Chapter 2

159 9 0
                                    

Mark's POV

NAGKAROON ako nang trabaho. Pwede na para sa pagaraw araw namin ni mia. Natanggap akong waitress sa isang restaurant dito. Pwede na ang sweldo. Per one month kasi 10k na. Sikat kasi ang napasukan kong restaurant kaya mahal 'yon sweldo. Binigyan ako ng manager ng 2k no'n unang pasok ko. Kaya nakabili na ako nang gamit na gagamitin namin ni mia sa pagpasok namin. Mababait naman ang mga stuff dito. Nakakaclosed kona sila agad. Ang contrata ko full time siya. Pero sabi ko paano pag pumasok na ako.

Papasok daw ako pagkatapos ng school ko. Dahil 24 hours itong restaurant. Pag pumasok ako magiging pang gabi ako. Hindi tulad ngayon na whole day nga. Pero ayos na iyon kesa sa hindi ako makahanap nang trabaho.

Oras nang uwi ko. Bibili nalang siguro ako nang pritong manok para ulamin namin magkapatid. Nasa may manukan na ako nang makakita ako nang store ng mga cellphone. Matagal kona gusto ibili si mia ng cellphone pero hindi ko magawa kasi kapos kami sa pera. Pagiipunan ko nalang. Gift ko sa susunod niyang birthday.

Paguwi ko nakita ko si mia na may hawak hawak nang libro. Nagaaral na naman siya. Main goal talaga namin dito ay magaral lang. Walang halong gimik at kabalastugan. Kinuha kong course ay engine while her is BST, tourism.

Dahil may skolar naman. Kaya nakakaya namin ang bayarin. Kung wala lang talagang skolar, ni hindi namin mapapasukan ang university na iyon. Dahil masyadong mahal ang tuation. Malapit na ang unang pasok. Hindi ko parin alam kung anong magiging kapalaran namin dito. Laki kami probinsiya kaya wala kaming masyadong experience sa city.

"Mia, kakain na. Tama na 'yan kakabasa mo. Gabi na oh, bakit nagbabasa kapa. Gusto mo bang lumabo ang mga mata mo?" Sabi ko ng tuloy tuloy.

"Asus, concern ka na naman hahahahah. Nagbabasa lang ako para pag pumasok na may alam akong isagot. " Tumango tango lang ako.

"Kuya? Kamusta po ang work niyo? Mukha pong pagod kayo?" Nginitian kolang to.

"Ayos naman. Marami lang talagang customer kanina kaya siguro pagod ako." Sabi ko.

"Kuya, 'wag mo naman masyadong pagurin ang sarili mo. Nagpunta tayo rito para magaral." Umiling lang ako. Kaya ko naman ipagsabay ang pagaaral ko at pagtatrabaho.

" Ready kana sa pagpasok natin?" Nginitian ako nito at tumango.

" Excited na ako kuya. Sana lang may maging kaibigan ako diba?" Kita ko sa mukha niya ang saya.

Pumayag lang akong magaral dito dahil pangarap ni mia makarating dito. Ayaw ko naman alisin iyon kasiyahan niya. Alam kong pangarap niya talagang makapagaral dito sa manila.


KINABUKASAN linggo. So, bukas na iyon pasok namin. Walang uniform sa school na 'yon masusuot mo kahit ano. Wala akong pasok ngayon dahil nga linggo. Day off ko. Inaayos kona iyon gamit, nilagay kona rin sa bag ni mia ang gamit na kakailanganin niya. Ako maayos na kagabi pa.

Hindi tulad sa probinsiya. Pag linggo nasa sakahan ako. Ngayon hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nakakabagot masyado.

Namimiss kona si papa...


Caster's POV

UNANG araw nang school. Trasferee ako rito kaya wala pa akong masyadong kilala maliban kay kelvin na dito na nagaral mula grade school. Dahil nanatili ako sa ibang bansa noon. Ni hindi ako nakapagaral dito. Walang uniform, anong klaseng school ang university na to? 2nd year college nako. At kinuha ang engineering.

Alam ko 2nd year na din si kelvin at gail. Kaso nga lang ata ibang department na sila. Tapos si hemerson naman architecture ang kinuha.

Tinignan ko sa bulletin board ang name ko at saan room na ako papasok. Hindi kopa nakuha ang schedule ko kaya wala pa akong alam. Malaki pala ang university ito. Well, university nga. Kaya malaki. Tsss.

Pumasok ako sa unang subject ko. May nakita akong lalaki. So dahil wala na talagang mauupuan no choice kaya tumabi ako sa lalaki sa may likod. Hindi na ako nagsabi ng 'can i seat here' kasi parang tutok siya sa binabasa niya.

Hindi ko nalang siya pinansin. Mukha siyang hindi tiga rito. Nakakaboring talaga. Dumating ang lec namin. Hanggang sa sabi niya nga magpapakilala. Bakit ba sa tuwing unang pasok e magpapakilala? Ulit ulit. Hanggang sa ma - announced no'n lec namin na may dalawang transferee nga daw. Syempre kasama ako sa transferee na iyon.

Nagulat ako nang tumayo 'yon katabi ko. Ngayon ko mas nakita ang mukha niya. Gwapo siya pero mas gwapo ako sa kanya!

"Hi, good morning everyone. I am Mark Salazar. I am 21 years old. I hope we can be get along." Tapos ay ngumiti ito at umupo na.

Narinig ko naman nagsibulungan iyon mga kaklase namin.

"Shet! Ang gwapo niya no? Ang bali balita. Probinsiyano daw siya. Pero ang kutis te! Parang pang manila lang"

'Ohmygod talaga! Magkakagusto na ata ako sa kanya. "

Napapailing ako dahil. Ganito pala ang mga babae sa manila? Tumayo ako dahil ako na ang susunod.

" I am Caster Mendez-Martinez. Thank you." And then umupo ako ulit.

Nakarinig na naman ako nang bulungan about sakin. Nakakairita! I want peace of mind!

"Siya ata ang anak ng isa sa stock holder ng school?"

"Oo. Pinsan ata siya ni fafa kelvin."

"Ohmygod! Siya iyon galing abroad! Kyaaaaaa! Ang gwapo naman niya."

"Shet, girl! Nakatingin siya rito!"

Nakakabwesit! "Kung magsisitsitan kayo d'yan. Pwedeng 'wag niyo nang iparinig samin at sakin. Kasi nakakagambahala kayo. Just saying." Iritadong sabi ko.

They so freaking annoying. Hanggang sa narinig kong magsalita ang katabi ko.

"Don't listen to them. 'Wag mo nalang sila papansinin dahil mas lalo silang magpapansin sayo. Just a advice." Napatulala ako sa kanya. His voice is that deep?

Hindi ko nalang din siya pinansin dahil nagsisimula nang magdiscuss iyon lec. Unang araw, discuss agad! Nakakabwesit!

RECESS TIME!

Dumating ang break time. Sa isang subject, 4hours. Grabe! Sumakit ata ang pwet ko kakaupo. Nakakaantok pa siyang magturo! Feeling ko 4years na akong nakaupo do'n.

Palabas na ako nang mapansin kong hindi ata kakain iyon mark. "Hindi ka kakain?" Tanung ko rito.

"No."

Bakit ata ang sungit ng lalaking to? Wait nga, bakit ba niyaya ko siya? E sa hindi ko naman siya kilala. Tapos narinig kong nagsalita 'yon utak ko.

Kasi alam mo, wala kang makakasamang kakain. Fuck you! Hayssss! Nakakabwesit!

"Hindi ka talaga kakain?" Takang tanung ko.

"No."

Bakit ang cold? "Sure ka? Kung hindi ka kakain, samahan mo akong kumain." No choice. Hinila kona ito patayo.

"Saan mo ako dadalhin?" Kunot noong sabi nito.

"Kakain. Its my treat, 'wag ka nang maginarte d'yan." Sabi ko.

"Tsk."

Unang beses kong magyaya kumain tapos sa isang lalaki pa. Pasalamat talaga ang lalaki to dahil wala ako masyadong kakilala dito. Tsaka pareho naman kaming baguhan.

Nakakabwesit lang. Ang tipid niyang magsalita. Ipis ba siya?!

Ipis?


---

Good morning, guys!

Isa Pang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon