas naman ay hahanap ako nang trabaho. Hindi kami mabubuhay kung hindi ako maghahanap nang trabaho.

"Mark, kain na." Dinig kong sigaw nito.

"Coming!"

Pagkarating ko ng kusina ay dalawang itlog at limang piraso ng hotdog ang nakita kong ulam na naluto niya. Pero masaya ako kahit ganito lang. Dahil atleast nakakakain kami at hindi kami nagugutom. "Kain na tayo?" Tanung ko sa kapatid ko.

Isa Pang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon