Chapter 45

35 2 0
                                    

Gail's side :>

Gail's POV




UMIIYAK lang ako dito sa kwarto ko. Napaka sama kona ba? Napaka sama kona ba para gustuhin kunin ang lahat ng mana? Napaka gold digger ko ba? Hindi naman ito ang gusto ko. Hindi sa galit ako kina Mia at Mark, naiinggit ako. Mahal ko si mom and dad, pero kinakain ako ng inggit ko. Hindi ko alam bakit ganito ako. Hindi ito ang gusto ko.






"A-ang sakit." Sobrang selfish kona.




Lahat nang ginawa ko ngayon ko narealize. At nang malaman kong buhay si Mark, feeling ko niloko ako ng lahat. Si Caster pa. Ano bang wala ako na meron sila? Habang umiiyak ay narinig kong may kumatok.




"Ano ba?! Sabi nang 'wag akong iistorbohin----" anong ginagawa nang lalaking 'to dito.





"TS. WHY ARE YOU CRYING AGAIN?" pakealam ba niya.




"Kung pinapunta ka ni Dad dito, just go, Cleo! I'm fine, sanay akong magisa." Sabi ko tapos humiga at nagkumot hanggang sa macover ang buo kong katawan.




"Tss. You hard headed, sabi ko naman sayo na wala kang laban sa mga totoong anak." Bakit ba pinapamukha niya na hindi talaga ako anak.




"Go away, Cleo!" Sigaw ko.




"Tutulungan kitang hanapin mga magulang mo." Hindi ako kumibo. Hindi ko kailangan hanapin ang mga totoo kong magulang. Kung mahal nila ako dapat hindi nila ako pinamigay sa iba.





"No need because I don't want to." Malamig na sabi ko.





"Pero magulang mo pa din sila. You need to look after them. Kaya nga nandito ako. Tutulungan kita para mahanap sila. Ayaw mo no'n? Makikilala mo ang totoo----" umalis ako sa pag kakatulakbong.




"Ano bang pakealam mo, Cleo?! Pag sinabi kong ayoko, ayoko nga! Hindi ko sila kailangan! Hindi ko kailangan hanapin sila. Kasi nandito ang mga magulang ko! At mas lalong hindi ko kailangan makilala sila!" Hindi ko alam bakit umiiyak ako. Ayoko naman talaga sila makilala at makita.




Hindi ko sila hahanapin. Hinding hindi! Hindi ko sila mapapatawad. Pinamigay nila ako. So it means hindi nila ako mahal. Kung talagang mahal ka nila, hindi nila ako ipapamigay sa iba. Bakit ba nangyayari sa'kin 'to?




"Gail, listen to me." Tumungin ako rito.




This is the first time he look at me like that. Pinahid niya ang luhang umaagos sa pisngi ko. Bakit ba ginagawa niya 'to? Ano ba ang kailangan mo sa'kin Cleo?!





"I won't listen to you! Umalis kana Cleo! Alis! Umalis kana! Get out!" Pagtataboy ko rito.




"Iiwan mona kita. Mamaya na kita kakausapin." Hindi ko siya pinansin.




Niyakap ko lang ang mga tuhod ko. Iyak lang ako ng iyak. Sana maging maayos na si Caster. Mas nasasaktan ako kasi walang may gusto magmahal sa'kin. Kasi alam nila napaka sama ko. Pero hindi nila alam ang nararamdaman ko. I'm in pain inside.





Nakakapagod na. Pagod na pagod na akong magpanggap na matapang ako kahit na sa loob loob ko napakahina ko. Tumunog ang phone ko. Hindi ko tinignan ang caller.




"I hope your okay, Gail." Boses ni Cleo. "I mean, yes, i was mean to you. Pero dahil sinasabi ko ang totoo. Ayokong maging plastik sayo. Sinasabi ko lang ang totoo. Ayokong---"




Isa Pang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon