Chapter 2 ♣ Hired

741K 10.3K 1.3K
                                    

Charisse POV

Medyo kinakabahan ako. Narito na'ko sa Palermo Enterprises. Kakatapos lang kasi ng interview. Nakapasa kaya ako? Sana naman para magka-trabaho na'ko. 

"Miss Alano." Tawag nung babaeng nag-a-accomodate sa'ming mga nag-a-apply. 

Tumayo ako saka pumasok sa loob ng office. Naupo agad ako sa harap ng table ng HR Manager. 

"Miss Alano."

Ngumiti ako. "Yes Ma'am."

"Okay naman ang credentials mo. At okay din ang result ng interview mo. So, hindi ko na patatagalin pa. You're hired. A week after, mag-uumpisa ka na as secretary of the CEO."
As in? "C-CEO po?" Di ako makapaniwala. Natanggap akong secretary at ang malupit pa nito, secretary mismo ng big boss ng kompanya? I'm so lucky today!

"Yes Miss Alano. CEO. Tatawagan ka namin for updates. Congratulations." 

Tumayo na ako at nakipag-kamay sa HR Manager. "Thank you po!"

Lumabas akong luhaan--LUHAAN sa saya! Shemay natanggap na ako! One week na lang at may trabaho na'ko. Isa pa, hindi lang basta kompanya ha? Palermo Enterprise 'yan. Isa sa pinaka-successful na kompanya sa buong Asya. 

Hindi ko namalayang narito na'ko sa labas ng building dahil lutang na lutang ako. May trabaho na ako! Hindi pipitsuging posisyon. Secretary ako ng CEO!

Good news for my family!

Dinukot ko ang phone ko sa bag ko para tawagan ang aking BFF. 

"Hello Aileen? YAAAAA! Tanggap na ako! May trabaho na ako!" Sigaw ko. Hindi ko ma-explain yung kasiyahan na nararamdaman ko. Grabehan!

[Really? Congrats! Pakain ka naman!]

Umingos ako. "Pakain ka dyan! Next week pa'ko magsisimula 'no." Sabi ko habang nakatingin sa dinadaanan ko. Naglalakad na'ko papunta sa sakayan ng jeep pauwi sa bahay namin. 

[Basta Bessy sa unang sweldo, libre!]

Talaga 'tong si Aileen. "Oo na. Mukha ka ng libre. Dapat manlibre ka din kase may trabaho kana!" 

[Next time na. Mas bigatin ka. Sa Palermo Enterprise ka diba?]

Napangiti na naman ako 'pag naririnig ko ang Palermo Enterprise. Heaven kasi. "Oo dun nga."

[Ang swerte mo! Alam mo bang pag-aari 'yun ng Luke myloves ko?]

"Luke..aha! Luke Palermo?" Pag-aari pala nila yun?

Si Luke Palermo, one and only crush ng BFF ko mula pa nung college kami. Ang galing kasing mag-basketball tapos ang gwapo pa. 

[Yes Bessy! Si Luke ng tigers! Kyaaaa! Nakakainggit ka!]

"Baliw. Secretary ako ng CEO. For sure 'yung tatay 'yun ni Luke. Ikaw talaga. Sige na!" Paalam ko. 

[Fine. Sa susunod susubukan ko nga din mag-apply dyan. Haha. Bye, bye!]

Sumakay na'ko dito sa jeep. Napasandal nalang ako at napangiti sa kawalan. Ganito pala yung feeling na naka-achieve ka ng isang bagay na maipagmamalaki mo. 

Grabe talaga. Hindi pa man ako magsisimula, na-e-excite na'ko. 

--

Luke POV

"Seryoso mo brad." Puna sa'kin ni Ken. Dito kasi ako sa bar niya. 

Galing ako sa kompanya at pinaghahandaan na talaga nila ang pagdating ko don. Ikaw ba naman magkaroon ng big boss na ubod ng gwapo? Kundi ka ba naman ma-perfect attendance. 

"Wala brad. Medyo antok lang. Langya! Pinuntahan ako ni Rocher kanina sa condo ko. Sakto namang kasama ko si Auro--Aira pala."

Paksyet naman kasi. Hindi ko maiwasang hindi ibigay sa mga chikababes ko ang adress ng unit ko. Lahat ba naman ng nagiging babae ko, dinadala ko dun. 

"Sinong Rocher? Di ko yata kilala 'yun brad?" Nakakunot-noong tanong ni Ken saka tinagayan ng alak ang shot glass ko. 

"Si Rocher! Yung two days girlfriend ko. Kasama ko pa yun dito nung isang gabi. Tch." Sabi ko. 

"Hahaha. Gago brad! Si Rochelle yata ang sinasabi mo."

Rochelle? "Ah! Oo nga. Rochelle pala."

"Langya brad. Sa dami ng babae mo, di mo na matandaan ang mga pangalan nila. Hanep ka talaga! Mag-memo plus ka nga! Ako tanda ko lahat ng pangalan ng flings ko." 

Tch. Sa hindi ko matandaan eh. "Okay lang na makalimutan ko ang pangalan nila. Sila rin naman eh, once na ma-i-kama ko na sila, nalilimutan rin nila ang mismong pangalan nila." Tama diba? Ako pa ba? Luke Palermo 'to. 

"Haha. Lakas mo talaga brad. Parang may instant bagyo na dumaan ah." Tatawa-tawa pa 'tong gago na 'to. Sapakin ko kaya 'to? Tch. 

"Gago!" Sabi ko. 

"Easy man. Tingnan mo 'yung chicks na yun sa isang table. Ang lagkit ng tingin sa'yo oh."

Napatingin ako sa tinuro ni Ken. At nakita ko ang babaeng naka-mini-skirt at tube. Nakatingin nga sa'kin. Tch. Kaya ayokong masyadong naglalalabas eh. Na-e-expose ang ka-gwapuhan ko. Syet!

"Watch me." Sabi ko saka tumayo. 

Nilapitan ko sa table 'yung babaeng makatingin sa'kin ay parang wala ng bukas. "Hey baby." Bati ko saka naupo sa may table niya. 

Agad naman niyang ikinawit ang mga braso niya sa may batok ko. "Hey handsome."

Tsk. Para akong magnet eh. Isang salita ko palang, mapapakapit ka na talaga. Haha. 

I looked at her in seductive way. "Are you free tonight?" Tanong ko. 

"Kung ang isang tulad mo ang magtatanong, I'm free forever." Sagot nung babae. 

Kitam? Forever talaga. Langya oh! Tindi talaga ng karisma ko. 

"Then come with me baby." Sabi ko saka siya dinampian ng simpleng halik sa may leeg niya. 

She bit her lip then grabbed my head to kiss me. This fvcking chick, she's turning me on. I like this kind of girl--aggressive. 

Hinayaan ko lang sya sa ginagawa niya. Sanay na ako sa ganito. Kahit pa sa public place, wala akong pakialam kung landiin man ako ng mga babae. 

Syempre. Para makita ng mundo na maraming nahuhumaling sa akin. 

Bahagya ko siyang inilayo sa'kin. "It's better if we have..." Inilapit ko ang labi ko sa tainga niya. "BED."

"Sure! I like that idea." Sabi nung babae saka ako hinila patayo. 

Sinenyasan ko nalang si Ken na napapailing sa'kin. Di pa ba sila nasanay? 

Proud casanova ako. Papalit-palit ng babae. Pag nagsawa sa isa, hahanap ng iba. Parang ulam lang yan. Pag pinagsawaan na yung isang putahe, syempre maghahanap ka ng ibang putahe. Wala eh. Ganito na talaga ako. 

This is me. This is my life. And this is my rule. 

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon