Chapter 43

462K 8.6K 803
                                    

Charisse POV

Spell awkward? Fine. Nandito lang naman ako sa isang mamahaling restaurant. Nasa pang-apatang mesa. I'm sitting here then kaharap ko ang dalawang gwapong lalaki--Palermo brothers to be specific. 

Why? Kasi nagyaya mag-lunch si Lorence. Treat daw niya kase successful 'yung sa Hongkong. And then, sakto namang labas ni Luke kanina. Kaya ang nangyari? Umusok na naman ang ilong niya sa inis kaya hindi niya pinalampas! Inuto-uto pa niya si Lorence para makasama sa lunch namin. Kahit kelan talaga. 

Natatawa na nga lang ako sa mga face reaction ni Luke. Ang cute niya kasi magselos. Parang bata. Oo, natatawa na ako kasi okay kami. At magaan na ang loob ko sa kanya. Wala ng inis o hatred. Wala na ding sama ng loob kasi alam ko na ang reasons niya kung bakit bigla niya akong sinaktan. Forgiven na. 

"Kain ka pa nito oh. Masarap 'to. Spec--"

"Hindi masarap yan. Nakain ko na yan. Tch muntik pa akong masuka. Kaya wag mong subukan yan."

Nagpokerface ako. Kanina pa nagbabarahan ang dalawa. Kulang nalang mag-debate sila. Nagsisimula palang kaming kumain pero ayan, nagbabarahan na agad. Talaga naman, oo. 

Pilit na ngumiti si Lorence. "Ah, here. This wine is good. The best ang la--"

"Fvck! Isang inom ko lang nyan, hilong hilo na ako agad. May trabaho pa mamaya kaya 'wag kang iinom niyan. Mahihilo ka lang! Magkaka-hangover kapa." Sabat naman ni Luke. 

I sighed. Di na ako makapagsalita sa kanila. Kukuha na sana ako ng steak nang unahan na ako ni Lorence. "This one taste good." Aniya. 

Si Luke, hindi niya ako magawang asikasuhin dahil bawal. May nanonood pa din sa bawat galaw niya. Kaya ayan, hanggang salita at pag-sabat nalang siya. 

"Accckk. Panis na 'yan! Wag mong ipakain kay Miss Alano, Lorence." Sabi ni Luke. Todo face expression pa 'yan. 

I rolled my eyes. Baliw na Luke talaga. 

"Asshole. Kumain ka na dyan. Tch." Sabi ni Lorence saka ngumiti sa'ken. "Kain ng madami."

Sumimangot lang si Luke saka kumain na. Kumain na din ako. Hay, salamat. Natahimik din ang mesa namin. 

Napansin kong maya maya ay nag-usap na ang dalawa about sa business. Napaisip tuloy ako, hindi pa din kaya naso-solve ni Luke ang anomalya sa Palermo Enterprises? Nakikita ko naman kasi kay Luke na ginagawa niya ang lahat para mai-salba ang kompanya niya. Malaki ang naging pagbabago niya. 

"Charisse, ihahatid na kita mamaya sa bahay nyo." Basta sabi ni Lorence. 

Nanlaki ang mata ko. Lorence naman, bakit sa harap pa ni Luke? Eh isa't kalahating seloso 'yan. Psh. "Ah.."

"Miss Alano, mag-overtime ka mamaya. May malaking project akong inaayos sa company." Sabat ni Luke. 

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon