Chapter 32 ♣ Dream

465K 7.9K 1.6K
                                    

Luke POV

"Sa halip na atupagin mo ang kompanya, inuuna mo pa ang kalandian mo. Tch. Hindi sa lahat ng pagkakataon, puro pasarap ka lang."

Tangna. Kanina pa ako badtrip. Ang ganda na sana ng gabi ko dahil kasama ko si Charisse kanina tapos biglang ganito? May anomalya na sa kompanya na hindi ko alam. 

"Kaya ka nga nandito diba? Para maiwasan ang anomalya? Hindi ba't aware ka naman sa tangnang Mr. Dela Cruz na yun na may balak sya dito sa kompanya ko?!"

Inambagan ako ni Lorence. Nandito kami sa office ko sa kompanya. "Gago ka pala eh! Hindi porket nandito ako, aasa kana lang saken! Tangna! Hindi mo pa mapanatili ang kaayusan sa kompanya mo! Puro babae ang inaatupag mo. Pati sarili mong secretary, nilalandi mo. Kaya pati ibang papeles, nade-delay na!"

"Tangna wag mo dadamay si Charisse dito!" Sigaw ko. 

Ngumisi siya. "First name basis. Tangna talaga Palermo eh! Magse-secretary ka ng girldfriend mo? Kung di ka ba naman malanding gago ka. Gusto mo ano? Laging andyan lang? Kadikit mo. Tch! Walang mangyayari sa kompanya mo kung uunahin mo yang babae mo."

Hinawakan ko sya sa kwelyo nya. "Hindi lang siya basta babae!"

Ngumisi na naman ng nakakaloko ang kapatid ko. "Oh edi hindi! Ang point ko, hindi porke nandito ako, pababayaan mo na ang kompanya mo! Tangna wala dapat akong pakialam dito dahil sayo 'to, at hindi saken! Kung hindi lang nakiusap si Papa na tulungan ka hindi ko 'to gagawin!"

"Edi salamat! Tch. Utang na loob ko pa sayo ha? Ha? Tangna! E'di pabayaan moko, at ako ang lulutas mag-isa sa anomalya dito!" Sigaw ko. 

Mamaya masusuntok ko na'tong kapatid ko. 

"Aba, matapang ka na?! Malulutas mo mag-isa ha? Paano? Paano mo malulutas ang anomalya kung puro babae mo ang inaatupag mong gago ka? Ha? Sabihin mo? Kung ako sayo, isantabi mo muna yan! Unahin mo ang kompanya kung ayaw mong basta nalang 'tong bumagsak. Tandaan mo, isa ito sa pinaghirapan ni Papa."

Hindi ako makapagsalita. Tangna, dahil tala siya. Ang kompanyang ito ay isa sa original building, unang building na pinaghirapan ni Papa. At hindi ako sigurado kung kaya kong iligtas ito na mag-isa. Fvcking hell!

"Tapos na ba kayong magsigawan at magmurahan?"

O____O

Fvck. That voice..

Napalingon kami ni Lorence sa nagsalita. At laking gulat ko nang makita ko si Papa. Nakaupo sa dulo. Kanina pa ba siya don? Nakikinig sa'men? Fvck. 

Tumayo si Papa saka lumapit sa'men ni Lorence. "Tinatanong ko kayo, tapos na ba kayong magsigawan?!"

Hindi ako umimik. Takot ako kay Papa. Mabait siya sa mabait pero iba siya magalit. 

"Lorence, lumabas ka. Mag-uusap kami ng kapatid mo." Sabi ni Papa. 

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon