Chapter 3 ♣ Chicks

662K 9.7K 972
                                    

Charisse POV

Ilang araw na ang lumipas. Pero ang matindi nito, ngayon na ang first day ko sa Palermo Enterprises. Ohmy. Kinakabahan ako na na-e-excite. 

Kanina pa'ko nagsa-sign-of-the-cross dito sa jeep na sinakyan ko. Naka-formal attire nga pala ako. Secretarial position yung trabaho ko eh. 

Two-inches heels ang suot ko at medyo hindi pa ako sanay. Hindi naman ako pwedeng mag-flat shoes dun. Hindi yun basta-bastang kompanya. 

After one million seconds, tumigil na ang jeep dito sa Palermo Enterprises building. Napakalaking building. Grabe nakakalula sa taas. 

Pagpasok ko sa entrance, pinakita ko lang 'yung I'd ko. Yung ID ko nga pala, nakuha ko nung isang araw. 

Dumiretso ako dito sa HR Department dahil sila ang magga-guide sa'kin. 

"Goodmorning Ma'am." Bati ko. 

"Goodmorning Ms. Alano. Let's proceed to your working area." 

Sumunod nalang ako sa magga-guide sa'kin. Sumakay kami ng private elevator hanggang makarating sa 58th floor. 

Ang daming working station ang nadaanan namin bago makarating dito sa may dulo kung saan may isang kwarto na gawa sa salamin. Pero hindi kita yung nasa loob. Sa may labas ng pinto ng kwartong iyon ako dinala ng nagga-guoide sakin. May working station na solo dito. 

"This is your working area Ms. Alano. Na-trained ka na naman nung pinapunta ka nung isag araw kung anu-ano ang mga trabaho mo bilang secretary ng CEO ng company."

Nung kinuha ko yung I'd ko, nag-train muna ako nun. Madali lang naman. Taga-ayos ng mga papeles at schedule tapos taga-sagot sa mga tawag bago ipasa sa CEO. Kailangan ko lang maging maingat lalo na sa schedules. Bawal akong magkamali. Kailangang ma-iremind ko agad ang CEO at least one hour before the meeting. 

"Maaari ka ng magsimula ngayon. Goodluck." Sabi nung nag-guide sakin saka umalis na. Ipinatong ko sa table sa gilid ang shoulder bag ko saka naupo na. Inayos-ayos ko muna yung table ko. 

Grabe lang talaga. Diko pa din ma-imagine na nagta-trabaho na ako ngayon sa isa sa pinakamalaking kompanya sa bansa. 

Kinakabahan pa ako kase hindi ko pa nami-meet si Mr. Palermo, ever. Baka mamaya masungit pala siya. Syempre matanda na yun, hindi mawawala sa kanila ang pagiging masungit at reklamador, parang ganon. 

Tumunog ang intercom. "I heard, I have new secretary. Come here at my office and introduce yourself."

Kinabahan ako bigla. Si Mr. Palermo tumawag sa intercom at pinapupunta ko sa loob para introduce ang sarili ko? Waaaa. Kinakabahan ako talaga. 

Pero teka nga, bakit parang ang ganda ng boses ni Mr. Palermo? Parang ang bagets ng boses. 

Never mind. Tumayo na ako at inayos muna ang sarili. Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pinto saka binuksan iyon ng dahan-dahan. 

Then there, pagpasok ko. Yung swivel chair ni Mr. Palermo, nakatalikod sakin kaya di ko pa siya makita. 

"Goodmorning Sir. I'm Charisse Alano, your new secretary. I'll do my best to prove that I deserved this position."

Dahan-dahang humarap sa'kin ang swivel chair. 

"So you're Charisse Alano."

What the.....hell. B-Bakit si Mr. Palermo 'to? Yeah. As in Mr. Palermo! Anak ni Mr. Palermo!? Luke Palermo na miyembro ng Tigers na pumasok sa Shin-Woo University na kaibigan ng first love kong si Kyle Shin-Woo na crush ng bestfriend kong si Aileen Diminsil?

"Surprised?" Tanong niya. 

Napalunok ako at pilit na inaalis ang kaba sa dibdib ko. "Of course. I thought you are.."

"You thought I am my father, right? Now. You're wrong. I'm the new CEO of this company. Kaya nga nag-hired sila ng bagong secretary for me. Ayoko kasi ng matandang dalagang secretary. I want...chicks."

Spell nganga? "W-What!?"

"Hindi ko na uulitin ang sinabi ko. Don't forget that I am your boss."

Shocks. Ang sungit niya pero di talaga kayang mag-sink-in sa utak ko ang sinabi niya kanina. Ako, chicks? 

"I'm sorry sir." Hinging paumanhin ko. Bahagya pa akong nag-bow. Yung dibdib ko ang lakas pa din ng kabog. 

"You can go. I just want to see you, that's all."

"O-Okay sir." Sabi ko at dali-daling lumabas ng private office niya. 

Paglabas ko ng pinto, agad akong napahawak sa dibdib ko. Shemay! Bakit si Luke Palermo ang boss ko!? 

Parang 'di ko matanggap na ewan, basta! Aish. 

--

Luke POV

It's funny how Charisse reacted after seeing me.  

Akala niya siguro, Papa ko ang big boss niya. Pero nagulat siya dahil isang gwapong nilalang na nagngangalang Luke Palermo ang magiging boss niya. 

Sa itsura niya kanina, na-stunned siya sa ka-guwapuhan ko. Lakas ko 'no? Gwapo eh. Given na yun. Sanay na ako sa mga ganong reaksyon ng mga babae 'pag nakikita nila ako. 

By the way. Charisse Alano, pamilyar siya sakin. Hanggang sa napagtanto kong siya pala ang pinsan ni Chelsea Torres Shin-Woo. 

Pero teka. Hindi porket pinsan siya ni Chelsea ay magiging bias na ako. Hindi. Isa pa, hindi ko siya type. Ang gusto ko sa mga babae, sexy. Yung pwedeng-pwedeng i-kama.  

Sa totoo lang, may secretary na naman dito. Yung secretary pa ni Papa pero ni-request ko na palitan ng mas bata. Ayoko sa matandang dalaga. Baka mamaya, pagsamantalahan pako. Tch. Allergic pa naman ako sa mga kulubot na ang balat. 

Ngayon, simula na ang trabaho ko bilang CEO. Matino naman ako pagdating sa trabaho. Aminado naman ako. 

Sa babae lang ako hindi matino. Kaya nga sa lahat ng babaeng may pagnanasa sa'kin dyan, pati na yung pinagpapatansyahan ako, isa lang ang masasabi ko..

Don't dare to fall in love with me..

*

To be more updated!

Facebook: Pinkyjhewelii WP
Twitter: pinkyjhewelii
Instagram: pinkyjewell
Youtube Channel: Jewell Diaries

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon