Chapter 28 ♣ Chance

479K 8K 991
                                    

Charisse POV

Nakasimangot ako. In other word, nakabusangot ang mukha ko. Kainis kasing Palermo. Napaka-bipolar. 

Act like one..

Psh! Act like one his ass. Eh siya? Nag-a-act ba siya as my fake boyfriend? Ang landi landi nga niya. Pati bestriend ko, arrrrghhh! Tatamaan na talaga sa'ken 'tong si Palermo eh. 

"Pati pintor aayawan i-pinta ka dahil sa mukha mong nakabusangot. Tch."

=__=

"Saan mo ba ako dadalhin na naman? Hand carry ba ko? Lagi mo kasi akong binibitbit eh kung saan saan eh. Psh." 

"Sa bar."

Bar again? Damn. Sawang sawa na ako sa bar. Juice colored! Makikipaglandian na naman siya don. Tapos isasama pa ako. Ano ako, anino nya? Alalay?

"Bar lang pala. Bat kasama pa ako? Makikipaglandian ka rin naman don. Iiwan mo din naman ako sa ere kaya sana di mo na ako isinama." Sabi ko. 

Totoo naman eh. Lage nya akong kasama sa bar. Pang-sangga daw ako sa mga lalandi sa kanya. Eh bobo ba sya? Isang lapit lang ng babae. Maririnig ko na ang famous line niya na puno ng kalandian. Psh. Tapos iiwan lang ako sa bar. Kung di ba naman nakakainit ng dugo. 

"Hindi ako makikipaglandian. I promise. Kapag may lumapit na babae saken, ipapakilala kitang girlfriend ko. Kaya wag ka ng magsungit dyan. Tch."

Wow. Naiba yata ang ihip ng hangin? Si Luke Evans Palermo? Hindi makikipaglandian? It's a miracle! Papainom nga ako sa mga tambay sa kanto namin. 

=_=

Hindi nalang ako sumagot. Nasasapian yata ng katinuan si Palermo ngayon. Tingnan lang natin mamaya sa bar kung makapagpigil ka. 

Ilang saglit pa ay itinigil na ni Luke ang kotse sa tapat ng bar ni Ken. Bumaba na kami. Nakasunod lang ako sa kanya. 

Pumasok kami sa loob. As usual, maingay, magulo, amoy alak at amoy yosi. Amoy malalandi pa! Saan ka pa. Kaya siguro naglipana ang mga higad dito. 

Lumapit muna si Luke sa bar counter. Aba, may dalawang higad agad na lumapit. Mukhang kating-kati na. Kung makakapit sa braso ni Luke, psh! Unggoy lang mga te? Lambitin pa sa braso! 

Si Luke ngiting-ngiti habang kausap yung dalawang babae. Sinabi na nga ba, hindi makakapigil 'yang Palermo na 'yan eh. Makakatanggi ba 'yan sa laki ng boobs nung nasa kanan niya? Parang binomba sa laki eh. Sinasadya pang idikit sa katawan ni Luke. Yung nasa kaliwa naman, naka-p*kp*k short. Sana nag-panty nalang siya, ano po?

Nakatingin lang ako kay Luke. Bwisit talaga! Mga higad!

"Let's go to my place, baby." Sabi nung isa. 

"No. At my place." Sabi naman ng isa. 

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon