Epilogue

586K 11.7K 3.4K
                                    

Epilogue

Cool na cool na nagda-drive si Luke ng van. Sakay ang asawa niyang si Charisse at ilan sa mga tigers. 

"LETSUGAS KA PALERMO! BAKA GUSTO MONG BILISAN! AAAAH! MANGANGANAK NAKO!!"

Ngumiti si Luke saka tumingin sa asawa niyang kabuwanan na at isusugod nila sa ospital dahil manganganak na ito. 

"Hon, kalma kalang. Makakapaghintay ang first baby natin." Anito habang cool pa ring nagmamaneho ng sasakyan. 

"PUNYETANG TINGTING KA!"

"Hahahahahaha!" Nagtatawanan lamang sina Drei, Jerome at Kit na sakay din sa van. 

Si Luke ay mapupunit na ang labi sa laki ng ngiti. Paano'y para sa kanya, gusto nyang namnamin ang feeling na magkaka-anak na siya. Na lalabas na ang first baby nila. 

Wala silang kaalam-alam na na buntis na pala si Charisse nung ikinasal sila. Hindi lang talaga agad napansin dahil hindi naman tabain si Charisse. Isa pa, hindi ito nakaramdam ng paglilihi. 

Ayon sa mga may nakakaalam, meron daw talagang buntis na hindi naglilihi. Kaya naman no'ng malaman nilang buntis si Charisse at nagmaktol si Luke. Gusto daw niya kasing maranasan na naglilihi si Charisse para magawa niya 'yung mga effort na para sa buntis. 

"Gago, Palermo! Baka naggagapang na ang anak mo, 'di pa tayo nakakarating sa ospital! Alam kong may pagka-abnormal ka, pero bilisan mo na ang sasakyan!" Sigaw ni Jerome. 

Sinamaan sya ng tingin ni Luke. "Marunong kapa saken? Tangnang 'to. Video-han mo ako habang nagda-drive. Kita dapat asawa ko ha. Para makita sa video na manganganak na siya." Sabi ni Luke. 

Nag-poker-face ang tatlo sa sinabi ni Palermo. 

"Letse ka talaga, tingting ka! Pag hindi mo pa binilisan ang pagmamaneho! Hihiwalayan kitang sira ulo ka!" Sigaw ni Charisse na hirap na sa lagay niya. 

"Putek!" Sigaw ni Luke saka pinaharurot ang sasakyan. Bigla itong nakaramdam ng matinding kaba. 

Nang maikasal sila ni Charisse at mas pinatunayan niyang nagbago na talaga siya. Malandi pa rin siya--pero sa asawa nalang niya. Kapag may lumalapit sa kanya, tinatanggihan niya at umiiwas sya. Minsan naman ay nagpapanggap siyang bakla para layuan na siya ng mga babae. 

Masaya ang pagsasama nila bilang mag-asawa. Doon sila nakatira sa condo unit ni Luke. Minsan ay nasa Palermo mansion sila, minsan ay nasa bahay nila Charisse. Hindi na pinag-trabaho ni Luke si Charisse mula nang malaman niyang buntis ito. 

"PALERMOOO!!"

"Hey, hon! Mabilis na takbo ko! Ayy--putek! Red light. Shit! Wag moko hihiwalayan. Utang na loob. Red light! Red light!"

"Hahahahahahahaha!" Tuwang tuwa sina Drei, Jerome at Kit sa reaksyon at pinagsasasabi ni Luke. 

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon