Chapter 20 ♣ Courting

537K 8K 804
                                    

Charisse POV

Maaga akong pumasok kanina. Bukod sa maaga akong nakatulog kagabi dahil sa inis kay Palermo, alam kong marami akong gagawin ngayon dahil may appointment sa bagong company na idi-deal ni Sir Lorence. 

Nandito lang ako sa table ko. Si Sir Lorence nasa loob ng private office at as usual, si Luke hindi pa dumarating. Magla-lunch na pero wala pa sya. Parang mula nang dumating si Sir Lorence, pinaubaya na nya ang kompanyang pag-aari niya. 

Abala ako ngayon sa pagtipa sa desktop ko. Ang daming aasikasuhing papeles at ang dami ko pang ipi-print na kung anu-anong pinadala sa email ng ibang kliyente. Meron pa akong aayusin na galing sa fax machine. Iba talaga kapag malaking kompanya. 

"Miss Alano, let's go."

O_O

Nagulat ako nang bigla kong marinig ang boses ni Sir Lorence. At..nakatayo na siya sa harap ko. 

Saan pala kami pupunta? May meetings ba kami outside the company? Parang sa pagkaka-alam ko ay wala. 

"Saan po tayo pupunta sir?" Tanong ko. 

"It's lunch time. Let's go outside. My treat."

O_____O

Dug, dug..

Dug, dug..

He's asking me on a date? Waaaaa! Okay, enough. Lunch lang hindi date. Pero..

WAAAA!

"You're blushing. Any problem Miss Alano? Magagalit ba ang kapatid ko kung yayain kitang mag-lunch?"

Oxygen please. Ang gwapo nya talaga. Grabe. Yung underwear ko feeling ko kumakawala na ang garter. Malalaglag na, shemay!

"N-no, I mean hindi po. Let's go po." Sabi ko. Jusko. Natataranta ako eh. Ikaw ba naman yayain ng guy na gusto mo na mag-lunch. Grabehan!

Ngumiti siya saka naunang maglakad. Gosh! Deym. Ang dimples lumabas. 

Yung mga workstation na nadaanan namin ang tahimik pero yung mga mata nila nakasunod samen ni Sir Lorence. Lunch time na at nagtataka siguro sila kung bakit kasama ako ni Sir Lorence. First time eh. 

"Get in."

O____O

Pinapasakay niya ako sa oh-so-cool na kotse niya. Shocks! "Sasakay po ako dyan?" Tanong ko. 

"Kung kaya mong maglakad, pwede ka ng hindi sumakay." Naka-poker-face na sabi nya. 

=_=

Casanova's Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon