Chapter 31 ♣ Love

507K 8.1K 933
                                    

Charisse POV

Juice colored. Iligtas nyo po ako sa kasalanang paparating ngayon!

Nag-sign-of the-cross pa ako bago sumunod kay Luke papasok ng condo unit niya. Eto na yun eh! Waaaaa!

"Babe.."

WAG PO! Yung boses ni Luke, nang-aakit. Shems naman! "A-ah, bakit Luke?"

Tumitig siya saken. Pababa sa katawan ko at ang tingting! Parang pang-XRAY ang mata. Hinuhubaran na yata ako sa titig eh. Nakaka-ilang tuloy. 

"Let's go to my room."

O____O

Harujusko! Eto na ba 'yun? Ang talande ko ngayon! Ba't di ako pumapalag kay Palermo ngayon?

Dahil gusto mo din..

Letseng konsensya! Hindi naman sa gusto din, kasi ano..ah, kasi..ano ba yan!

"Hindi ka ba nagugutom, Luke? Kain tayo." Pag-iiba ko ng usapan. Try lang. 

"Yeah. I'm hungry. And I want to eat you."

O_______O

"Ba-bas-bastos mo!" Nauutal na sigaw ko. Sigurado pulang-pula na ang mukha ko ngayon. 

Lumapit si Luke sa'ken. At..

O_______O

Geez! Walang pakundangan ang lalaking 'to! Basta nalang akong hinalikan! At eto naman ako, tumutugon. Kalandian alert!

"That's it. I'm full. Now, can we go to my room?"

O____O

Hinalikan lang ako, nabusog na? Yung TATAA?!

"A-ano, Luke kase bakit kelangan nating pumuntang kwarto mo?" Tanong ko. Oha! Pa-inosente ako. 

Tinitigan na naman niya ako. May talent talagang mang-akit 'tong si Palermo. Pak na pak eh. Naaakit na ako eh. 

"Maglalaro tayo ng chess sa kwarto." Naka-poker-face na sagot niya. 

Letseng tingting 'to! Pilosopo. "Psh. Ano nga? Bakit? Ahm, I mean, ayan oh may TV naman. Tara nuod nalang tayo tapos snack tayo! Or ikaw mag-beer ka." Mabilis na suhestyon ko. Baka magbago pa isip eh. 

"You're all I want, Charisse. So stop suggesting some shit."

O____O

Jusko. Sinasapian na ng kalandian si Palermo. What to do? Eh nahihiya ako. Gagawin ba talaga namin 'yun? Hindi ba pwedeng parang kusa nalang mangyari? Hindi ganitong planado? 

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon